Chapter Thirty-Six

84.6K 987 33
                                    

"PALAYAIN MO NA AKO..."

"So what, you wanna ditch me out?" iritadong tanong ni Nathan rito. Obviously he's not feeling well. Who will be? Nakikipag-break ang girlfriend niyang buong buhay niyang hinintay para lang pakasalan. Sino ba naman ang hindi mapipikon?

"Nathan... p-please don't make this hard for me," napayuko ito. "Ayoko rin naman nito. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin..."

"SIR/MA'M, here's your order!" That breaks their silence. Sabay pa silang napatingin dito habang sine-serve ang order nila.

Nathan's mind was restless habang nakatitig sa dalaga. So this it. He lost again. He lost again in a battle he already knew from the start that he's the loser.

Minsan gusto na niyang ipagdamot si Griselda. Kung pwede nga lang nasa tabi siya nito oras-oras gagawin niya. But then there goes a part of him na ayaw niyang ikulong ito sa pag-ibig na tanging siya lamang ang nagmamahal.

PAG-ALIS NG serbidora ay agad nag-reach out dito si Griselda. "Nathan..."

"Let's not talk about this today. Hindi naman madali ang gusto mo. Alalahanin mo kararating ko pa lang." malamig na turan nito. He redirected his gaze sa pagkain at nagsimula nang kumain.

PAIN ETCHED on Griselda's face. Suko na siya. Hindi siya sanay na malamig ito sa kanya. Manapa'y sanay siya na lagi itong open sa kanya. Nagiging selfish na ba siya? Nathan's love for her is pure, selfless and giving. Hangga't maaari nga ayaw niyang saktan ang puso nito. She doesn't want to lose her bestfriend.

"Okay... sorry." She met his cold eyes but then he pulled his gaze away from her.

"Kumain ka na."

They ate in total silence, as if they don't know each other. Hindi rin makakain ng maayos si Griselda dahil naasiwa siya. Hindi pa rin siya iniimikan nito.

"Restroom lang ako, ha..." She waited for him to nod before heading off to the restroom.

*

"AISH, Naliligaw na yata ako!" Charlyn irately kicked her high-heeled shoes to the ground brought by frustration. Kadarating lang niya galing America at heto siya ngayon, ini-stalk na naman si Nathan.

"Dito lang iyon eh, 'asan ka na bang hinay-pak na Nathan ka? Kailangan nating mag-usap! Aish!"

She's been stalking Nathan a quite few days now. Wala lang, gusto niya lang malaman kung saan ito usually nagpupupunta. Mabuti na lang open ang GPS tracker ni Nathan, madali niya itong nasusundan. Pero sa tinatakbo ng sitwasyon niya ngayon, what the hell? Naliligaw na siya!

"Okay. Dito iyon eh," She sighed a relief nang sa wakas ay matunton ang restaurant na pinasukan ni Nathan at saktong kita naman sa transparent window sa labas ang bultong hinahanap niya. She smiled but then it faded nang makitang hindi ito nag-iisa.

Griselda. Even though sa mga pictures lang niya ito nakita ay tiyak niyang ito iyon. Dumagli ang pait sa dibdib niya. Tears formed in her eyes pero marahas siyang umiling at pinilit ngumiti.

"You're a strong girl, Charlyn. Kaya mo 'to! Huwag kang papatalo," She's cheering herself up. Hinaplos niya ang tiyan niya. "Baby, relax ka lang ha? Kukunin natin ang daddy mo."

Taas-noo siyang pumasok ng restaurant at tinungo kung nasaan si Nathan. Griselda was nowhere. Pagkalapit ay agad niya itong hinalikan sa pisngi.

"HI, BABE." She playfully smiled at him at umupo sa harapan nito. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng lalaki.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon