Chapter Forty

84.4K 990 50
                                    

GRISELDA WAS pacing back and forth outside the ICU habang si Charlyn naman ay tahimik lang na nakaupo at nakahalukipkip. Magdamag na silang naroon pero wala pa ring lumalabas na doktor. Kinakabahan rin ito sa mangyayari kay Nathan. Paano na lang ang anak niya kapag nawala ito? Paano na lang siya kapag namatay ito?

Agad na nilapitan ni Griselda ang doktor na lumabas ng ICU. "Doc, how is he? Okay lang ba siya? B-bakit daw siya hinimatay?" aligagang tanong nito.

Napabuntong-hininga ang doktor bago magsalita. "Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?"

"No, I'm the bestfriend. She-"

"I'm the future wife." putol ni Charlyn sa kanya. "How's my fiance?"

"He needs a heart transplant."

"ANO?"

"What?" si Charlyn. "Pero wala rito ang parents niya."

"Kailangan niya ng heart transplant sa lalong madaling panahon. Habang tumatagal, humihina ang puso niya. Napag-alaman naming hindi na niya iniinom ang mga gamot niya lately kaya naa-aggravate ang puso niya sa sobrang stressed."

"Humihina ang heartbeat at pulse rate niya at kung hindi maagapan... eventually it will stop."

"Oh God..." nanghihinang napayakap sa kanya si Charlyn.

"Makakaya po ba niyang magbiyahe?"

"Sa ngayon, stable na ang pasyente. Kailangan lang mapabilis ang pag-alis niya ng bansa at makakuha agad ng heart donor para hindi na lumala pa."

"Thank you, Doc." Mapait na nginitian niya ito bago ito tuluyang umalis.

Iginiya niya paupo ang ngayo'y humahagulhol na na si Charlyn. "Pwede ba, huwag ka nang umiyak? Makakasama iyan sa baby mo ih..."

Liham ng luhang tiningala siya nito. "Paano na ako ngayon, Griselda? Paano na ang baby ko?"

She looked at her sternly. "I won't let him die. Kailangang makaalis na kayo sa lalong madaling panahon and have the surgery." She seized her hand. "Mabubuhay siya. Makakasilay pa ng ama iyang anak mo."

**

"ALEX, SAGUTIN mo naman, please..." iritadong sambit ni Griselda habang nasa tenga ang cell phone. Kanina pa kasi ito hindi nasagot, hindi ba ito nag-aalala na magdamag na silang nawawalang mag-ina niya?

"Mam..." Nilingon niya ito. Si Merberry, malamang tulad niya ay wala pa rin itong tulog.

Nilapitan niya ito at hinawakan ang magkabilang kamay. "Merbs... alam ko wala ka pang tulog. Pati na rin iyong anak ko... Sorry, emergency kasi." hingi niya ng tawag dito.

"Ayos lang po, Mam. Naiintindihan ko... Sana, maoperahan na si Ser, 'no?"

"Sana nga Merbs... sana nga." Nginitian niya ito. "Paano? Uwi muna kayo ng anak ko, baka nasa bahay na rin si Alex. Sabihin mo patawagin sa 'kin."

"Sige po Mam."

**

"HINDI MO BA sasagutin iyan?" kanina pa naiirita si Lance sa ingay ng cell phone ni Alex, ayaw naman sagutin ng kumag. Kasalukuyan silang nasa apartment ni Lance at nagbe-brainstorming para sa magiging design ng isang establishment na gagawin sa Japan.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon