PAGKABUKAS pa lang ng pinto ni Nathan ay natanaw na niya ang bestfriend na si Griselda nakasandal sa sofa at natutulog habang bukas pa ang TV. Halatang hinihintay siya nito. Napangiti siya. Akala niya ay hindi na niya ito makikita at baka sumama na ito muli sa asawa niya. Pero here she was, sleeping peacefully on his couch, hindi pa rin siya iniiwan.
Dahan-dahan siyang tinabihan ito at pinagmasdan ang mukha. He trailed his fingers to the side of her face. Wala pa ring kupas ang ganda nito. Ang tanging babaeng kanyang minahal, ngunit tanging pagkakaibigan lang ang kayang ibigay sa kanya.
These past few days ang saya niya. Iba rin pala iyong feeling na may naghihintay sa iyo sa bahay. Pagdating mo may pagkain na, at masaya kayong magkukwentuhan ng kung ano-anong bagay na nangyari sa buong maghapon. Masarap sigurong maging asawa si Griselda. Alam niya na iyon noon pa. Responsable at sadyang busilak ang puso ng dalaga.
Mga katangiang kanyang hinangaan kaya nga kahit na may asawa na ito, lihim niya pa rin itong minamahal. Ngunit ang lalaking iyon! How could he hurt Griselda's heart? Naikwento na sa kanya ni Griselda ang lahat at makita niya lang ang lalaking iyon, mapapatay niya talaga ito!
NARAMDAMAN ni Griselda na may humahaplos sa mukha niya kaya napadilat siya. "Nate, dumating ka na." umayos siya ng upo. "Sorry, nakatulog ako. Kumain ka na ba?"
Imbis na sumagot ay niyakap siya nito. Nagulat naman si Griselda. "I thought you left."
Natatawa namang napayakap na rin siya dito. Walang malisya. Ano naman kayang drama ng kaibigan niyang ito ngayon? "Hoy, anong drama iyan Nate?" mayamaya ay bumitiw na rin ito sa kanya. "Akala ko kasi sasama ka na sa asawa mo."
Nawala ang ngiti sa mga labi niya saka napayuko. "Ang totoo niyan... I'm planning to-"
Napabuga ng hangin si Nathan. "Don't tell me babalik ka sa kanya? After all Griselda? Seryoso ka ba?" parang ang sama ng loob ng kaibigan niya sa kanya.
"Eh kasi... asawa ko pa rin naman siya. Atsaka... ipinaliwanag na niya sa akin ang lahat. It's not his fault.."
Part of it was true. Alex said Miranda called him the night he left her hanging sa hotel. She was drunk and all those stuff pero lubos niya na raw pinagsisisihan ang ginawang pag-iwan sa kanya. Na hindi niya na raw ito mahal, that Miranda was just a past and she is his present. Na siya lang ang babaeng minamahal nito sa kasalukuyan at sa hinaharap niya.
Ang cheesy lang ng asawa niya ng binanggit ang mga iyon. Nagiging corny pala ito kapag may kasalanan. Hindi niya alam kung paniniwalaan pa ito pero ang alam lang niya kahit ano pa iyon, handa siyang magpatawad. At ngayon nga ay balak na niyang umuwi. Soooobrang sobrang sobrang miss na niya ito.
"So that's it? Ganoon ganoon na lang?" naiiritang tanong ni Nate sa kanya.
Tila nawawalan na siya ng pasensya rito. "Ano bang problema mo Nate? Bakit nagkakaganyan ka?" Halos sigawan na siya nito samantalang magkaharap lang sila sa sofa.
"Nagkakaganito ako dahil sa iyo! Ano bang meron sa lalaking iyan at hindi mo maiwan-iwan?!" Nathan can't stand it. Gusto niyang magwala! So balak na pala nitong iwan siya? Para ano? Balikan ang hayop na iyon?!
"Nathan, mahal ko siya."
That struck him. Mula sa galit na ekspresyon ng mukha ay lumamlam ito at nag-iwas ng tingin. Biglang kumirot ang puso niya. Oo lalaki siya pero nasasaktan din. Only Griselda can make him feel these things. One thing she makes him smile, one thing she makes him hurt and feel miserable.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Arrogant
General FictionDahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak at susunod na CEO ng kompanyang pinagkakautangan nila. Alexander never wanted any serious in life...