Chapter Fourteen

131K 1.3K 32
                                    

Few days earlier...

Isang balingkinitang babae ang kasalukuyang papalabas ng airport. Mahaba ang straight nitong buhok na sumasabay sa indak ng mabini nitong paglakad. Her heart-shaped face while wearing a big shades matched her perfectly slender body. Her beauty was stunning. Every person she comes up to take a second glance on how graceful she walks. She furtively smiled. She knew it. She's beautiful, way preetier than pretty. Magiging model ba siya kung hindi? Everybody loves her. No one can resist her. How she loves attention.

"MISS MIRANDA," Sinalubong siya ng isang lalaking nakablack suit. Yumuko ito sa kanya at kinuha ang dala niyang bag. Dumiretso siyang naglakad sa nakabukas na pinto ng kotse at doon pumasok.

"Kamusta ang pinapaayos ko?" turan nito habang naandar ang kotse. She looked outside while the car goes. She missed Manila. 3 years na rin.

"Nasa Bacolod po sila for a 1-week vacation. It was meant to be their honeymoon gift given by the Chairman." Sagot nung lalaki habang nasa daan pa rin ang tingin.

"F*ck that honeymoon sh*t!!" binato niya ang hawak na cellphone. Oh well mapapalitan naman niya iyon. Bahagyang nagulat ang driver pero hindi ito tuminag. Well she didn't care. Bayaran lang ito, she's the boss. She can do whatever he wants.

Kung sa labas ay mabait at isang santa ang tingin sa kanya, sa totoong buhay ay maldita siya at hindi napaiisa. Lalo na ngayong nasa ibang kandungan ang lalaking mahal niya. Hindi siya papayag.

"Condo. Quick." She hissed at the driver at agad din itong tumalima. You little pesky girl, you can't take Alex away from me. He's lawfully mine. Kukunin ko siya sa iyo.

**

"AHRNONG tshinitsingin-tsingin ni'yo? HUH?!" Singhal ni Griselda sa nanay at kapatid niya habang busal ang bibig niya ng maraming kanin. Kaharap niya ang mga ito sa lamesa habang siya ay panay pa rin ang subo ng pagkain. Wala siyang pakialam kung mukha na siyang patay-gutom. Ang haba kaya ng biyahe Bacolod pabalik ng Manila.

"Hoy ate, hindi ba may asawa ka na? Ba't ka nandito?"

Binagsak niya ang mga kamay sa lamesa dahilang makagawa ito ng ingay. Matalim na tinitigan niya ang kapatid at ina na mukhang natakot yata sa kanya. "Don't ever mention ang salitang 'ASAWA'. Wala akong asawa."

"Bakit? Nag-away ba kayo ng 'A-SA-WA' mo?" pinagdiinan pa ng Mama niya.

Sinamaan niya ito ng tingin sabay malaking subo ng kanin. "Shinerbing nang wala akong asherwa eh!" Nagngisihan ang dalawa sa harap niya na parang inaasar talaga siya.

"Dapat, sa 'A-SA-WA' mo ikaw tumuloy," asar pa ng kapatid niyang si Allie. Buong lakas niyang kinalampag ang lamesa sabay tayo. Nakakaasar talaga. Wala nga siyang asawa di ba? She's single and free to mingle.

"Huy, saan ka pupunta?" si Allie nang papunta na siyang kwarto. "Baka hanapin ka ng A-SA-"

"CCHEEEEE!!!!!!" binalibag niya ang pinto pasara. Rinig pa niya ang malutong na tawanan ng mag-ina sa labas.

Asar! Kapamilya ko ba kayo?! Himutok niya. Binagsak ang katawan sa kama saka nagbuga ng hangin. Mayamaya ay nagkikisay ito sa kama na animo'y bata sa sobrang inis. "Leche ka Alex! Bwisit ka! Magsama kayo ng kabit mo!! Grrr"

Three days pa lang sa Bacolod ay sumibat na siya nang uwi. Tataguan niya si Alex. Ayaw muna niya itong makausap. Wala naman siyang ibang mapupuntahan kundi ang pamilya niya. Kaso isa pa itong mga kunsintidor. Maliban na lang kay... kaso nakakahiya.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon