Chapter Sixteen

119K 1.1K 54
                                    

WEEKS passed at mas lalo pang lumalim ang pagtitinginan nina Alex at Griselda sa isa't isa. Lagi silang sabay kumakain sa morning at gabi at kapag nasa office naman ay tumatawag pa ito para siguruhing nakakain na siya. Tinigil na rin niya ang nightshift na trabaho para magka-time sila sa isa sa gabi pero in-insist niya ang pagtatrabaho sa resto. Iisa na rin sila ng tulugan at nawala na rin ang inhibisyon niya rito. Kaunting dikit lang din ay nag-aapoy na ang dalawa kaya laging nahahantong sa isang bagay.

"HINDI ka pa rin nawawala sa isip ko.." anas ng malamyos na tinig mula sa kabilang linya na siyang nagpatigil kay Alex sa ginagawa.

He clenched his jaw at tumayo sa swivel chair ng office niya. He knew very well that voice. "MIRANDA."

"Did you miss me?" puno ng pag-aasam ang boses nito. He walked towards the window before answering. "Actually no."

"Oh c'mon, I know you've missed me." She insisted. "I've been calling you many times pero lagi mong nirereject ang calls ko. Kaya nag-iba akong number. Kamusta ka na honey?" malanding salita nito. Napakurap siya. Same endearment—years ago at ganoon din ang boses kapag may kailangan.

He knew she's been around since Griselda told him she once answered her call at iyon nga ang pinag-awayan nila. Wala na silang tinatago sa isa't isa. Paraan na rin iyon para makuha muli ang tiwala nito.

"What do you want?" asik ni Alex dito.

"I want you, Alex. I want you back."

Mapang-uyam na tumawa ito. "After all you've done Miranda? Seryoso?" puno ng hinanakit ang boses nito. "Anong mapapala mo kapag bumalik ako sa iyo? May asawa na ako."

"It's just arranged right? You don't love her."

"Mahal ko siya." may pinalidad sa tono nito. "At natutunan ko siyang mahalin."

Malutong na halakhak ngunit puno ng sarkasmo ang isinagot nito. "Oh c'mon Alexander Francis," she retorted. "You're putting up a good joke. You're not even funny. Pero kung totoong MA-HAL mo siya..." she paused for a while, "I can be your mistress." Anito na parang natuwa pa sa sinabi.

"WHAT?! Nababaliw ka na ba?" hindi siya makapaniwala sa tinurang ng dalaga. Kabit? Nasisiraan na yata talaga ito.

"I'm crazy for you, alam kong hindi mo siya mahal. Ako lang ang minahal mo."

"Well worlds have turned, Miranda." Nawawalan ng pasensyang tinig nito. "Stop it. You won't go nowhere."

Matagal na katahimikan. Nang bumalik ay mangiyak-ngiyak na ang boses nito. "Okay... I understand. Pero.. pwede bang makita kita ngayon? For the last time maybe?" pagmamakaawa nito sa kanya.

He let out a sigh. Panahon  na rin siguro para linawin niya ang lahat dito. Wala na siyang kahit anong nararamdaman dito at si Griselda lang ang tanging laman ng puso niya. "Fine."

*

"HAPPY BIRTHDAY BESSY!" Masiglang bati ni Griselda pagbukas pa lang ng pinto ng condo ni Nathan.

"Gri—" bago pa man makabati ay dinambahan na nya ito ng yakap at mabilis na hinalikan sa pisngi. Kuntodo ngiti pa siya nang mapahiwalay rito ngunit unti-unting nanlaki ang mga mata nang makitang walang kahit anong saplot ang binata! Barenaked! Oh nakatuwalya pala!

Namumulang tumalikod siya. "Ano ba yan Bessy, magbihis ka nga! Ganyan ka ba sa lahat ng pinagbubuksan mo?"

"Eh ikaw tong basta-basta nangyayakap eh! Pumasok ka nga muna!"

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon