Napagdesisyunan nila Alex na magpaalam muna sa mga magulang nito. Nagkataon namang nasa mansion ang mga biyenan niya kaya madali nila itong natunton. Separate kasi ang bahay nila sa bahay ng mga biyenan niya.
"Oh basta Griselda, ang apo ko ha?" Sabay kindat sa kanya ng mama ni Alex. "Huwag ninyong kakalimutan. Kahit iyon na lang ang pasalubong ninyo sa amin." Sabay nagtawanan ng mga matatanda.
Nagulat na lang siya nang biglang i-backhug siya ni Alex. He snaked his arms around her waist and pressed her tightly against his body. "Hayaan ninyo 'Ma, 'Pa." isiniksik pa nito ang ulo sa leeg niya. "Gagawa kami ng baby, dalawa agad para kambal!"
Wala sa sariling siniko niya ito. Ano bang pinagsasabi niya? Namula tuloy siya ng hindi oras. Pero imbis na magalit, hinalik-halikan lang nito ang balikat niya at hinihimas-himas pa. Naka-off shoulders pa naman siya kaya damang-dama niya ang mga labi nito. Kinilabutan siya. Prakshet, ginagahasa na siya nito sa harap ng parents niya pero wala naman siyang magawa.
Nagtawanan naman ang dalawang matanda."Sabi mo iyan hijo ha? Naku, we can't wait to have our first apo!" Mama ni Alex.
"A-he-he-he." Ngiting-aso na lang si Gris. Epal kasi itong Alex na ito. Kahit gusto na niyang jombagin at sampalin left to right itong si Alex hindi niya magawa. They have to act as a couple sa harap ng pamilya nito. He was still kissing her shoulder up to her neck and nape na para bang walang tao sa paligid nila. Panay pa ang yakap nito sa kanya. Nang makaalis ang mga matatanda ay walang pakundangang siniko niya ito at inapakan sa paa.
"A-a-ouch!" tinataas-taas nito ang injured na paa. "Why did you do that?!"
"You deserve that. Masyado ka kasing maniac, pervert, malib*g, bwisit! Bwisit ka talaga! Arrgh!" Nag-aalburotong lumabas na ito. Nakakainis, lagi na lang siyang minamanyak nito.
They fled using the private jet. Everything goes smoothly. May times na kinukulit pa rin siya ni Alex pero hindi na lang niya ito pinapansin. Malamang nagpapacute lang ito sa kanya, kaya pinababayaan niya na lang. After a few hours of flying, narating na rin nila ang City of Smiles, ang lungsod ng Bacolod.
Sinalubong sila ng malamig na simoy ng hangin paglabas ng eroplano. Magdarapit-hapon na kasi noon at nagsasalubong na ang araw sa dilim.
"Okay ka ba?" pukaw ni Alex sa atensyon niya. Saglit kasi siyang tumigil para pagmasdan ang lugar.
"Halika na nga..." inalalayan siya nitong makababa hanggang makarating sila sa patag. Sinalubong sila ng ilang unipormadong lalaki na nagdala ng mga bagahe nila. They headed to car at pinagbuksan siya ng pinto nito.
"Feelin' tired?" tanong nito sabay ngiti sa kanya. Tabi sa likod ng kotse. Tinanguan niya ito at ngumiti. Sa totoo lang inaantok na talaga siya.
"You can rest on my shoulders.." iginiya siya nito upang sumandal sa kanya which she did. She embraced his arm while Alex entwined his fingers to hers. Pinagmasdan niya ang magkadaupang nilang mga palad. His hand is so warm she can hold it all day. Surpringsingly, she felt relax and calm with him being closer to her. She can't help but smile with the weird feeling.
"Sleep my princess..." She heard before she fell asleep.
Napamulat siya sa marahang haplos nito sa kanyang mukha. His face is so close that she can hardly feel his breath fanning her. She can feel the weight of his stare kaya napaayos siya ng upo at dumungaw sa bintana. Madilim na sa labas.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Arrogant
General FictionDahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak at susunod na CEO ng kompanyang pinagkakautangan nila. Alexander never wanted any serious in life...