Chapter 22: True Lies
“Ayos ka lang ba?”
Napapitlag ako nang biglang nagsalita si Kuya Ralph. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansing upo na siya sa tapat ko. Ang mga mata niya’y matamang nakamasid sa ‘kin na wari bang inaalam ang sanhi kung bakit ako sandaling napatigalgal.
“Ano bang hinahanap mo? Kanina mo ka pa nakatingin d’yan, ah. Kulang na lang malusaw na ‘yan,” pabirong aniya.
Dumukwang siya para sana makita ang binabasa ko pero kaagad ko itong nailayo.
“Wala po.” Tumikhim muna ako bago muling nagsalita. “Puwede ko naman sigurong picture-an ‘to, ‘di ba?”
Bago pa siya makasagot ay mabilis kong nakuha ang cellphone ko sa bulsa ng aking blazer at kaagad na kinuhaan ng picture ang papel na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin.
“Nagpaalam ka pa.” wika niya bago pabirong umismid.
Natawa ako inasal niya. Ang kulit kasi e, kung makairap talo pa 'ko.
Pinagsama-sama ko ang mga papel at sinalansan sa dati nitong ayos atsaka inabot iyon sa kaniya.
“Salamat. Sa tingin ko, nakuha ko na kung ano kailangan ko,” sabi ko na kahit sa totoo lang, hindi ko na napagtuonan pa ng pansin ang iba pang pangalang nakalista. Nakuha na kasi ang ng nag-iisang pangalan ang buo kong atensyon.
Tumango tango naman siya at kinuha ang mga papel. “Wala ‘yon. Masaya ‘kong makatulong.” Ngumiti siya at napakamot ng sentido bago nagpatuloy, “Basta ah, ‘wag mong ipagsabi na pinakita ko sa ‘yo ang attendance record. Mayayari talaga ako kay Ma’am ‘pag nagkataon.”
“Of course, I won’t. Thank you po ulit, kuya Ralph.” Masigla kong sambit pagkatapos ay nagpaalam na aalis. Nakita ko pa siyang kumaway bago ako tuluyang makalabas ng library.
Ngayong nalaman mo na kung sino ang mga nakasama ni Josephine bago iyon nangyari sa kaniya, ano nang sunod mong gagawin, Apple?
Napabuntong hininga ako. Hindi ko inaasahang ganito pala kahirap mag-imbestiga. Nagawa ko naman ito noon, kaya lang si Vincent ang umisip ng paraan at ako ang taga-gawa. Kumbaga sa isda, siya ang ulo, ako ang katawan.
Naramdaman ko na naman ang pagkalam ng aking sikmura. Bakit gano’n? May nabasa ako noon, ang sabi mas gumagana raw ang utak niya kapag gutom, ba’t sa akin ‘di effective?
Napagdesisyunan kong mas mainam kung pupunta na lang ako sa canteen para kumain tutal tanghali na rin naman at nananakit ang mga binti ko kakalakad. Hay, ang hirap maging errand girl ng 4-A. Pakiramdam ko buong araw wala akong ginawa kundi ang lumakad nang lumakad. Feeling alagad ng Dora, ang batang gala. Ilang calories na kaya ang natanggal sa ‘kin?
Habang sinasaid ang chocolate drink na binili ko, kinuha ko ang phone ko at inangat ito kapantay sa mukha ko. Pinanatili ko itong naka-off at ginamit na parang salamin. Matapos manalamin ay tingnan ko naman kung maayos kong nakuhaan ng picture ang listahan kanina.
List of the probable suspect, check!
Nice, Apple. Di ka lang feeling alagad Dora, feeling detective pa. Petmalu.
If I am Vincent and I have the list, what should be my next move? Ano nga ba ang tawag niya do’n?
Napaubob ako sa mesa habang pilit ‘yong inaalala. Napansin ako kaagad ng matandang nagtitinda sa canteen kaya pinagsabihan ako.
“Ineng, canteen ‘to, hindi tulugan.” Malakas ang boses niya kaya maraming tuloy nakarinig. Ang ilan ay pinagtawanan pa ako. Tsk. Kung puwede ko lang alisin ang mga mapangmata at bully dito sa school, matagal ko nang ginawa.
BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
Mystery / ThrillerIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?
