"MAM Griselda, nakahanda na po ang agahan..." tawag ni Trina mula sa labas ng pintuan ng kwarto ng amo niya. Kauuwi lang nito kagabi at tiyak pagod sa biyahe. Mukhang balisa rin ito pagdating kagabi. Ngunit nakakapagtaka ay kanina pa siya katok nang katok ay wala pa ring sumasagot sa kanya.
Napagpasiyahan niyang pumasok na lang. "Ma'am?" Tinignan niya ang kama pero walang nakahiga roon. She knocked on the bathroom pero pagpihit niya ng seradura ay bukas iyon at walang tao.
"Asan na kaya iyon?" Saka niya lang napansin ang sulat na nakapatong sa ibabaw ng kama. Pinulot niya iyon. Alex. Iyon lang ang nakasulat sa tupi ng sulat. With curiosity ay binuksan niya iyon pero isinara rin. Naku, mali 'tong gagawin ko. Para kay Ser yata 'to.
Sinabihan na niya ang mayordoma sa mansyong iyon. Pinahanap na sa buong kabahayan pero wala talaga silang mahagilap na Griselda. Saka lang napansin ni Trina na wala na ang mga gamit nito sa walk-in closet sa kwarto. Pero ang nakapagtataka ay iyong mga pansariling gamit lang nito ang kinuha at hindi ang mga mamahaling gamit at damit na ibinigay sa kanya ng among si Alex.
"Aling Tinney! Aling Tinney!" sigaw ni Trina mula sa kwarto ng amo. Humahangos na dumating naman ang tinawag. "Oh bakit?"
"Nawawala po ang mga gamit ni Mam Griselda! Naku baka naglayas na iyon!"
"Ano?" Natatakot ng turan nito. " Bakit naman niya gagawin iyon? Nakow dapat malaman 'to ni Sir Alex!" Dali-dali siyang bumaba at tinungo ang telepono sa tabi ng hagdan. Dinayal niya ang numero ng amo.
*
ALEX was on his way pauwi ng bahay. Sa kanyang tabi ay ang documents ng kabibiling townhouse para kay Griselda. He can't contain his happiness. Birthday na ng asawa at tiyak matutuwa ito sa surprise gift niya para rito. Nangingiti-ngiti pa siya habang nagdadrive.
His phone rang kaya he putted his earphone and answered it. "Aling Tinney, anong problema? Andyan na ba si Griselda?"
"Eh... Iyo-iyon na nga Ser eh. Nawawala ho si Mam Griselda!"
"ANO?!" napamenor siya bigla at itinigil ang kotse sa may gilid.
Mukhang nahintakutan naman ang katulong sa dumagundong na boses ng amo. "Se-ser nawawala ho si Mam Griselda. Kararating lang niya kagabi pero nga-ngayong umaga wala na. Pati lahat ng gamit niya dala, Ser. Baka—baka..."
"Tang---" Sh*t! Biglang nagbago ang timpla niya. Agad niyang binabaan ng telepono ang kausap at pinindot naman ang number ng pulis na kilala niya.
"I want you to find my wife, Griselda Altamonte. Yes... yes, yes. Be quick! Kailangang mahanap agad siya." Agad niya rin iyong binaba at binilisan ang pagdadrive. Wala siyang pakialam kung overspeeding na siya. Griselda where are you?
*
"NASAAN SI GRISELDA?! P-TANG INA, SABIHIN NINYO! ANO WALANG AAMIN SA INYO?!!"
"Eh Se-ser..." takot na takot na sagot ng mayordoma sa hanay ng mga katulong na naroon. "Wala ho talaga kaming a-alam. Nga-ngayong umaga wa-wala na ho siya sa kwarto niya a-at nag-iwan lang ho ng sulat. Hindi ho---"
"P-tang ina naman, Griselda." Nanghihinang umupo si Alex sa sofa na malapit sa kanya. Hinanap na niya kahit saan, pati mga pulis at taga-NBI kinontak na niya para mahanap ang nawawalang asawa pero hanggang ngayon wala pa ring balita. Baka iniwan na siya ng asawa.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Arrogant
General FictionDahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak at susunod na CEO ng kompanyang pinagkakautangan nila. Alexander never wanted any serious in life...