Chapter Thirty-Eight

80.4K 898 33
                                    

NATHAN... ano ba'ng nangyayari sa iyo? Bakit ka ba nagkakakaganyan? Dahil ba sa 'kin kaya ka nahihirapan? Bumitiw ka na please... Bitawan mo na 'ko...

Whole day na yata siya roon, binabantayan ang maysakit na si Nathan. Sinumpong na naman kasi ito ng sakit nito.

"Mahina ang puso niya... aware ka ba dito?" Pagkuwa'y baling sa kanya ng doktor pagkaeksamen sa kalagayan ni Nathan. Kasalukuyan itong nakahiga sa kama, walang malay at namumutla. Hindi ito pumayag na pumuntang ospital kaya tinawagan na lang niya ang family doctor ng mga ito.

"Y-yes doc... College pa lang ho kami alam ko na ang sakit niya na iyan. Bakit doc? Kamusta na ang kalagayan niya?"

The doctor looked at her sternly. "Well if that's the case, kailangan malamang ng parents niya. Maari pang lumala ang kondisyon niya kung hindi maagapan."

Sinulyapan niya ang nahihimbing na si Nathan. Ilang araw niya lang itong hindi nakita ngunit parang nangayayat na ito. Namumutla pati ito. Diyos ko, Nathan. Ano bang nangyayari sa iyo?

"Sige doc. Tatawagan ko na lang ang parents niya tungkol dito."

"And one more thing. He needs to have rest. Any stress na makaka-trigger sa kundisyon niya dapat iwasan. Emotional stress kaya nagsisimula na namang lumabas ang mga sintomas ng sakit niya. May nangyari ba na pwedeng makadagdag sa stress niya lately?"

Nahihiyang napatungo siya. "Kabe-break lang ho namin..."

"I see. Well if that's the case, I suggest na samahan mo muna siya pansamantala. Sa tingin ko dinibdib niya ang paghihiwalay ni'yo kaya na-stress ang puso niya."

Tipid na ngiti ang isinukli niya dito. "Okay po, doc."

Nathan's heart is weak. Asthmatic pa ito. Noong college lang din nila nalaman na lumalala ang kundisyon nito. Nathan got hospitalized back then, all because of her stupid prank na hindi ito siputin sa iniisip nitong "first date" nila. What she thought was a simple "kadramahan" lang nito ay na-diagnosed ito ng heart failure. Humihina ang tibok ng puso nito habang tumatagal. Nadaan sa gamot kaya pansamantalang nawala ang mga sintomas ng sakit niya.

Nathan, undeniably has fell in love with her. Kahit ilang beses na niyang sinabing friendship lang ang mao-offer niya rito ay nag-insist pa rin itong maging lagi sa tabi niya. Matigas pati ang ulo nito. Minsan hindi ito umiinom ng gamot kapag wala siya. Para itong bata, gusto siya pa ang magsusubo ng gamot dito.

PAGKAALIS NG DOKTOR ay pinuntahan niya ulit ito sa kwarto. Nakatayo lang siya sa may gilid nito at nang tangkang aalis siya ay bigla nitong pinigilan ang isang kamay niya. Nilingon niya ito. His eyes half-lidded gazed across her, his grip tightened on her wrist. Manapa'y parang lalabas ang luha sa mga mata nito.

"Griselda..."

"Nathan,"

"Don't leave me, please. I need you..." Hinilang muli ni Nathan ang kamay ni Griselda habang nakahiga. Must be the temperature or his heart weakening ay lumuluwag ang hawak niya sa palapulsuhan ni Griselda. Agad naman iyong sinalo ni Griselda at umupo sa tabi nito. Payak na nginitian niya ito.

"I won't go anywhere. Paparating na rin si Charlyn para alagaan ka..."

"I don't need her. Ikaw ang kailangan ko..."

"Nathan... please don't be harsh with her. Balita ko magkakaanak kayo...hindi ka ba masaya?"

