"MARRIED? Kasal? Ate pumayag ka naaa!!"
Pinukulan niya ng masamang tingin ang kapatid na si Allie. Nasa bahay siya ng Mama niya ngayon at kanina pa rin kiya nang kiya itong kapatid niya simula nang ikwento niyang niyaya ulit siyang magpakasal ni Alex at hindi pa talaga sila divorced.
"And so," she gleefully sat in front of her. "Kanino ka ikakasal? Si Alex? O si Nathan? Grabe ang haba ng hair mo 'te."
"Alam mo Allie, hindi ka naman nakakatulong eh. Doon ka na nga! Tulungan mo si Mama sa pag-aalaga kay Xander." Yamot na turan niya rito.
"Alam mo, naaaaapakadali namang solusyonan niyang problema mo 'te eh," she eyed her carefully. "Tutal hindi naman kayo divorced ni kuya Alex, eh 'di siya ang piliin mo! Explain mo na lang kay kuya Nathan. Kahit ano namang sabihin mo d'on, maniniwala sa iyo iyon eh."
Napabuntong-hininga na lang siyang tumingin sa malayo. Hindi niya alam na ganito pala kahirap ang pumili sa dalawa."Alam mo namang hindi ko kayang saktan si Nathan. Masyado na siyang maraming naitulong sa 'kin at napakabait niya pang tao..."
Hinarap muli ni Allie ang kanyang ate at hinawakan sa kamay. Tinignan niya itong diretso sa mata. "Mahal mo ba si Nathan? Tell me the truth."
Bahagya siyang nagulat sa tanong nito. Mahal nga ba niya si Nathan higit pa sa pagkakaibigan? Tulad ba ng pagmamahal niya kay Alex?
Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ko rin alam... Basta ang alam ko, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dahil siya ang kumupkop sa akin at sa anak ko..."
"Ate..." naaawang tinitigan niya ang kapatid. "Hindi mo siya mahal, utang na loob mo lang sa kanya ang lahat. Malamang magulo lang ang isip mo noon kaya napa-oo ka sa proposal niya, pero hindi mo siya mahal." Ipinagdiinan nito iyon sa kanya.
"Hindi ko kayang saktan si Nathan."
"You can," determinadong sagot nito. "And you will. Sa ibabaw naman ng lahat ng ito ay si Alex pa rin ang ama ng anak mo."
She glanced back to her. All she said was true. The fact na the divorce was withheld at may anak pa sila, maituturing nga ng batas na kasal pa rin sila.
Isa pa mahal pa nga niya ito. Sa bawat halik at haplos nito na unti-unting nagpapawala sa kanyang sarili, ang bawat salita nitong maotoridad ngunit sumusuyo sa kanyang puso, hindi matatawaran ang kaligayahang nadarama. All those wonderful things he does to her body, makes her senses alive. Her heart's at stake, pero wala na siyang pakialam roon.
"Pero niloko niya ko. I saw him with my two eyes kissing that ex-fiancee of her. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?" tanong niya sa kapatid.
"Have you talked to him about it?" Umiling siya. "Harujusko. Ate anong ginawa mo? You've wasted five long years just not by asking him?! Ate, you're bad."
Naisara niya ang nakabukang bibig. Another one point, kapatid. Bakit ang galing mo? Samantalang itong kapatid niya kung tutuusin ay wala pang lovelife. "'K fine. You won. I know it's my fault. My bad. I think I'm gonna call him, Nathan."
"Good choice." Ani ni Allie at pinagtiklop ang mga braso sa dibdib samantalang siya ay dinadayal ang numero ni Nathan sa America.
Pero ilang ring na ay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag. Nakakapagtaka. Ang aga naman niyang matulog. Araw rito kaya malamang ay gabi na roon. She dialed again yet she got no answer. Takang tumingin siya sa kapatid.
"Ano?" ani ni Allie.
"Hindi niya sinasagot ang cellphone niya eh."
*
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Arrogant
General FictionDahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak at susunod na CEO ng kompanyang pinagkakautangan nila. Alexander never wanted any serious in life...