Chapter Forty-Two

117K 1.3K 110
                                    

THREE YEARS LATER...

Binacas, Lubang Island

"ASAN SI Allie?" anang ng ina ni Griselda habang ito ay nangunguha ng sinampay sa labas ng bahay.

Natatawang napalatak na lamang ito. "Malamang, nasa palayan na naman iyon at nagpapa-cute sa crush niya." anito at itinuloy na lamang ang ginagawa.

"Ano?! As in what? Bakit hindi ko alam iyan? Masyado pang bata si Allie para kumiri sa mga ganyan! Hay naku, ang mga kabataan talaga ngayon oo!"

Gusto niyang matawa. Adik lang kasi itong ina niya eh. "Mommy, bata pa ba ng 21? Heller! Eh sa edad ko ngang iyan kami ikinasal ni Al.... err nevermind." Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay kasama ng mga damit na iniimis. Bakit ba kase naalala na naman niya? Lumalala na ito. Wala yatang oras na hindi niya naaalala ang dating asawa nito lately.

"Anak," awat sa braso niya ng kanya ng ina nang papasok siya. "Hindi mo ba nami-miss si Alex? Ayaw mo bang makarinig ng kahit anomang balita sa kanya?"

Bumitiw siya rito at hinarap ito. "Ma, ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na huwag na huwag ninyo nang ipaalala pa si A—ang lalaking iyon sa 'kin!" halos maputol ang litid niya sa galit. Medyo napaatras din ang ina sa biglang pagtaas ng boses niya. "Tama na, Ma. Hangga't maaari ayoko na siyang ipaalala sa anak ko." Nilagpasan niya ito at pumasok na sa loob.

"Kaya ba itinakas mo ang anak mo? Kaya tayo narito? Para ano? Magtago ulit? Hanggang kailan? Hindi mo maitatago ang bata sa pamilya nila!"

"Gagawin ko hanggang kaya ko Mama!" Halos luhaan niyang hinarap ang ina. "Hindi-hindi na makakatuntong ang anak ko sa pamamahay nila." Napamaang naman ang ina nito sa kanya. Ngayon lang kasi niya ulit nabanggit ang buong pangalan nito sa anak. Hindi niya alam ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya.

Sa sobrang galit ay muli siyang lumabas ng bahay at nilagpasan ito.

"Saan ka pupunta?"

"Diyan lang... Gusto ko munang magpahangin." Gusto kong mawala 'tong iniisip ko. Gusto kong mawala itong nararamdamang pangungulila ko sa iyo.

*

HIGIT NA malakas na hangin ang dala ng hanging amihan ngayong Disyembre sa pulo na iyon ng Binacas. Palibhasa'y tabi ng dagat, ang hangin nilang nararanasan ay higit pa sa karaniwan. Tulad ng hanging amihan, hindi mo alam kung kailan darating ang pag-ibig o kung anong oras ito aatake. Basta mo na lamang itong nararamdaman. Tulad ng magnanakaw sa gabi. Hindi mo ito mamalayan.

Mumunting niyakap ni Griselda ang sarili at tumingin sa malawak na kulay asul na karagatan habang naglalakad. Ang sayang mahaba nito ay bahagyang nililipad ng hangin. Bahagya niyang pinagmasdan ang sarili:  Napakasimple na niya ngayon, hindi tulad ng dati. Noong nasa poder siya ng mga Altamonte.

ALEXANDER ALTAMONTE... It still hurts her whenever she hears his name. Hindi niya pa siguro ito kayang makita... maybe? Maybe yes, maybe no. Pero she has to admit it. She misses him. Lately tumitindi ang pag-iisip niya rito. Kung nakakakain ba ito sa oras... Kung on time ba ito pumasok...

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon