PIKON na pikon si Miranda. That--- girl?! Ang lakas ng loob nitong sirain ang araw niya. Ingrata! Kung titignan sa panglabas na anyo ay napakainosente nito, halos hindi makabasag-pinggan. Ngunit kung magalit pala ay para itong tigre! Hah! She has to change plans. If you can't beat them, just join them. Evil grin formed her pretty face.
*
DAHIL sa pagkabagot, naisipang maggrocery ni Griselda. Mga snacks lang at dahil nagke-crave na rin siya ng vanilla ice cream ang pinamili niya. Sa totoo lang ay gusto niya lang talagang magpahangin. Naiinip na kasi siya sa bahay.
Ayun, coke. Binuksan niya ang fridge pero hindi inaasahan na sa paghawak niya ng isang coke bottle ay may humawak rin doong isang kamay. Napatingin siya sa katabi at hindi niya inaasahan ang taong ito.
"Ah, pasensiya na Griselda. Sige, sa iyo na iyan. Tutal nauna ka eh." Nakangiting saad sa kanya ng babaitang ito na sa hinagap ay hindi niya ninais makita muli para lang masira ang araw niya. Si Miranda.
"AKIN talaga 'to. Kasi ako ang nauna." Makahulugang sabi niya rito. Inirapan niya ito at nilagpasan na lang.
Akala niya ay lulubayan na siya nito pero sinabayan pa siya nito sa paglalakad."Don't you think, parehas na lagi tayo ng gusto? Una si Alex, tapos ngayon, coke naman. Ano naman kaya sa susunod?" Sa inis ay hinarap niya ito. Ayaw niyang mag-eskandalo pero pete naman nagsisimula na naman siyang mainis.
"Kung wala kang gagawing matino, pwede ba? Lubayan mo na 'ko? Hindi kita kailangan." Muli ay nilagpasan niya ito. Pisti, huwag na sana siya sumunod.
"HEY!" hey face... ito na naman! hinarap niya ito at nginitian lang siya nito. Plastic. Nanginginig na naman ang panga niya sa galit.
"About last time," bigla itong yumuko at pagtingala ay para na itong maiiyak. "I'm very sorry. I didn't mean to hurt you... nadala lang ako ng damdamin ko... a-alam mo namang..." yumuko ulit ito at pinahid ang butil ng luha sa mata, "f-first love ko si Alex, at muntik pa nga kaming ikasal di ba? Nasabi ko lang naman iyon dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako na may asawa na siya, iyon lang..."
Kahit paano ay nakaramdam siya ng awa rito. Tama naman lahat ng sinabi nito. Kung tutuusin ay siya pa nga ang third party sa pag-iibigan ng mga ito.
Bigla nitong ginagap ang palad niya at luhaan itong tumingin sa mga mata niya. Shocks nasa pampubliko silang lugar! Baka akalain ng ibang tao na pinaiyak niya ito.
"Pero mahal ka na ni Alex. Inamin niya sa 'kin... at tanggap ko na iyon. Please, patawarin mo na 'ko... let's be friends, huh?" she's crying literally. At pinagtitinginan na sila ng maraming tao. Iyong iba ang sama na ng tingin sa kanya lalo na at magandang babae itong si Miranda.
"Fine," she surrendered. "Ayusin mo nga muna ang sarili mo, pinagtitinginan na tayo ng mga tao, oh."
Biglang lumiwanag ang mukha nito. Mabilis nitong pinalis ang mga luha at agad iniayos ang sarili. "Lunch?" aya nito sa kanya. Tumango na lang siya at sabay silang lumabas ng grocery store.
MIRANDA drove for her, may kotse ito. Dinala siya nito sa isang seafood restaurant at doon ay pina-order siya ng kahit anong gusto niya. Kanina pagpasok pa lang ay naglalaway na siya doon sa monster lobster na order nung katabi nilang mesa kaya iyon ang inorder niya. Bahagya pang nagulat si Miranda sa order niya dahil pangtatlong tao ang isang iyon. Pero pinilit niya talagang iyon and iorder kaya wala na itong nagawa.
"NAGLILIHI ka ba?" biglang tanong ni Miranda sa kanya habang nakain sila.
"H-ha? Ewan. Basta gusto ko ito. Manlilibre ka na nga lang, hindi mo pa lubus-lubusin." Iniisip niyang ang kapal ng mukha niya pero tama naman ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Arrogant
General FictionDahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak at susunod na CEO ng kompanyang pinagkakautangan nila. Alexander never wanted any serious in life...