Chapter Twenty-Three

110K 1K 25
                                    

IF a gaze could melt, malamang kanina pa siya natunaw sa malalagkit na tingin na ipinupukol sa kanya ni Alex. Nananatili siyang nakaiwas ang tingin although naka-head up na siya ngayon kesa kanina.

"Masaya bang magtago sa 'kin?" She bravely met his heated gaze. He's standing leaning on his desk and deliberately checking her profile.

"I don't have time to play with your silly games, Altamonte. I think I have to go."

Akmang tatalikod na siya nang magsalita ito. "Running again sweety?"

Napapikit siya sa sobrang pagkainis. Diyos ko, ano ba itong pinasok ko? Kapalaran nga naman, oo. Tatlong taon niyang pinagtaguan ganito pa kalapit ang muli nilang pagkikita.

"I'm not running away," she faced him.

"Then let's go to business." He scooted behind his desk as if nothing happened and sat like a boss. "I heard you're my new secretary."

He looked confident to her, effortlessly exuding his virile aura she actually missed. "Did you plan all of this?" halata ang pagkairita sa boses niya.

He gave her a bored look. "You've come to me, nangangailangan ng trabaho. That's why I've got you. Okay naman ang acad mo, kaya tinaggap kita."

Acads naman pala. Ba't ano bang iniisip mo kung bakit ka natanggap? Bulong ng isip niya. "Whatever. Let's get going."

ALEX can't hide his amusement. He loves seeing the anxious look etched on his ex-wife's face. Somehow hindi rin pala boring ang magkaroon ng bagong sekretarya.

"Come sit in front of me, honey. I have some rules for you." Iminuwestra nito ang upuan sa harap ng lamesa niya. Saglit siyang natulala nang tawagin siya nitong honey dahil iyon ang endearment nila noong sila pa. Sa huli ay sumunod rin siya dito.

"First of all," he leaned his elbows on his desk, his chin on his hands. "You are not allowed to fall in love with me... again."

Malakas na tawa ang isinagot niya rito. "Joke ba 'to? Bakit naman ako mai-in love uli sa iyo? Never."

Sumingkit ang mga mata nito sa kanya. "Don't be so overconfident."

Napalunok siya at sa tingin nitong nanghahamon. Chit, kaya ko ba? Ngayon pa nga lang na malapit ito sa kanya parang gusto na niya itong yakapin. Ipinilig niya ang ulo. Ano ba 'tong iniisip ko?

"I'm quite confident." Bahagya pa siyang napiyok sa huli kaya napangisi si Alex sa kanya.

"We'll see."

*

ALEX oriented her sa mga tasks na gagawin niya bilang sekretarya nito. Fully professional. Wala man lang itong nabanggit tungkol sa nangyari sa kanila. Hindi man lang nito nagawang magpaliwanag sa kanya. Bahagyang nagngitngit ang kalooban niya. Gusto na niya itong kumprontahin kaya lang all-business ang attire nito at kung magtatrabaho siya ay dapat professional pa din.

Kukunin na niya ang mga files nito sa lamesa nito nang hablutin ni Alex ang kamay niya. Nagulat siya kaya tinangka niyang bawiin ang kamay pero hindi nito iyong binitiwan. Nakatitig lang ito sa singsing na nakasuot sa kanya.

"You're engaged." Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Alex. "Your bestfriend must be lucky."

She swallowed a dry lump. Alex's gaze met to her at tila may kumurot sa puso niya sa nabasa sa mga mata nito. Alex then raised her hand and kissed it. Dumaloy ang kuryente sa buong katawan niya sa paghalik nito. "Griselda... I just want you to know that---"

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon