NAMUTLA si Charlyn nang makitang POSITIVE ang resulta ng pregnancy kit na ginamit niya. Iba't ibang brand ng preg test kit ang binili niya at lahat ng iyon, POSITIVE.
She's... pregnant. Obviously with Nathan's child. Hindi siya pwedeng magkamali. Nathan was her last one. Simula noon hindi na siya dinatnan ng period niya. Suka siya ng suka every morning. Seems like her breasts are getting bigger and swollen. Dumadalas na rin ang migraines niya.
Sasal ang kaba sa dibdib na humiga siya ng kama at tumitig sa puting kisame. Magulo pa ang isip niya. Sasabihin ba niya sa magulang niya? She thinks matutuwa pa lalo ang mga ito dahil boto naman talaga sila kay Nathan mula noon pa.
Paano niya sasabihin? Oh my God. Hinaplos niya ang tiyan at tumawa nang pagak. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Luha ng isang dalaga na magiging ina pa lang. Isang babaeng walang muwang sa mundo kung hindi mga kaluhuan at kasiyahan sa mundo.
Isang babaeng lihim na nagmamahal sa isang lalaki all these years pero wala namang pakialam sa kanya.
Buntis ako... May munting buhay na pumipintig sa loob ng tiyan ko. God, this is unbelievable.
Hindi siya sanay na ganito. Definitely she needs to talk to Nathan. Hindi niya kaya mag-isa ito.
I need to go back to the Philippines... ASAP.
*
NAPAGDESIYUNAN ni Griselda na sunduin si Alex sa opisina nito. She even brought dinner para sabay na rin silang kumain. Nakapostura na siyang mag-para ng taxi nang may tumigil na motorsiklo sa harap niya.
"GRISELDA..."
Laking gulat ni Griselda nang pagtanggal ng helmet ay walang iba kung hindi si Nathan. Agad siya nitong sinalubong ng yakap.
"Oh my God, I miss you so much..." She flinched when he suddenly showered kisses on her face and eventually took her lips. It's just a peck at muli siya nitong niyakap. "Sobrang namiss kita..."
"Nathan..." Bumitiw siya rito. "Kailan ka pa umuwi?"
Bahagyang nalungkot si Nathan. Tila ba hindi sabik ang dalaga ngayong nandito na siya sa harapan nito. "Kahapon lang. I just wanna surprise you but you seems don't like..."
Napaawang ang labi niya sa tinuran nito. "Oh, it's not like that... The truth is- I'm so surprised," pilit niya itong nginitian. "Akala ko... hi-hindi ka pa babalik."
Nginitian siya nito at kinabig ang bewang nito palapit sa kanya. "Well now that I'm here... I'm gonna spend my whole day with you... and a few days from now," He tipped her chin playfully and smiled at her. "Gonna spend my whole forever with you..."
Nanuyot bigla ang lalamunan niya sa sinabi nito. Oh my God. Kill me now. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa front seat. Abot-abot ang kaba niya habang nasa loob. Parang guilty siya na hindi mawari.
*
"SAAN mo gustong kumain? Tutal lunch na rin naman." masayang wika nito sa kanya. Mukhang good mood ito samantalang siya abot-abot ang kaba. Parang ang hirap tuloy nitong kumprontahin agad kung masaya ang aura nito.
"Ahmm... kahit saan na lang. Bahala ka."
"Ah! I've known a good restaurant. Doon sa dati mong pinagtatrabahuan."
Inalala niya iyon saka napatawa. "Natatandaan mo pa pala iyon."
"Everything about you, I will never forget." Ginagap nito ang isang kamay niya at hinalikan. "I love you."
Umaasa si Nathan na ganoon rin ang isasagot nito ngunit bigo siya. Sa halip iba ang sinagot nito.
"Thank you."
Nathan's heart breaking into pieces. Alam niyang may nagbago. Kung ano man iyon hindi pa niya handing pangalanan.
*
"I KNOW what you like. Italian food! Oh ha?" tatawa-tawang saad ni Nathan sa kanya habang umuorder sila ng pagkain.
She flashed a smile on him. "Yeah right. Kilalang-kilala mo talaga 'ko."
Ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa at hinalikan"We are friends. Who would have thought na ilang araw na lang ikakasal na tayo?"
His sweet acts. He being faithful. Diyos ko, lalo akong nakokonsensya.
Binawi niya ang kamay dito at yumukod. Napansin ni Nathan ang paperbag na kanina pa niya dala-dala. "Ano iyan?"
"Ah... I-ito ba? Pa-para s-sana kay Alex...." Sh-t! Pesky mouth. Bakit ba hindi ko kayang magsinungaling?
Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Gusto na niyang mamatay sa pag-aalala kung ano ang magiging reaksyon nito. Nananatili lamang siyang nakayuko at ayaw tignan ang mukha nito.
"I see..." At last ay nagsalita na ito. "Nagkabalikan na pala kayo..."
"Nathan..." She took his one hand and firmly grasped on it. She can't stand the pain she's seeing in his eyes. Kung pwede nga lang lumuhod rito gagawin na niya. "I'm sorry... H-he found me, and our child. Hindi ko kayang hindian ang ama ng anak ko..."
"Mahal mo ba siya?"
"Nathan..."
"Just answer the f-cking question, mahal mo pa ba siya?"
(....)
She took the courage to look straight in his eyes. How can this be so hard for her? "Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya... And you will always be my bestfriend 'di ba?"
PARANG sinasaksak ang puso ni Nathan. Sabi na nga ba, walang patutunguhang mabuti kung babalik si Griselda sa Maynila. Langya... Heto na naman tayo. Naagawan na naman siya.
"Anong gusto mong gawin natin ngayon? Makikipag-break ka na ba?"
"Nathan..."
"Pakawalan mo na ako..."
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Arrogant
Ficção GeralDahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak at susunod na CEO ng kompanyang pinagkakautangan nila. Alexander never wanted any serious in life...