Chapter 7: Sinister Smile
Mula kagabi ko pa iniisip kung anong hakbang ang aking gagawin upang mahanap ang mga sagot na gumugulo sa isip ko. Nahihilo na nga ako kakaisip dahil wala namang ideyang pumapasok sa utak ko. Kung iisipin, kahapon ang pinaka nakakapagod na araw mula noong pasukan, dalawang buwan na ang nakakaraan para sa isang senior high student na tulad ko.
Napahalumbaba ako habang isa-isang tinitingnan ang bawat estudyanteng dumaraan sa quadrangle. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako upang kuhain ang aking bag na nahulog. Nasanggi kasi ito ng isang babae. Akmang kukuhain ko na ito, pero naunahan niya ako. Hinarap niya ako't napansin kong namugto ang mga mata niya. Namumula rin ang kanyang matangos na ilong na tila kakatapos lang niyang umiyak. Pansinin ito dahil sa kutis niyang porselana.
Nailang yata siya sa pagkakatitig ko sa kanya kaya naman agad siyang yumuko't huminggi ng paumanhin. Sa pag-abot niya ng bag ko sa akin ay nahagip ng mga mata ko ang tatlong maliliit na hugis bituin niyang tattoo malapit sa pulso. Pinagsama ito kaya't mukhang naka-form sa tatsulok.
Mabilis niyang iginilid ang kanyang kamay atsaka tumingin sa mga upuan.
"Pwede kang maupo rito. Wala naman akong kasama," sabi ko habang nakaturo ang kamay sa isa sa mga bangko dito na ginagawang tambayan ng mga estudyante. Ngumiti siya sa akin, pero ang ngiting iyon ay hindi nagtagal. Agad na nanlaki ang mga mata niya na para bang gulat na gulat sa nakita. Lilinggon na sana ako upang makita ang sanhi kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon niya kaya lang, natigilan ako noong nagsalita siya.
"N-no, thanks," anito atsaka umalis. Hindi ko siya pinigilan pa. Hindi ko rin siya tinanong kung bakit mukhang nagmamadali siyang umalis. Para saan pa? Hindi naman niya ako kilala at alam kong gano'n din siya sa akin.
Inilapag ko muna ang bag na hawak ko't umupo bago luminggon sa pwestong tiningnan nung babae. Puno ito ng mga malalagong halaman na talagang araw-araw na dinidiligan ng mga elementary student dito. Katabi ng garden nila ang elementary building. Maliban sa dalawang batang nagdidilig ng halaman ay wala ng ibang tao. Saan ba siya natatakot? Sa mga bata o sa halaman? Napailing-iling na lang ako sa kalokohang pumapasok sa aking isip.
Naramdaman kong nag-ring ang phone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ng blazer. Tumungo ako at binasa ang mensaheng galing kay Carla. "Nandito na si ma'am."
Agad kong napatayo sa gulat. Naku po, male-late na ako. Kinuha ko ang bag ko't handa nang umalis nang nasulyapan kong lumabas mula sa elementary building si Hanna.
"Hanna!" pagtatawag ko sa kanya. Kaagad din naman siyang huminto sa paglalakad.
"B-bakit nandito ka?" tanong niya pagkakita sa'kin.
"Nagpapalipas oras. Masyado pa kasing maaga nang dumating ako kanina, pero ngayon, late na tayo kaya tara na."
Halos patakbo kaming naglakad para makapunta kaagad ng room. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang estudyante dito kakatakbo. O ako lang 'yon, dahil sa paika-ika kong lakad sanhi ng pesteng paltos sa paa.
"Bakit doon ka sa Elementary building tumatambay? May tambayan naman dito sa HS (High School) building di ba?" pagtatanong niya sa pagitan ng paghahabol ng hininga. Nasa 2nd floor na kami, isang floor na lang ang kailangan naming akyatin.
"Mas tahimik kasi doon kaysa dito," saad ko habang nakatingin sa bawat baitang. Tumango-tango lang siya kaya ako naman ang nagtanong. "Ikaw, bakit ka nandoon kanina?"
"May pinadala lang ang mom ko," sabi niya habang nakangiti. Oo nga pala, teacher dito ang mom niya sa elementary. Magtatanong pa sana ako kung 'di ko napansin na nasa tapat na kami ng room. Huminga ako ng malalim at ihinanda ang sarili sa sermon ng guro naming parang armalite ang bunganga.
Nagtitigan kaming dalawa. Halatang parehong ayaw buksan ang pinto. Sa huli, napilit ko rin na siya na lang ang magbukas, total hindi naman siya masyadong pagagalitan dahil guro rin naman dito ang mama niya.
Para kaming binagsakan ng langit noong nakita namin na magulo ang mga silya't tipon-tipon ang mga kaklase namin sa isang tabi na masayang nagkwekwentuhan. Sa unang pagkakataon sa buhay ko bilang isang estudyante, mas ginusto kong ma-late na lang talaga kaysa naman sa ganito, nasayang lang ang effort kong tumakbo.
"Bwisit ka," sabi ko pagkapasok sabay palo sa balikat ni Carla.
"I love you too," sarkastikong wika niya. Napairap na lang ako ng di oras.
Inilapag ko ang bag ko at umupo sa bangko na nasa likod ng inuupuan ni Carla. Mula sa pwesto ko ay rinig ko ang kwentuhan ng mga kaklase ko. Noong una, hindi naman ako interesado sa mga sinasabi nila hanggang sa nalipat ito sa isang topic na kumuha ng atensyon ko.
"Totoo bang nag-suicide si Nica?"
"Oo girl, kitang kita pa nga ng mata ko kung paano siya tumalon sa science building"
"Yon din ang sabi ng mga police"
"Bakit naman siya magpapakamatay? Parang kalian lang, ang saya-saya niya pa."
Nahinto ang pag-uusap nila nang dumating na si ma'am Ching. Pinatayo kami ni ma'am at nag-alay ng dasal para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Nica. Halos lahat ay nakayuko't seryoso habang taimtim na nagdadasal. Maliban sa mga kaibigan ni Nica. Nakakapangilabot ang ngiti ng bawat isa sa kanila habang sinasabi ang mga katagang 'Rest in peace, Nica'.
**
Tila bumagal ang oras habang inaantay kong mag-vacant time. Excited na ako sa vacant, hindi para kumain kundi para sabihin kay Carla ang mga hinala ko. Nang nagpalabas na ang teacher namin ay agad kong hinila si Carla papalabas ng kwarto.
Humanap ako ng lugar kung saan hindi masyadong dinadaan ng mga estudyante. Mahirap na, baka may makarinig. Mas mabuting maging mainggat.
"Bakit ba tayo nandito?" tanong niya matapos libutin ng tingin sa luma't pang-isang taong hagdanan.
"May kailangan akong sabihin," huminto ako saglit at tinginan ang reaksyon niya. Tingnan niya ako na para bang sinasabing 'sabihin mo na' kaya pinagpatuloy ko na. "Nung araw na nahimatay ako, 'yon ang araw na namatay si Nica."
"O, ano naman ngayon?" inip na wika niya.
"Nang araw na 'yon, umakyat ako sa science building at may nakita akong kakaibang bagay. Para iyong transparent na lubid na sinadyang ilagay para matisod ang sinumang pupunta doon," muli akong huminto uparang pagmasdan ang reaksyon niya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil sa panlalaki ng singkit niyang mga mata. "At alam mo ba, nakita kong may isang pwesto kung saan sira parte ng barendilya na nagsisilbing harang—pwesto kung saan nakakabit ang lubid na pinaghulugan ni Nica."
"You mean—" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.
"Kung tama ang hinala ko, hindi nagpakamatay si Nica kundi may pumatay sa kanya."
Katahimikan ang bumalot sa amin matapos ko iyong sabihin. Ilang saglit pa, ang isang matinis na tawa ang umalingawngaw. Mula iyon kay Carla.
"Are you insane, Apple?" saad niya bago pumameywang. "Police na mismo ang nagsabing nag-suicide si Nica, at kitang-kita naman natin iyon lahat. Tapos ngayon sasabihin mo sa'king may pumatay sa kanya. Atsaka, kung totoo nga 'yang sinasabi mong lubid, bakit hindi 'yan nakita ng mga police nung nandito sila? Di ba dapat sila ang unang makakakita nun kaysa sa'yo? 'Yan kasi, sabi ko sa'yo tantanan mo nang kakapanood ng mga crime movies. Tingnan mo, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo." Mahabang lintanya niya bago humakbang. "Wala ka pa bang balak umalis dito?" sabi niya habang nakangiti.
Sumimangot lang ang tangi kong nagawa. Nakakainis. Akala ko pa naman maniniwala siya sa akin. Sa kabilang banda, tama siya. Bakit kaya hindi iyon nakita ng mga police? Ngayon, isa na namang tanong ang dumagdag sa aking isip. Walangya. Hindi pa nga nasasagot 'yong isang problema, may panibago na naman. At ang nakakainis pa, ayaw akong paniwalaan ng bestfriend ko.
----------------- -------- -----------------
A/n: This chapter is dedicated to Miss PearllyPapers. Hello po! Thank you sa pagbabasa, pagvovote at pagcommnet sa prev chapter. Sana nagandahan kayo kahit konti sa chapter na ito. Thank you po ulit~
-AzileMadriaga
BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
Mystery / ThrillerIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?