Chapter 18: Piece of Paper

204 8 0
                                    

Chapter 18: Piece of Paper


Napakapit ako ng mahigpit sa mesa na para bang ito ang ginawang kong pang-suporta sa nanghihina kong mga tuhod.

"H-ha?" wala sa wisyong sagot ko.

Napakurap-kurap naman ako nang maalala ang sinabi niya. "A-ano bang pinagsasabi mo?" Pumeke ako ng tawa. "Nagulat lang ako kasi hindi ko alam na may tattoo rin na ganyan sila Hanna at Nica. And to answer your question, yes, medyo familiar nga ako d'yan dahil nakita ko na 'yan noon kay Harvey do'n sa c.r. at kay... Kate."

Bumaba ang tingin niya sa kaliwa kong kamay na nakahawak pa rin sa gilid ng parihabang mesang pumamagitan sa'min matapos ay lumipat naman sa kabila kong kamay.

Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa kong kamay pero mas nagtagal ang tingin niya sa kanan kong kamay. Kahit ilang beses na kaming nagkausap ito ang unang beses na pinagtuunan niya ng atensyon ang mga nakalagay sa pulsuhan ko. Nailang ako kaya agad kong pinasok ang kamay kong 'yon sa suot kong blazer.

"And who's this Kate?"

"'Di mo alam? Grabe ka, Vincent. Parang 'di ka dumaan sa pagkabata. Kate... 'yung pinapalipad."

Nakakabinging katahimikan ang sumunod. Tingnan ko siya at nakita kong walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Sabi ko nga, 'di mabenta.

"Enough with your gibberish remarks."

Matiim siyang tumitig sa'kin. Sinalubong ko naman ang tingin niya pero hindi ko rin natagalan. Ibinaba ko ang tingin sa natural niyang manipis na mapulang labi. Geez. Naiingit ako. Eh 'di siya na. Kung bakit naman kasi maputla ang sa 'kin na kinakailangan ko pang maglagay ng lip tint para lang magkakulay.

Napakagat ako sa'king pang-ibabang labi nang maalala na lumapat ang mga labi niya sa pisngi ko kani-kanina lang. Gosh! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Nakakadiri!

At dahil nakatingin pa rin ako sa lips niya ay madali kong napansin ang unti-unting pag-usbong ng pamilyar na ngisi sa labi niya.

"Want a kiss?"

Bigla kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Sakto namang nag-bell na kaya kaagad kong kinuha ang mga gamit ako at dali-daling lumabas nang wala man lang paalam.

Phew, save by the bell, literally.

Narinig ko pa ang malakas na tawa niyang mala-demonyo bago tuluyang magsara ang pinto.

Habang naglalakad sa hagdanan ay hindi ko maiwasang mapatampal sa noo.

Gosh! Nakakahiya talaga! Wala na kong mukhang maihaharap sa kaniya mamaya. Katabi ko pa naman siya sa remaining class hours namin. Ano ba 'yan? Kamalas malasan nga naman, oh.

Pagbukas ko ng pinto ng room ay kaagad kong hinanap si Carla upang itanong sana ang mga pinag-meeting-an kanina. Mahirap na. Ayokong mapag-tripan. Baka kung ano-ano na naman ang ipagawa sa'kin ng mga kaklase ko tapos malaman laman ko wala naman palang kinalaman sa booth namin.

Nadala na ko sa nangyari sa'kin last year. Last year kasi pinasuot nila ako ng gown na yari sa plastic ng trash bin. Well, nagustuhan ko naman 'yung design kasi talagang bongga kung bongga. May mga cd pang nakapalibot sa bandang taas 'nun mula dibdib hanggang beywang. Kaya nga okay lang sa'kin no'ng sinabi nilang 'yun daw ang isusuot ko for the entire day para makapang-enganyo ng mga customer.

Ang tanga ko rin kasi hindi man lang ako nagtaka na magkaiba yung theme ng booth namin sa pinapasuot nila sa'kin. Tapos no'ng bandang tanghali na, nakita ako ni Ma'am Ramos at pinagalitan. Hindi pa raw kasi dapat nilalabas 'yon dahil sa SciWeek (science week) pa 'yon gagamitin. Bwisit! Pahiyang pahiya talaga ako noon.

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon