Chapter 19: Compact
Nang nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ay kaagad akong pumunta sa canteen. Gusto ko sanang yayain si Carla kumain kaso baka hilahin ako ng mga kaklase ko't tiyak na pagagawin ng mga mahihirap na gawain. Sa mga oras na 'to alam kong napansin na nilang wala na ako sa room kaya malamang pinaghahanap na ako ng mga 'yon.Nag-order ako ng carbonara at isang chocolate drink. Hindi ako nakakain kaninang break time dahil nakatulog ako. Habang kumakain ay mabilisan kong ini-scan ang librong bigay ni Josephine. Wala namang nakaipit na papel. Masuri kong tingnan ang balot nito, wala namang kahit anong kakaiba.
Bakit ba niya binigay sa 'kin 'to?
Hindi ako kumbinsidong pinaabot niya ito para sa History subject namin na sa next week pa namin papasukan. Malabo 'yon. Bakit naman siya mag-e-effort ipaabot ang libro sa ibang tao kung kaya naman niya? At saka magkikita rin naman kami dapat no'n kinabukasan kung wala lang nangyaring masama sa kaniya.
Posible kayang alam niyang mawawalan siya ng dila? Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Napasipsip ako nang mabilis sa straw. Imposible. Paano naman niya malalaman 'yon?
Natapos na akong kumain pero hindi pa rin natatapos ang mga tanong na sunod-sunod nabubuo sa utak ko. Hawak ang plastic fork, pinaglaruan ko ang natirang sauce sa paper plate na ginamit ko. Nang napansin kong dumami na ang tao sa loob ng canteen ay kaagad kong nilagay sa basurahan ang pinagkainan ko at lumabas na.
Dumaan ako sa Elementary Building. Pangilan-ngilan na lang ang mga batang nakita kong nasa labas ng room. Karamihan kasi ay nasa kaniya kaniyang klase na. Naupo ako sa small wooden bench na halatang ginawa para sa mga bata. Matagal tagal na rin pala nang huling tumambay ako rito. Halos nakalimutan ko na nga ang lugar na 'to. Mabuti na lang nakabalik ako rito.
Pumikit ako't dinama ang payapang paligid. Hinayaan kong humampas ang pang-hapon na hangin sa mukha ko. May narinig akong tunog ng paglipat ng mga pahina ng libro at nang dumilat ako ay nakita kong nakabukas ang binigay na libro ni Josephine sa 'kin sa unang pahina. Nilapag ko kasi ito sa 'king tabi kanina habang ang bag ko naman ay yakap-yakap na ko na tila ba isang teddy bear.
Akmang isasara ko ito nang may umagaw ng pansin ko.
Mga numero ito na nakasulat sa partikular na pahinang 'yon. Lapis lang ang ginamit niyang panulat, siguro sa takot na baka pagalitan ng librarian. Muli kong tinitigan ang mga numero.
Chap. 12, p. 361
513-122-423-84-470-78Sigurado ako na ang chap. na tinutukoy niya rito ay chapter at ang p. stands for page, pero ang mga number sa ilalim ang hindi ko maintindihan.
Ano ba ‘to? Mga inaalagaan niyang numero sa lotto? Eh bakit may three digits? Puwede ba ‘yon? Ang alam ko hanggang two digits lang.
‘Wag mo sabihin sa’kin may pinapasolve siya? Hay naku, kung Math ‘yan, maling tao ang nilapitan niya. Pero kung tungkol sa Math ito, bakit nakasulat sa History book?
Nayayamot na nakapamot ako sa aking ulo. Bwisit. Sumasakit lang ulo ko kakaisip.
Nilapag ko sa tabi ang kanina’y yakap na bag at kinuha ang nakabuklat pa ring libro. Nilipat ako ang pahina nito sunod sa kung ano ang nakasulat na numero. Madalian kong binasa ang nasa partikyular na pahinang iyon.
Tinatalakay sa naturang pahina ang pagpatay ng walong katipunerong Magdalo kay Gat. Andres Bonifacio sa kabundukan ng Marigondon.
Okay, ano konek no’n sa mga numerong nilista niya?
Josephine, bakit mo ba ako pinahihirapan nang ganito? Kanina ‘yung pinapa-decode ng kaibigan mo. Ngayon naman ‘yong binigay mo sa ‘kin. Bakit ka ba ganyan? ‘Di mo ba puwedeng sabihin na lang nang direkta ang gusto mong sabihin?
BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
Gizem / GerilimIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?