Chapter 21: To Be Cursed

225 9 0
                                    

Chapter 21: To Be Cursed

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos tupiin ang mahabang listahan ng mga pinamili ko sa NBS.

Katulad ng inaasahan ko, bumawi nang todo ang mga kaklase ko matapos mapansin na buong araw akong hindi tumulong kahapon. Kaya ito, bilang pambawi sa magdamag kong pagiging MIA (Missing In Action), ako ang in-assigned sa pamimili ng mga kulang at kakailanganin pang mga gamit.

Matapos balutin ng bagger ang mga pinamili ko ay kaagad kong kinuha ang apat na supot, tig-dadalawa sa bawat kamay.

Napangiwi na lamang ako nang mapansin na may nakaligtaan pa akong bitbitin.

'Yung styro. Great. Paano ko ba bibitbitin ang lahat ng ito? Iipit ko na lang kaya sa kilikili 'yung one fourth styro habang buhat buhat ang mga plastic bags?

Napansin 'ata ng security guard ng establishment na hirap ako sa pagbitbit kaya naman tinulungan niya akong buhatin iyon. Tumanggi ako 'nung una dahil ayoko namang iwan niya ang trabaho niya para sa 'kin, pero ayos lang naman daw. Saglit lang naman siyang mawawala at may papalit din naman sa kaniya kaya pumayag na rin ako.

At kung hindi ka nga naman susuwertehin, sa lahat ng oras na puwedeng umulan ay ngayon pa kung kailan halos 'di na 'ko magkandaugaga sa mga pinamili ko.

Bagsak ang balikat na sumimangot ako. Kaagad 'yong napansin ng Good Samaritan Guard.

Tinanong niya ako kung saan daw ako sasakay na kaagad ko namang tinanggihan. Nagpumilit pa siya, mga ilang beses ding pilitan at tangihan ang naganap hanggang sa sumuko na siya at pinayuhan na lang akong mag-ingat.

Ngumiti lang ako. Isang totoong ngiti na ngayon ko lang ulit ginawa matapos ang nangyari kagabi. Isang ngiti para sa taong handang magmalasakit sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.

Pagkaalis ng guard ay napatitig ako sa tubig na bumabagsak diretso sa semento.

Sa kabila ng ingay ng busina ng mga sasakyan, ng nakakaurat na music advertisement ng Mcdo na paulit ulit tumutugtog katabi ng book store, ng mga taong naglilisawan... ang pagpatak ng tubig ulan ay lumikha ng kakaibang tunog na masarap pakinggan. Tila ba naging isang magandang musika na nagbigay ng kapayapaan sa'king isip.

Nanatili lang akong nandito sa waiting shed, 'di kalayuan sa NBS, hinihintay na tumila ang ulan. Medyo malayo pa kasi ang sakayan.

Ilang minuto rin akong nakatulala sa kawalan hanggang sa may tumabi sa'king isang batang babae kasama ang lola niya. Ang bata ay may hawak na hard bound book na may imprinted Fairytales sa cover.

Sa tingin ko'y isa iyong book compilation ng mga short fairytales na paborito ng bata base na rin sa kapal, higpit ng pagkakaakap niya rito at ang hanggang tengang ngiti habang kinukuwento sa kaniyang lola ang mga paborito niyang parte ng istorya. Ngiting ngiti ang lola na pinapakinggan ang bata.

Napangiti rin ako. Pero kaagad din 'yong naglaho nang may naalala akong isang bagay.

Kaparehas sa hawak ng bata, makapal din iyon. May nakakaakit na gintong disenyo sa bawat gilid at halatang napaglipasan na ng panahon. Hanggang ngayo'y nagtataka pa rin ako kung bakit walang sulat ang bawat pahina 'nun, higit lalo kung bakit magaan ito... kumpara sa dapat nitong bigat.

Simula nang napulot ko iyon, ilang buwan na ang nakakaraan, sunod sunod na ang kamalasang bumuntot sa akin. Sunod sunod din ang mga patayang naganap sa school. Malakas ang pakiramdam kong may kinalaman ang kakaibang librong aking napulot sa mga nangyari at sa mga taong kinonekta sa 'kin.

Ang una ay si Nica, malinaw na suicide ang dahilan ng pagkamatay niya. Pero kung titignan sa ibang anggulo parang may mali.

Katulad nga ng pagkakarinig ko sa sinabi ng isa kong kaklase, masaya siya ng araw na 'yon, parang walang iniisip na problema.

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon