Chapter Twenty-Two

101K 1.1K 50
                                    

KINAUMAGAHAN ay lumuwas na agad siya ng Maynila. She left Xander sa pangangalaga ng yaya nito na hinire ni Nathan para sa kanila. Nathan went back to States pero babalik din para sa engagement party nila. Luckily nakahanap agad siya ng condo na malapit sa Makati. Doon kasi siya natanggap bilang secretary.

BEST foot forward ika nga. Tinignan muna ni Griselda ang hitsura sa salamin. FIRST DAY. Shocks, ang ganda ko, lels. Ngayon lang ulit siya magtatrabaho after three years. Maganda pa rin naman siya. Mas naging define ang kurba ng katawan niya at mukha niya. Tila pa nga mas sumexy siya ngayong nagkaanak na siya. She deliberately put her glasses on and curled her brown-dyed hair. Pink lipstick matched her black low-cut skirt and elbow-length blouse. Ayan, mukhang disente na.

Pagdating sa kompanya ay hindi niya maiwasang humanga sa istruktura nito. Online lang kasi siya nagpasa kaya ngayon lang siya nagkaroon ng full view ng kompanya. Wow, as in wow! Almost 35 floors iyon, grabe ang taas. Lahat ng iyon sa GIC Company, isang international company, actually it's a corporation which is composed of several companies. AGC was assigned to her.

PAGBUKAS pa lang ng elevator ay pumasok agad siya. Mayamaya ay nagsipasukan na rin ang ibang empleyado. Pumwesto siya sa pinakadulo. Shocks, nakakaexcite naman! She secretly smiled. Nandoon iyong thrill na, iyong feeling ban a professional ka. Buti na lang natanggap siya sa trabahong ito kahit wala pa siyang experience.

"SIR, we already got you your new secretary." Narinig niyang wika ng isang babae sa lalaking nasa harap nito. Malamang secretary.

"YEAH I KNOW." Kampanteng sagot ng lalaking nakatuxedo. Nagsitayuan lahat ng balahibo niya sa batok pagkarinig ng boses na iyon. Dahan-dahan niyang nilingon ang lalaking iyon.

Pakingshet... F*ck! I'm doomed. She deliberately hide her face with her hand sa gawi nito. Hindi siya pwedeng magkamali! Likod pa lang nito kilalang-kilala na niya. My God, whatta life.

Maya-maya ay nabawasan ang laman ng elevator. Now kung hindi ka naman minamalas ng ikasampu isama pa ang mga kalabaw at kabayo sa palayan ay sila na lang tatlo ang natirang laman ng elevator. Gusto na niyang maglaho sa kinatatayuan.

Mahabaging lupa. Please, lulunin mo na 'ko as in now na! mariing panalangin niya habang panay ang tago niya sa bag niya. Please huwag kang lilingon dito, pakingsyet naman Alex.

"Alam mo mukha kang tanga,"

Muntik na niyang mahulog ang bag niya nang magsalita ito. Bigla niya itong nilingon pero hindi naman ito nakatingin sa gawi niya.

"SIR?" sabi ng secretary nito sa likod na may katandaan na. Akala nito ay siya ang sinasabihan nitong tanga. WHATDA EF, LEX. Ano pang sense ng pagtatago niya eh mukhang nakilala na siya ng dating asawa.

"No, not you."

"Ah, okay."

Sumingkit ang mata niya at umayos ng tayo. No sense din ang bag niya pala dahil purse lang iyon, paano nga naman siya makakapagtago? Muntanga nga naman siya. Oh well, mukhang balewala lang naman dito ang presensya niya. Akala niya ay lalapitan siya nito at sapilitang pauuwiin pero whatdahek? All those have gone. Nakalimutan niyang nagtatago nga pala siya rito.

Elevator dinged. 28th floor. Parang lifetime na sa kanya sa haba ng tinagal na kasama ito. Buti na lang nandon ang sekretarya nito kung hindi... ay naku! Baka mayakap ko lang siya. Ipinilig niya ang ulo. Ano ba 'tong iniisip ko? Urgh!

Alex and his secretary exited the elevator pati na rin siya. Bungad pa lang ay front desk na agad ang nakita niya. Wait... Processing... Wait! Bakit the same floor lang ang nilabasan nila ni Alex? Di kaya----"

"Miss Hernandez?" Tulala na naman pala siya kaya napapitik ang babaeng kaharap niya. Nakalimutan niya nga palang nasa harap siya ng front desk at kabibigay pa lang ng requirements niya rito. "Ah yes?"

"You're the new secretary, right?" Napatango na lang siya. Shet, hindi ko gusto 'to. "Kindly proceed na lang po sa office ni Sir Altamonte, hinintay ka na niya kanina pa."

I know right? Siraulo talaga ang lalaking iyon. "Okay."

Mabibigat ang hakbang niya papunta sa itinuro nitong pinto. May mesa at computer sa labas niyon at malamang nakahanda na iyon para doon siya magtrabaho. Pakingsyet, ba't hindi ko ba agad nagets iyon?! AGC, Altamonte Group of Companies. Ang tanga ko. =_=

Takas kaya ko? Kaya naman pala natanggap siya agad online pa lang. Malamang namukhaan nito ang resume niya.

Huminga muna siya ng malalim bago kumatok. "COME IN,"

Makailang lunok muna siya bago binuksan ang pinto. Nanginginig rin ang kamay niya. Nakayuko siya habang inaayos ang salamin niya. Syete.

ALEX on the other hand smirked upon seeing her ex-wife. Sa totoo lang ay sinadya niya ang lahat. Pinamamatyagan niya ito sa Samar at alam ang bawat galaw nito. Galit siya, galit nga ba siya? Alam niyang nagkaanak ito at si Nathan at ipinangalan pa sa kanya. Syet, ba't pangalan ko pa? Nananadya ba siya? Para lang siyang ginawang trophy ng dating asawa at ipinangalan pa sa kanya ang bunga ng kataksilan nito sa kanya.

"GO-GOOD morning, Si-sir..." Shit, why am I stammering?

"Look at me, Honey..." Sh*t Lex! That voice! Tumayo lahat ng balahibo niya. She tried to look at him na matamang nakatitig sa kanya. She saw him smirked again.

"WE MET AGAIN, WIFE."

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon