Chapter One

233K 2.1K 35
                                    

Kanina pa'y kabado na si Griselda. There's something off in the air. Kumpleto ang familia Hernandez sa malaking sala nila which was very unusual simula nang mamatay ang Papa niya. Their looks were very unusual lalo na sa kanya. Sa kuryosidad ay binulungan na niya ang nakababatang kapatid niyang si Allie. "What's happening, Allie? Bakit nandito ang abuelo?"

Ginagap nito ang isang kamay niya, tila pinapakalma siya. Malungkot na nginitian siya nito. "I think you have an idea, right? Nasabi na sa iyo ng Mama noon pa?"

Her jaw hardened. Yeah, she knew about that. Pero hindi niya alam na ipu-push pala talaga iyon ng Mama at abuelo niya.

"Griselda..." panimula ng lolo niya. All gaze shifted to her.

"Yes, abuelo?"

Nagbuntong-hininga ito. "You know our company has gone bankrupt... At wala na tayong magagawa para isalba pa ito. Kahit ibenta pa ang lahat ng shares at ibenta ang ilang ari-arian, kulang pa para maipambayad sa utang ng Papa mo at sa mga tauhan natin." Saglit itong huminto bago muling nagsalita. "Kailangan ko ng tulong mo, apo. The family needs your help."

"Cut the crap, abuelo!" she snapped. "Nasabi na ito ng Mama sa 'kin, pero no. No me voy a casar. Hindi ninyo po ako pwedeng ipakasal sa taong hindi ko mahal!"

"But everything is decided, apo! Hindi na tayong pwedeng humindi sa Altamonte Group of Companies! Pumayag silang bilhin ang kumpanya at i-hire ang mga natitira nating tauhan. They're even willing to pay the debts of your father sa mafia. Sa isang kondisyon— pakasalan mo ang apo nilang lalaki."

Nangilid ang mga luha sa mata ni Griselda. "What if I say no?"

"The mafia will make a way para makulong ako at kukunin nila ang mansyon! Matitiis mo bang mawalan tayo ng tahanan at pulutin sa kangkungan? Hindi pa ba sapat ang kahihiyang ibinigay ng Papa mo sa pamilyang ito!"

"But there are other ways, abuelo..." sinubukan ni Griselda-ng pakalmahin ang boses. "I'm sure we'll find ways—"

"There is no other way, nieta. The decision is final." may pinalidad sa tinig ng abuelo niya. Tumayo ito. "Ilang araw mula ngayon ay makikipagkita tayo sa pamilya nila. And don't you dare get away from this, young lady. Oras na para ikaw naman ang kumilos para sa familia." Tumalikod ito at umakyat na sa taas. Hindi man lang siya nito nilingon.

Nanghihinang napaupo na lamang si Griselda at umiyak. She covered her face and sobbed wildly. Alam niya wala na siyang takas sa anumang balak ng pamilya niya. She's been living a free life then ano ito? Ikakasal siya ngunit hindi dahil sa pagmamahal, but because of the fcking debt of her Papa.

"I'm sorry, anak..." her Mama hugged her while also crying. "Hindi namin gustong mangyari ito, alam mo iyan, pero ikaw na lang ang tanging maasahan ng pamilya."

She fixed herself at kalauna'y tumayo. Without a word ay tinalikuran niya na ang Mama at kapatid ito at tinungo ang pinto.

"Saan ka pupunta, ate Grisel? Gabi na, baka hanapin ka ng abuelo." Allie furrowed her forehead.

"Kailan ko munang makapag-isip, Allie, Mama. Gulong-gulo na ang isip ko." Sabi niya saka naglakad papunta kotse niyang nakaparada lang sa harap ng bahay nila. Sa lahat ng ibinenta ng lolo niya, kotse lang niya ang hindi siya pumayag. Birthday gift sa kanya iyon ng Papa niya noong debut niya. She started the engine without even knowing where to go.

Baon sa utang ang kompanya nila, dagdag pa ang pagkalulong ng Papa niya sa casino noon at dahil doon ay nangutang rin ito sa mafia. Para matakasan ang lahat, nagpakamatay ito. His father crashed his car into a lake. Hindi pa binuburol ang Papa niya ay iniisip na nila kung paano mababayaran lahat ng pinagkakautangan nila. Hanggang sa naisip ng abuelo niya na ipagkasundo si Griselda sa successor ng kompanyang Altamonte Group of Companies.

Pinarada niya ang Toyota Prius niya sa harap ng Vizie Club. Pagpasok, lumapit agad siya sa counter. Sinalubong siya ni Nathan na may-ari ng club na iyon.

"Hey... what are you doing here, young lady?" Bumeso si Griselda kay Nathan. Hindi alam ni Nathan kung matutuwa siya o hindi nang makita ang dalaga. Alam niya kasing nagpupunta lamang ito roon kapag may problema.

Umupo ito sa isang bar stool. She half smiled to him. "Patambay muna dito, ha? Ang daming problema sa bahay, eh." Umorder na ito ng drinks sa bartender. "Bigyan mo ako nung pinakamatapang ninyo."

Tinabihan ito ni Nathan. "C'mon, tell me. What's the problem?"

Nilaklak muna niya ang buong baso bago siya sumagot. "Basta!"

"Ano nga?"

"Basta nga... Huwag mo na muna akong tanungin, pwede?" tila pagod na pakiusap ni Griselda. "Just please, leave me alone, Nathan." Nakita niyang lumamlam ang hitsura ni Nathan. Tila nagtampo sa pagtaboy niya rito.

Akmang tatalikod na ito nang hilahin niya ang polo nito.

"Wait. Okay, sasabihin ko na. Pero after nito, kailangan kong mapag-isa. I need to think, Nathan." Umupo ulit si Nathan. He gave her an assuring smile. Hinawakan ni Nathan ang kamay niya.

"You know you've been my best friend for so long, Nathan, and I trust you..." Nathan's mood grimed. Griselda has been Nathan's first love but she never thought of him as a lover but more of a best friend.

"Abuelo, well, the whole family, decides to push me into an arranged marriage. Ikakasal na ako, Nathan."

"Hindi ba tumanggi ka na?"

"Wala na akong takas ngayon. Sobrang kumplikado ng sitwasyon. Matanda na ang abuelo at walang alam ang Mama, ako, at Allie sa negosyo." Ikinwento ni Griselda ang lahat ng nangyari kanina. Sabay niyon ay ang panay niya pag-inom niya ng alak.

"Gusto mo bang itanan kita?" nag-uumalpas ang puso ni Nathan. Ayaw niyang mawala ang dalaga sa kanya. He never loved anyone other than Griselda. Handa siyang itanan ang dalaga kung papayag lamang ito.

Ilang minuto bago sumagot ulit si Griselda at mapait na ngumiti. "Ayokong maging duwag tulad ng Papa." Inom ulit. "Haharapin ko sila. I'll do the deed." She said bitterly.

"Ayokong mawala ka sa akin, Griselda..." He said with a rattling voice.

"No, por Dios. Hindi naman ako mawawala sa iyo. Magkaibigan pa rin tayo."

Iniharap ni Nathan si Griselda. Hinigpitan nito ang hawak sa kamay ng dalaga. "I don't want to lose you. I'm in love with you, Griselda, you know that."

Griselda was startled. Narinig na niya iyon dati mula kay Nathan pero iba pa rin kapag inulit nito. Pero kahit anong kagwapo ng kaibigan ay hindi niya magawang ituring ito ng higit pa roon.

"Look.." hinawakan na rin niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. "I don't want you to get involved. Gulo ito ng pamilya namin, ayokong madamay ka..."

Hindi na muli pang umimik si Nathan. Si Griselda naman ay tuloy lang sa pag-inom. Nakakabingi ang lakas ng music sa paligid at nakakaengganyo ito. Pang-apat na baso at may tama na siya. She slightly swerved when she stood up.

"Nate, sayaw tayo, taraaa... C'mon, let's have some fun!" Tumayo siya at hinila ito. Nakahawak pa rin kasi ito sa isang kamay niya.

"I'm still on duty. Come to me kung uuwi ka na. Ihahatid kita." Tumayo ito at nilagpasan na siya. Ano ba iyan! Bastos na bata. Siya na nga itong nagyayaya eh. Hmmp! Makapagsayaw na nga lang.

She slid herself sa mga kabataang nagsasayaw doon. Feeling teenager lang, pero bata pa naman talaga siya. Kaka-20 lang niya nitong April. May angas pa rin naman ang booty moves niya, oh yeah!

Naging sexy ang tugtog kaya naging daring rin ang pagsasayaw niya. All boys were over her. She's indeed sexy and a good dancer. Far from her knowing, may kanina pa pala nakatitig sa kanyang magsayaw sa hindi kalayuan. And he seemed to enjoy what he was seeing.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon