Chapter 20: The Address

231 8 2
                                    

Chapter 20: The Address


Hindi ito ang unang beses na may nakasabay akong maglakad pauwi. Natatandaan ko pa ang first day ko bilang student ng MA, dahil hindi ko alam kung saan ang daan pauwi hinintay kong dumating si Angelo. Dapat talaga si Tita Emily, ang mayor doma namin ang susundo sa ‘kin. Ang kaso nataon namang may sakit ang anak niya kaya naka-leave siya. Alam ko namang wala akong aasahan kay Papa dahil mas mahal niya ang trabaho niya kaysa aming mga anak niya kaya hindi na ko umasa pa.

Madilim na noon at halos karamihan ay nakauwi na. Habang lumilipas ang oras ay mas lalong lumalakas ang ulan at nagpatindi sa kamalasan ko ay sa lahat ng araw na puwede kong makalimutang dalhin ang payong ko, nagkataong pang ‘yung araw na umulan. Hindi ko na nga alam ang daan pauwi, magiging basang sisiw pa ko.

Matiyaga lang akong naghintay sa waiting shed na nasa tabi ng school namin kahit pinagpipiyestahan ng mga lamok ang binti ko. Wala naman kasi akong mapagpipilian. Hanggang sa may dumating. Namukhaan ko agad siya dahil siya lang ang tanging naglakas loob na kausapin ako nang nasa classroom kami. Maamo ang mukha niya, maputi, matangos ang maliit na ilong, may kalakihan ang labi pero bumagay naman ito na hugis ng mukha niya. Anne Curtis nga kung tawagin siya ng iba. Sakto pang ang haba ng buhok niya noon ay hanggang leeg lang.

Inalok niya ako na makisilong sa payong niya na agad ko namang tinanggap. Dahil hindi ko alam ang daan pauwi, nagtanong tanong kami sa mga nakakasalubong namin sa daan. Hanggang sa namalayan ko na lang, nakauwi na ako at simula nang araw na ‘yon, naging kaibigan ko na siya na kalauna’y naging best friend ko.

“What’s with the smile? It creep me out, you know.”

Kaagad naman akong napasimangot. Oo nga pala, sa kakabalik tanaw kung paano kami naging magkaibigan ni Carla nakalimutan kong may extra baggage pala akong dala. Kasalanan ‘to ng magaling kong kapatid. Kung hindi ba naman isa’t kalahating monggi ‘yon. Ano bang akala niya sa ‘kin? Isang bata na madaling maligaw? Ba’t kailangan niya pang pakiusapan si Vincent na ihatid ako eh kaya ko namang maglakad mag-isa?

“Shut the hell up, Vincent.” Iritadong wika ko.

Sa halip na manahimik ay natawa pa ang loko. Hindi pa kami close sa lagay na ‘to ah. Pero kung makapang-bwisit siya sa ‘kin, wagas.

“Iisa lang ang dadaanan natin. So don’t even think that I do this for your sake,” aniya matapos makabawi.

Umismid ako. “I know. Hindi mo naman kailangan ipamukha ‘yan sa ‘kin, Mr. Neighbor.”

Umangat ang tingin ko sa langit. Natatakpan ang itim na blanket ang kaninang bughaw nitong kulay. May mumunting ilaw na kumikinang na para bang mga glitters na sinaboy. Muli akong napangiti. Ang ganda nila tingnan. Nakakapawi ng pagod.

Ilang segundo rin akong nakatingala habang naglalakad. Siguro ay napansin iyon ni Vincent kaya hinawakan niya ako sa balikat at nilapit sa kaniya.

“Careful,” sabi pa niya.

Hindi ko na lang pinansin dahil abala ako sa pagkamangha sa ganda ng langit hanggang sa nadako ang tingin ko sa buwan na hugis C na nakabaliktad. Wala sa sariling napahawak ako sa malamig na bagay sa ‘king leeg na kasing hugis nito. Dumako sa isip ko ang sinabi sa ‘kin noon ni Josephine tungkol dito.

“I already know who the owner of this necklace is, Vincent.” Pinakita ko sa kaniya ang suot kong kuwintas. “Kay Hanna pala ito. Sinabi sa ‘kin ni Josephine na binigay ‘to ni Harvey kay Hanna.”

Pansin kong magkasalubong ang dalawa niyang kilay para bang tinatansya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Hindi ko siya masisisi. Maski ako rin ay nagulat nang nalaman ko ‘yon.

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon