Chapter 17: Nexus
Papikit-pikit akong lumakad papasok ng school. Pilit na nilalabanan ang antok na ngayon lang dumalaw sa akin makalipas ang ilang gabi. Akala ko immune na ang katawan ko na walang sapat na tulog pero sa nararamdaman ko ngayon, unti-unti na akong sinisingil nito. Pakiramdam ko kasi ay hinahati sa dalawa ang ulo ko. Pati mata ko ang sakit, para bang may kung anong tumutusok dito.
Matapos kong mapanood ang video na sinend sa'kin ng anonymous sender ay 'di na ako makatulog ng maayos. Sa loob ng lumipas na dalawang gabi, tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay malinaw kong nakikita ang mga dugong umaagos sa kaniya na tila ba walang katapusan. At kahit na takpan ko ng unan ang aking tenga sa gabi, naririnig ko pa rin ang pagsusumamo niya. Ang mga impit na sigaw niya at ang mala-demonyong tawa ng taong may kagagawan no’n sa kaniya.
Naghalumbaba ako at tumitig sa gawi ng bukas na bintanang puno ng alikabok kung saan kitang kita mula sa puwesto ko ang bughaw na kalangitan. Sa lumipas na dalawang buwan, akala ko sanay na ako sa 'di makataong sistema ng paaralan namin. Sa mga patuloy at brutal na paraan ng pagpatay katulad ng mga napapanood ko sa movies pero hindi pa rin. Napabuntong hininga ako. Iba pa rin pala talaga kung mismong kakilala mo ang pinapanood mong pinahihirapan.
“Lalim ng buntong hininga natin, ah!” masiglang puna ng pamilyar na tinig. Binalingan ko ito ng tingin at nakita ko si Carla na nakaupo sa tabi ko habang may nakapaskil na ngiting abot tenga. Exaggerated man pakinggan pero para sa’kin ang ngiti na pinapakita ngayon ni Carla ay maihahalintulad ko sa araw, nakakasilaw.
“Inaantok lang ako.” Walang gana kong pakli. Pinatong ko ang aking baba sa brasong nakapatong sa mesa atsaka tumitig sa whiteboard.
Masyado pang maaga kaya iilan pa lang kami sa klase. Ayoko sanang pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko, pero dahil sa makulit kong kapatid, napilitan akong pumasok. No’ng tinanong ko siya kung bakit todo push siya na papasukin ako ang sinagot niya…
“Kasi mas safe ka doon.” Which is kinda weird. Hindi ba parang baliktad ‘ata? Paano naman naging mas safe sa school kaysa sa sarili mong pamamahay?
“Hoy, Apple! Nakikinig ka ba?! Haaay, lutang na naman.”
“Hah? May sinasabi ka?”
“Wala. Sige na. Babalik na ko sa puwesto ko. Matulog ka na lang muna diyan. Wala naman tayong klase ngayon dahil pagmi-meeting-an lang kung ano ang magiging theme ng booth natin.”
Tumayo na siya. Umayos naman ako ng pagkakaupo at kinusot-kusot ang mga mata na para bang bagong gising lang. Napahikab pa ako bago sumagot.
“Oh? Ngayon pala ‘yon.”
“Ay hindi. Baka bukas?” tanong niya na sinamahan pa ng pagpameywang na para bang sinasabing ‘Duh! Obviously.’ “Alam mo, palagi kang late sis. Mahina ba signal mo? Parating nagla-lag eh.”
“Che! Oo na. Mahina na. Di kasing bilis ng sa’yo. Kaya kung puwede lang, shooo! Doon ka na sa mga katulad mong mabilis ang signal.”
Tinaas niya ang ring finger niya sabay pakita sa akin. “Ito ka, oh.”
“Same to you.” Ginaya ko kung ano ang ginawa niya at ilang saglit pa’y nagtawanan na kami.
Wala kaming pakialam kung mukha kaming tanga na nakataas ang ring finger sa halip na middle finger. Paki ba nila. Kung gusto nila, gumaya sila. Tanda ko pa ang sinabi ni Carla dati. Bad daw magtaas ng middle finger kaya kaysa hinlalaki ay ring finger na lang daw ang itaas namin.
“Seryoso. Mukhang kailangan mo talagang mag-rest. Kaunti na lang magmumukha ka ng panda. Pero puwede rin. Apple na panda o panda na Apple?”
“Pfft. Lokaret! Beauty rest, hindi lang mag-rest.”
BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
غموض / إثارةIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?