Gulat na tinitigan siya nito, tinitimbang ang reaksyon niya; ngunit nginitian niya lang ito. Wala siyang ibang maramdaman kundi awa at kasiyahan para rito.

"So you know..."

"She told me. I'm very happy for you. Magiging ama ka na."

Iniba nito ang usapan. "Anong sabi ng doktor? Mamamatay na ba ako?"

"NATHAN! Don't say that! Hindi ka pa mamamatay..."

"I knew it all, Griselda. Bata pa lang, alam ko nang mamamatay ako. Hindi ako pinaglalaro sa labas kasi mahina ang puso ko... Palagi akong mag-isa, hindi man lang ako nakakalabas dahil sa sakit ko. Just when I met you saka ko lang nalaman na maganda pala ang mundo... na may pag-asa pa sa katulad kong malapit nang mamatay."

"Nathan..."

"Dito ka lang, please? ... Just like the old times. Alagaan mo 'ko... Huwag mo akong iwan."

*

"SA'N KA GALING?"

She was stopped halfway nang makarinig ng boses mula sa salas. Madilim at tanging liwanag ng buwan sa labas ng bintana ang nagsislbing liwanag sa kanila.

Nilapitan niya ito. May hawak itong kopita ng alak at sumisipsip ito habang matamang nakatingin sa kanyang papalapit. Kunot-noong hinarap niya ito. "Naglalasing ka ba?"

Inagaw niya ang kopita rito ngunit inilayo nito iyon. "Hindi ako lasing... Tell me. Saan ka galing?"

"Sa... kaibigan. Pasensya na hindi ako nakapagpaalam sa iyo na gagabihin ako."

"Sana tumawag ka para nasundo kita."

"Hindi na! Okay lang naman..." Don't know what's gotten in her mind bakit hindi niya sinabi ang tungkol kay Nate. "Sige magpapahinga na ako. Magpahinga ka na rin..."

She saw him clenched his jaw bago niya ito talikuran. Halata ba siyang nagsisinungaling? Ayaw niya lang naman magkagulo pa. She'll tell the whole truth sa mga magulang ni Nathan at pauuwiin ito sa States and then iyon. No need for him to know anything right now.

She just has to be careful.

*

KASALUKUYAN SILANG naglalakad papuntang bahay ni Nathan nang hilahin ng anak ang kanyang kamay dahilang mapatigil ito.

"Mommy, saan po tayo pupunta?" inosenteng tanong nito.

Magiliw na umupo si Griselda ka-lebel ni Xander at nginitian ito. "Hindi ba nami-miss mo na si tito Nathan?"

Lumiwanag ang mukha nito. "Opo! Nami-miss ko na talaga si tito Nathan. Pupuntahan po ba natin siya?"

Nangingiting tinanguan niya ito. "Yehey! Makikita ko na si tito Nathan!"

"Tara na.."

SA DI-KALAYUAN naman ay nakatunghay lamang si Alex, pinagmamasdan ang mag-ina niyang masaya habang tinutungo ang bahay ni Nathan.

Griselda... how could you lie to me? Ilang araw na niyang pinasusundan ito. All those times puro tungkol kay Nathan ang nakakarating sa kanyang balita. Hanggang sa hindi na niya napigilan, he has to see it with his two eyes.

And with this, Griselda broke his trust again. Confused, angry, infuriated. How he hates infidelity. He hates Nathan to the core. Manly instinct, he doesn't want to share Griselda to anyone. Her body, her flesh, her scent... Lahat ng iyon kanya!

At hindi niya mapigilang magselos. He was at his worst pa naman kapag nagseselos siya. Gusto niyang magwala! Sirain ang lahat ng bagay na makita niya. Gusto niyang kumitil ng buhay.

His hands turned into a fist inside his pockets. Bago pa man niya isiping sumugod ay kailangan niya munang makapag-isip ng matino.

Kailangan niyang alisin anoman itong nararamdaman niya. Kahit paano'y ayaw niyang malaman ni Griselda na alam na niya ang lahat. Na niloloko na naman siya nito.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon