Chapter 16: Message
Lutang ang diwa ko habang naglalakad papalayo sa lugar kung saan kami nag-usap ni Josephine. Nanlalambot ang mga tuhod ko at medyo nahihilo ako. Hindi ko alam na mapapansin niya. Hindi ko alam kung sino-sino pa ang nakakaalam ng mga sinabi niya sa'kin. Gusto ko sana siyang tanungin kanina kaya lang biglang tumunog ang cellphone niya.
Bakas ang pagkataka at gulat sa mukha niya matapos mabasa kung anuman ang dahilan ng pagtunog nito. Nagsalubong kasi ang mga kilay niya at ilang sandali pa'y halos durugin na niya ang phone niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya rito. Sa pagtataka ay sinilip ko ito at nakita ko ang isang pangalan na kanina pa nila pilit kinokonekta sa'kin- si Hanna.
Sender: Hanna (12:21 pm) Jho, punta ka naman dito sa apartment. Pleaseeee.
Gamit ang kaliwang kamay ay tiim bagang muling binasa ni Josephine ay mensaheng pinadala sa kaniya. Inipit muna niya sa kilikiti ang manipis na librong sa tingin ko'y hiram niya sa library. Iginilid ko bahagya ang ulo ko upang mabasa ang pamagat nito sa gilid at tama nga ako. Isa ito sa mga ginagamit naming reference book sa history class. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya nang marinig ko ang pag-vibrate ng phone niya habang madiin siyang nagtitipa ng mensahe. Halatang naggigitgit sa galit dahil ang akalang kaibigang nawawala ay nasa apartment lang pala nito. Argh! Tapos kung makapangbintang sila sa'kin wagas.
Sender: Josephine (12:22 pm) Letche ka. Pinag-alala mo kami. Sige pupunta ako dyan.
Nang napansin niyang nakatingin ako sa phone niya't binabasa ang palitan nila ni Hanna ng text message ay kaagad na umangat ang kilay n'ya at tinitigan ako ng masama. Umatras naman ako bahagya, nilipat ang atensyon sa itaas na bahagi ng hagdanan. Doon ko lang napansin na nasa third floor palang ako. Isa pang floor ang kailangan kong akyatin mamaya.
Humakbang pa ako ng isa para mas makita ng malinaw. Nanliit ang mga mata ko nang may nahagip akong isang puting damit. Hindi, isang puting uniporme. Nakasandal ang taong may suot no'n sa handrail patungo sa rooftop. Dahil malayo ay hindi ko makita kong nakapantalon ba ito o palda kaya mas humakbang pa ako papalapit sa handrail. Nang hindi ko pa rin makita ay muli akong humakbang papalapit pero isang kamay ang humawak sa braso ko. Kaagad ko iyong binalingan ng tingin at sumalubong sa akin ang iritadong mukha ni Josephine.
"Sira ka ba?! Gusto mo bang magpakamatay? Kung magpapakamatay ka, 'wag sa harap ko. Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo." Bulyaw niya sa akin. Napayuko ako at saka ko lang napansin na konting likot na lang malapit na akong malaglag sa hagdan. Mabuti na lang pala pinigilan niya ako.
"Salamat," tanging nasabi ko.
Hindi naman siya sumagot at mabilis niyang tinago ang phone niya sa bulsa ng blazer niya. Bago umalis sa harap ko ay may binulong siya sa aking ilang salita na nagpalambot sa tuhod ko at nagpaaalala sa'kin ng tinatakasan kong bangungot.
**
Nanatili ako sa pwesto ko at pinagmasdan lang siyang lumakad paalis hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako't muling umangat ang tingin sa pwesto kung saan ko huling nakita ang estudyanteng nasa taas ngunit wala na ito doon. Nagsimula na akong humakbang paakyat, patungo sa kuwarto ng 4A.
"Is it just me o talagang may alam ka sa tinutukoy kong group?"
Marahas akong napasuklay sa nakalugay kong buhok nang bigla kong maalala ang mga salitang binitiwan niya. Hindi ko alam na napansin niya ang kilos ko kanina. Ano pa nga bang ini-expect ko sa kaniya? Josephine isn't a consistent top 2 student and a class secretary for nothing.
BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
Mystery / ThrillerIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?
