Chapter Two

168K 1.8K 47
                                    


Kailangang mag-celebrate, last night na niya bilang bachelor. Alexander and friends decided to go clubbing. His grandfather finally decided to pick someone to be his wife.

"Hhmm.. Baby you are so sweet." The girl said after their long shattering kiss. Nakaupo ito sa lap niya at nakayakap sa kanya. Alexander doesn't remember her name. He just called a name from his phonebook and asked her if she wants to have some fun. Pumayag naman ito at ito na nga ang kinahinatnan.

She lowered her head and kissed him again. She snaked her one arm around her neck and her other hand is touching his chest below down to his crotch.

Bumitiw siya ng halik. "Oops, below the belt na iyan." Tinanggal niya ang kamay ng babae sa bahaging iyon at dinala sa mga bibig niya.

"Hihihi! Silly.. below the belt naman talaga iyan." She said with a seducting voice. She kissed his neck while whispering something.

"Let's go to my place.. Paliligayahin kita." She once again kissed his neck. Naramdaman ni Alex na kinakagat ito ng babae.

"Uy ano ba?" nilayo niya ito. "Why are you giving me a lovebite?"

"Wala lang. Just to tell them you're mine." Akmang lalapit na naman ito sa kanya pero isinalya niya ito sa upuan.

"Leave."

"What?" iritadong tanong ng babae.

"I said leave!" ayaw niya sa lahat ay mga demanding na babae. Ni hindi niya nga ito kilala.

"Arrggghh!" she growled in frustration. Padabog itong tumayo. "Bahala ka sa buhay mo!"

He took a sip of his vodka. Yeah, she's sexy and hot. Pero she's just one of the random girls he had sex with. Ayaw niya sa lahat binibigyan siya ng hickey. Lalo na ngayon kailangan niyang magpakabait sa lolo niya dahil ibibigay na nito sa kanya ang pwesto bilang CEO ng kompanya. Kaya nga siya pumayag na magpakasal.

"WUHOOH!!"

His attention was captured by a voice from the crowd. Mayamaya, people from the dance floor started to form a circle around a girl dancing wildly. They're all cheering for her. Paano ba naman ang galing niyang magsayaw at sexy pa. Tinignan niya ang mukha nito. No doubt she is a beauty. Kahit dim ang light sa club na iyon ay kitang-kita niya ang nakangiting mukha nito. Lihim din siyang napangiti. Para bang nakakahawa ang mga ngiti nito.

<>

Papunta nang kotse si Alex nang mamataan niya ang isang babaeng nakahiga sa ibabaw ng kotse niya. Literal talaga sa ibabaw. Para itong anghel na nahulog mula sa langit. Lasing nga lang. Bwahahaha.

"What the?" nanlaki ang mga mata si Alex. Mabilis niya itong nilapitan at pilit hinihila.

Ano ba naman itong babaeng ito, sa lahat ng hihigaan eh iyong kotse ko pang pagkamahal-mahal. At ano ito suka? Argh! Kadiri.

"P.ksh.t," napamura siya. Nag-iinit na talaga ang ulo niya. At dahil nga tulog na tulog ito at walang malay ay binuhat niya na ito bridal style.

Saglit niyang tinitigan ang mukha nito. Napatigil siya. Parang muling na-magnet ang mga titig niya rito. Siya iyong babae kanina sa club, iyong magaling magsayaw. Ang ganda niya pala sa malapitan.

P.ksh.t ano bang iniisip ko? Anong gagawin ko dito? Parang wala namang kasama. I-take home ko na kaya 'to? Lasing naman eh. Tama, para may malabasan na rin ng init ng katawan. Sabi ng mahalay niyang isip.

Pero ang baho niya, madudumihan ang kotse ko. Kita mong puro suka na nga itong hood ng kotse ko papalinis ko pa ito. Sabi ng maarte niyang isip.

Aish, ang sasama ng iniisip ko! Iuwi ko na lang tapos i-torture kong may nangyari sa amin kinabukasan. Sabi ng bait-baitan niyang isip.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon