Chapter Thirty-Two

98.9K 1K 41
                                    

ALEX IS such a sweet lad. Kahit anong brusko nito at napaka-arogante sa iba ay kay Griselda lamang ito bumabait. Pagkatapos ng pagtatapat niyang iyon ay pinaramdam nito sa kanya na hindi siya nagkamali ng pasya. She's starting to slowly, fall in love again.

Pagdating naman kay XanXan ay napakagalante nito. Minsan sila nitong ipinasyal at halos bilhin na nito ang buong toy store para sa anak nila. Napakagastador.

"Daddy, I also want that Spider-Man! Daddy, please?"

Tinignan naman ni Griselda ang itinuro nito at isa iyong life-sized Spider-Man figure, iyong display sa entrada ng toy store. Nag-init bigla ang ulo niya.

"XanXan, that's too much! What are you thinking? Ang dami mo na ngang binili oh!"

"But mom," He pouts. Oh, so cute! "I want to be Spider-Man someday!"

"Mag-aral ka muna!" Peste! Hindi na niya napigilang magtaas ng boses rito. Aba't nagiging spoiled na itong batang ito sa daddy niya!

"Hon," naramdaman na lang niya ang braso nitong ipinulupot sa bewang niya at kinabig siya palapit. Kunot-noong nilingon niya ito ngunit nginitian lamang siya nito. Bigla siyang kinintalan ng halik nito sa labi. "Hayaan mo na. Gusto iyan ng bata eh. I'll buy everything for my son."

"Pero-" Ngunit muli siya nitong hinalikan sa labi, this time matagal na. Masarap. Gaganti na sana siya ng halik nang humiwalay ito. "No buts, honey. We'll gonna buy that." Iniwan na siya nito at dumiretso sa cashier para in-inquire iyong display doon sa entrada ng toy store.

Peste talaga. Naisahan ako doon ah? Nilapitan niya ito at kinurot sa tagiliran. "Aray ko, sh-t!" Nilingon siya nitong lukot ang mukha ngunit nang makita ang asar niyang mukha ay tatawa-tawa ito na mas lalong kinaasar niya kaya inundayan niya ulit ito ng kurot.

"ARAY! F-CK SH-T! Masakit na ha!"

"Ikaw kasi!" Binitin mo kasi ako! "Alex, stop that ha? Ini-spoil mo na ang bata!"

"Aish... Bakit ba napakainit ng ulo ng misis ko?" Pumunta ito sa likuran niya at niyakap siya patalikod. He gently nibbled at her neck. Nakikiliti siya pero hindi niya pinapahalatang kinikilig siya. Galit ako, galit!

"What are you doing?" napansin niya kasing hindi na basta pagsamyo sa leeg niya ang ginagawa nito kung hindi hinahalikan niya na rin iyon. Sinubukan niyang alisin ang mga kamay nito sa kanya pero mas lalo lang iyang niyakap nito. For God's sake, nasa public place pa sila!

"Inaalis ko lang ang sungit ng misis ko..." Sh-t Lex, stop it! Kumawala siya ng isang ungol kaya napatingin sa kanila ang nasa likod ng cash register. Hindi lang pala iyong cashier, kung hindi lahat na ng tao doon!

"Ah, Sir, kukunin ninyo na po ba?" biglang tanong niyong cashier nang tumingin siya rito. Malamang naiinip na rin ito sa pagiging PDA nilang mag-asawa.

"OO! Kukunin na namin!" Buong lakas niyang itinulak ito saka pumuntang cashier. Namataan pa niyang ngingisi-ngisi ito bago bitiwan siya.

Pulang-pula ang mukha niya habang nakayuko habang naglalabas ng pera sa wallet. Mayamaya'y hinablot ni Alex ang wallet niya at niyakap na naman siya patalikod. Pakshet, Alex! Hindi ka ba talaga titigil?

"No. Put it on my card then deliver it to my house, ASAP. Ayokong pinaghihintay." utos niya sa cashier. "Let's go, hon. We needed to do something pa. It's getting late already..."

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon