Chapter 1: Kid in Dream
Tumakbo ako nang tumakbo na tila ba may humahabol sa akin. Natatakot na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tanging ang mga ilaw mula sa pangilan-ngilang poste at ang bilungang buwan ang nagsisilbing ilaw sa dinaraanan ko.
Huminto ako sa mismong tapat ng isang poste upang makapagpahinga panandalian at sa paglinggon ko sa aking likod, wala akong ibang makita kundi puro... dugo.
"Puro dugo? Anong nangyari sa mga tao? Saan nanggaling 'yung dugo? Anong klase ba naman 'yan, Ate Mans?! Baguhin mo," pag uutos sa 'kin ni Angelo, nakababata kong kapatid.
Sinipa ko siya nang mahina at inis na hinarap siya.
"Pake mo ba? Ako writer dito, kaya ako ang masusunod!"
Sa ikalawang pagkakataon ay sinipa ko siya nang mahina sa kaliwang binti. "Maliwanang ba?" Pinanlakihan ko pa siya ng mata.
Itinuon ang atensyon ko sa bagay na hawak ko at muling binasa ang mga salitang pinagpuyatan ko buong gabi.
Narinig ko naman siyang bumulong, "Sus, sa akin naman 'yang netbook."Umupo ako sa sofa tulad niya, inagaw sa kanya ang remote control at gigil itong pinindot.
"Bakit mo pinatay?!" pagrereklamo niya.
"Ang tanda-tanda mo na, Spongebob pa rin ang pinapanuod mo. Magpalit ka naman atsaka nakapagluto ka na ba? May pagkain na ba tayo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Fourteen pa lang ako. Makapagsabi ng matanda 'to akala mo siya hindi," aniya na inirapan ko lang.
"Maganda kasi 'yung Spongebob try mong kayang manuod. And yes, kanina pa ako nakapagluto. Nakakain na rin ako kaya ikaw na lang ang kumain mag-isa. Kasi naman... napakabatugan ng isa d'yan."
Tinaasan ko lang siya ng kilay saglit bago dumiretso sa kusina kung saan nakalagay ang mesang may masarap na pagkain.
Araw ng toka niya ngayon kaya walang siyang karapatan magreklamo. Sa ayaw o sa gusto niya, siya ang gagawa ng lahat ng gawaing pang-bahay ngayon.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid.
Wala na kaming mga magulang. Ang isa ay nawala physically, habang ang isa naman ay nawala psychologically.
Namatay si Mama noong ipinanganak niya si Angelo. Si Papa naman, madalang lang umuwi. Palagi siyang busy sa trabaho niya at sa pagpapayaman niya.
Hindi naman kasing garbo at laki ng isang masyon ngunit sapat ang laki nito para sa isang pamilya. Maganda ito't puno ng mga kung anu-anong dekorasyon pero aanhin namin ang lahat ng ito kung hindi naman namin makasama ang aming mga magulang.
"Bakit nakabusangot ka d'yan? Pangit ba ang lasa?"
Napaangat ako ng tingin at ngumiti sa kaniya atsaka umiling-iling.
Mabuti na lang nandito si Angelo, kahit papaano hindi ko nararamdamang nag-iisa ako.
"Ate Mans, pwede ba akong samahan papunta kay Jasmine?" tanong niyang nakangiting abot tenga. Sa gilid niya ay nakita kong may nakahanda ng basket na puno ng mga prutas.
"O'sige, magbibihis lang ako," wika ko bago tumayo at pumuntang kwarto.
**
"Teka, akala ko ba sa bahay ng kaklase mo tayo pupunta," takang sabi ko matapos kaming bumaba nang jeep sa tapat ng isang pribadong ospital na hindi ganoon kasikat (para sa 'kin kasi hindi ko kilala).
Malaki ang labas nito kaya paniguradong malaki rin ang loob. Kapansin-pansin ang kalumaan ng mga gate na mala-sinaunang panahon ang disenyo, ngunit hindi lang ito ang pumukaw ng atensyon ko dahil ang mismong tatlong building nito ay ganoon din —- luma at tila ba sinaunang panahon ang disenyo't istraktura. Idagdag mo pa na may kung anong kabang nararamdaman ako na para bang may hindi magandang mangyayari.
BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
Mystery / ThrillerIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?