Chapter 4: Attempt

694 61 22
                                    

Chapter 4: Attempt

Lutang ang diwa ko habang naglalakad sa hallway. Isang mahabang hikab ang patunay na hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip.

"So you're telling me na umuwi si Angelo dahil nagsulat ka sa dun book?" hindi makapaniwalang tanong ni Carla matapos kong i-kuwento sa kanya ang nangyari kagabi.

Luminggon ako sa kanan upang matingnan siya sa mukha.

"Hindi naman pero parang ganun na rin," matamlay kong sagot.

Halata ang pagkadismaya't inis niya sa sagot ko kaya taas kilay niya akong hinarap at naglakad ng mabilis.

"Teka!" sambit ko pero kaagad siyang lumiko pakaliwa na para bang walang narinig kaya patakbo akong lumapit sa kaniya kaso natigilan ako nang may nabunggo ako.

"Look where you going, bitch," matapang na tonong sabi Nica sabay irap.

"Sorry," wika ko bago humakbang papalayo.

Ngunit hindi yata sapat ang limang letra 'yon sa kanya. Dahil nakakatatlong hakbang pa lang ako ng higitin niya ako pabalik sa pwesto ko kanina. At sa pagharap ko sa kanya ay bumungad sa akin ang isang malutong na sampal na hindi ko inaasahan kaya naman halos matumba ako mula sa kinatatayuan ko.

"Sa susunod, 'wag na 'wag mo akong tatalikuran," nakangising saad niya atsaka taas noo akong nilampasan.

**

"Saan ka ba nanggaling?" tanong ni Carla pagpasok na pagpasok ko sa classroom namin. Nagtatakang tingin naman ang ibinigay ko sa kanya.

Anong nangyari dito sa babaeng 'to? Akala ko ba galit siya sa akin.

Akmang magtatanong na dapat ako kaso biglang dumating ang teacher namin kaya't umupo na lang ako at nanahimik tulad ng mga kaklase ko.

Sa kalagitnaan ng klase namin, isang matinis na tawa mula sa dulong bahagi ang pilit na umaangkin sa apat na sulok ng kwarto. Ibinaling ko ang tingin dito at nakita ko si Nica na dalawang bangko lang ang layo sa akin.

Nakikipagtawanan siya sa kanyang katabi na para bang walang guro sa harapan namin. Palagi na lang siyang ganyan. Kahit sa iba naming subject ganyan din ang ginagawa niya, hindi nakikinig sa klase at palaging nakikipagkwentuhan sa katabi. Pero kahit gan'on ay wala ni isa sa mga guro namin ang nagagalit sa kanya dahil isa ang pamilya niya sa mga nagpapatakbo sa school na 'to.

Napatingin naman siya sa direksyon ko at agad akong inirapan. Napabuntong hininga na lang ako at muling ibinalik ang atensyon sa harapan.

Mabilis lumipas ang oras namalayan ko na lang vacant na pala namin. At itong si Carla, pinipilit akong bumaba't pumuntang canteen, e ayaw ko nga. Nakakatamad kayang mag-akyat baba. Pagpunta mo pa do'n, sasalubungin ka ng pagkahaba-habang pila tapos aakyat ka ulit sa 4th floor dahil dito ang next class namin. Dahil nga ayaw nilang ipagamit sa estudyante ang elevator, magtitiis kang gumamit ng hagdan. Kamusta naman 'yon di ba? Pag-akyat mo, tagtag na lahat ng kinain mo.

"O'sige na nga. Ako na lang ang baba. Pakibantayan na lang ng bag ko ha?"

Tumango ako bilang sagot atsaka siya umalis.

Kinuha ko naman ang bag kong naglalaman ng pagkaing ipinabaon sa'kin ni Angelo ngunit agad akong napatigil at napatulala ng napansin ko na nasa bag ko ang isang pamilyar libro.

Paanong napunta ito sa bag ko gayong iniwan ko 'to sa bahay kanina?

Inilabas ko ito kasama ng isang baunan at inilapag sa desk ko.

Napahalumbaba ako at ibinaba ang tingin sa quadrangle kung saan kasalukuyang nagpra-practice ang basketball team. May namataan akong isang babae na may hawak na bottled water sa kamay. Ibibigay niya ito marahil sa isa sa mga naglalaro.

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon