Chapter Twenty-Nine

100K 1.1K 84
                                    

THE NIGHT finally came at as usual, pagod na ang bata. Kiya kase ng kiya kagagaling pa lang sa sakit. Kaya pinaghapunan niya ng maaga at inayos sa pagtulog. Wala pa ang daddy nito kaya nag-insist pa ito na hintayin ngunit matindi ang pagtutol niya kaya sa huli ay siya rin ang nasunod.

"TULOG NA SIYA?" bungad agad sa kanya ni Alex nang mapatulog na niya ang anak. Pumasok ito sa kwarto at sinilip ang anak sa tabing ng kumot.

"Oo. Hinihintay ka niya kanina eh, sabi ko matagal ka pa..."

"Kumain ka na? Where's his yaya?" umupo ito sa tabi ng kama at tinignan siya.

"Pinagpahinga ko na, masyadong napagod eh. Masyadong malaro iyang anak mo." natatawang turan niya rito.

"Anak ko. I like hearing that. 'Buti tanggap mo na akong tatay ng anak mo."

She chew her lower lip. Dapat nasasanay na siya sa mga double-meaning na salita nito. Just play it cool, girl. "Ganoon naman talaga hindi ba? Nandiyan na iyan..." natahimik siya saglit at nagyuko ng ulo. "I'm sorry kung tinago ko ang anak mo sa iyo. I think... it's just reasonable naman."

NO, YOU'RE not even reasonable. Isip ni Alex. Gusto niya sanang kumprontahin ito sa lahat-lahat kung bakit ito lumayo pero masyadong kasiyahan ang nadarama niya ngayong abot-kamay na niya ang mag-ina niya. Ayaw niyang sirain ang sandaling iyon.

"Matulog ka na..." maya-maya'y saad niya rito. Nilingon siya nito na tila nag-aatubili pa.

"Uhm. Dito na lang ako sa tabi ng anak ko matutulog. Tutal maluwag naman dito sa kama ni Xander..."

Nagtiim-bagang si Alex. "No, Griselda. Matutulog ka, sa tabi ko." pagdidiin nito sa kanya.

Naningkit ang kanyang mga mata. Kanina pa siya napupuno rito. "Wala ito sa arrangement natin. Ang usapan, sa isang kwarto lang kami matutulog ng anak ko."

Nginisihan siya nito. "Sa tingin mo ba I'm gonna make sex with you?"

Napasinghap siya sa sinabi nito at nanlaki ang mata. "What?!"

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Sabagay... hindi na rin masama. I miss you screaming my name when we do sex."

"SHUT UP! Pss" Pulang-pula na ang mukha niya sa hiya. Halatang binabastos na siya ni Alex. Marahil baka marinig pa sila anak! Bakit ba ito nagkakaganito? Hindi naman ganoon kabastos ang bunganga nito dati.

Alex chuckled. "Still my rules. Kung ayaw mong pumunta sa kwarto ko, malaya ka nang iwan ang anak mo dito." Iyon lang at iniwan na siya nito. Binablackmail ba siya nito??! Nakakainis lang ha.

PUPUNTA? Hindi. Pupunta? Hindi. Para siyang tanga doon na nasa harap lang ng pinto ng kwarto nila at nag-iisip kung papasok ba o hindi. Kung tutuusin ay doon din siya natulog noong isang araw. Baka traydurin na naman kasi siya ng katawan niya at bumigay sa mga halik nito.

Maya-maya ay nagbukas ang pinto na siyang ikinagulat niya. "Anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka na."

He's shirtless again, bwisit talaga. Pumasok na siya. Parang ang init.

"Magshower ka na." O_O

"ANO?!"

Nagtatakang sinulyapan siya ni Alex. Mukha kasi siyang tangang sumigaw na lang. "Para presko sa pagtulog. O baka naman gusto mong samahan pa kita."

Mas lalong nanlaki ang mata niya rito. "Ah eh... wag na! Kaya ko naman. Sige matulog ka na."

Tumango-tango lang ito na natatawa. Siguro mukha na siyang tanga sa harapan nito. Ano ba naman iyan, para akong teenager nito eh!

She took a quick bath pero siniguro muna niyang naka-lock ang pinto. Mahirap na, baka pasukin siya bigla ni Alex at ano pa ang gawin nito.

She wore a simple pajama. Hindi uso ang nighties sa kanya ngayon dahil alam niyang may pagkamanyak si Alex. Paglabas niya ay tulog na ito. Mabuti naman.

Humiga na siya pero patagilid palikod rito. She was about to close her eyes nang biglang maramdaman niya ang mainit nitong bisig na nakapalupot sa bewang niya.

"Alex..."

"No please, just let's stay like this, huh? God, I miss you..."

Nagbabadya na naman ang tubig sa mga mata ni Alex. Griselda feels so soft, so delicate. Her fragrance lingering in his nose na nagpapahigpit pa lalo sa pagkakayakap niya rito. Feels like heaven. Sana hindi na matapos ang sandaling yakap niya ito sa kanyang mga bisig.

"Griselda..." He said in an almost a whisper.

"Hmm?"

"Hindi ko pinirmahan ang divorce papers na pinadala mo."

Nagbago bigla ang timpla nito at kumawala sa pagkakayakap niya. Umupo ito at hinarap siya. "ANO?!"

He sat down at met her gaze. "Hindi pa tayo divorce, kasal pa rin tayo."

"Bakit mo ginawa iyon?!" naiiyak na wika nito. "Alam mo namang ikakasal na ako kay Nathan hindi ba?"

Bigla niya itong kinabig at niyakap ngunit nagpumiglas ito. "I hate you! I hate you! Kahit kailan sinungaling ka!"

Tuluyan na ngang naluha si Alex. Only Griselda can make him feel this way. Ayaw niyang kinamumuhian siya nito.

"Ayokong mawala ka sa 'kin...Alam ko masyadong selfish pero mahal na mahal kita," tumigil ito saglit dahil lunod na sa luha ang boses niya. Si Griselda naman ay napatigil na rin nang marinig itong umiiyak.

"Wala akong ibang minahal na babae tulad ng sa iyo... ikaw lang. Pakiramdam ko namatay ako ng limang taon nang mawala ka..."

Iniharap siya ni Gre at hinawakan sa pisngi. Nahihirapan na rin ang kalooban niya. "Alex..."

"At muli akong nabuhay, nang dumating ka at ang anak natin. Nagkaroon ako ng buhay, ng bagong sigla..." Alex cupped her face, looking straight at her, eye to eye.

Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ni Griselda. Saya dahil mahal pa rin siya ni Alex. Matindi ang emosyon ng mga mata nito. The old Alex na minahal niya, ito iyon. Alam niya kung gaano kaprangka si Alex sa damdamin nito samantalang siya ay nag-aalinlangan pa. Ngunit kaba dahil laging nagsusumiksik sa isip niya ang imahe ni Nathan na nagpo-propose sa kanya ng kasal.

"Griselda..." he uttered sweetly yet painfully. His fingers traced her cheek gently and then her jawline.

"Gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya ang anak natin. I want to start a new life with you again..."

Naguguluhang tinignan niya ito. "What do you mean?"

"..."

"LET'S GET MARRIED... AGAIN."

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon