Chapter 8: Broken Glass

531 33 17
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay kumakain. Pansin kong kanina pa siya pasulyap sulyap sa kanyang cellphone na nakapatong sa mesa katabi ng kanyang pagkain, na tila ba may hinihintay na importanteng tawag o mensahe mula sa kung sino man.

Napansin niya yatang kanina ko pa siya pinagmamasdan kaya naman nagsalita siya, "Wala ka bang balak kumain?" tanong niya matapos mapagtantong siya lang kumakain sa'ming dalawa.

Umiling iling ako atsaka nagsabing, "Wala akong gana." Tumango tango naman siya.

Magkaharap ang pwesto namin di tulad ng ibang magkakaibigan. Mas gusto ko ang ganitong pwesto para masmadali akong makakain at makipagkwentuhan.

Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at nagpaalam na lalabas muna siya upang sagutin ang tawag. Makaraan ang ilang minuto ay bumalik siya't hinawakan ang magkabila kong balikat. "I have to go. Paki sabi na lang kay Ma'am Ching na masama ang pakiramdam ko,"saad niya bago hinalikan ang magkabila kong pisngi. "Bye, Apple. Mag ingat ka mamaya, okay?" dagdag pa niya habang isang malaking ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha.

"Mag-ingat saan?" Gusto ko sanang iyong itanong kaya lang mukhang nagmamadali siya kung kaya't naguguluhan man ay tumango na lang ako't kumaway sa kanya bilang paalam.

Ilang minuto lang matapos umalis si Carla ay lumabas na rin ako sa canteen. Ayaw ko roon. Ang ingay ng mga tao at isa pa, wala naman akong pagkaing gustong kainin kaya't walang dahilan para tumambay ako ro'n.

Tinginan ko ang wristwatch ko. Masyado pang maaga para umakyat sa classroom, pero wala naman akong pagpipilian. Wala rin naman akong ibang naiisip puntahan.

Dumaan ako sa luma't pang isahan o dalawahang hagdanan. Wala lang. Naisipan ko lang doon dumaan dahil hindi na yata iyon ginagamit, kaya ako na lang ang gagamit. Tutal mas malapit naman iyon sa next room na naka-assign sa section namin.

Nasa pangalawang palapag na ako't dalawa pang palapag ang kailangan kong akyatin nang nakita ko ang isang pamilyar na babae. "Hey!" pagtatawag ko. Pansin kong nakauniporme siya katulad ng sa'kin. "High school ka rin pala. Anong year ka na?" Nang nilapitan ko siya ay agad na kumunot ang noo ko dahil sa ikalawang pagkakataon na nakita ko siya ay mugto na naman ang mga mata niya.

"Fourth year na ko," aniya na halatang basag ang boses dulot ng kakatapos lang na pag iyak.

Hindi ko napigilan ang sarili kong muling magtanong. "Bakit ka umiyak? Dati nung nasa elementary building nakita kitang umiiyak noon."

"Wala 'to. Napuwing lang ako." Kinusot kusot niya ang kanyang mata.

Nagsimula na siyang humakbang paakyat kaya naman dali dali akong sumunod. "Sandali, anong room ka?" sabi ko habang pilit siyang sinasabayan sa paghakbang.

Tumigil siya't may itinuro gamit ang kanan niyang hintuturo. "Iyan ang room namin" Hindi ko napansin na nasa 4th floor na pala kami.

"Katabi lang pala ng room niyo ang amin," masigla kong wika. Nang ibinaba niya ang braso niya'y namataan kong puno ito ng sugat partikyular malapit sa may pulso. "Depress ka no?" Napatingin siya sa akin na may halong pagtataka. "Wag mong madaliin ang pagkitil sa iyong buhay. Maraming tao ang naghahangad na pahabain ang kanila." Nakangiti ngunit seryoso kong sabi.

"Ah, ito ba?" wika niya habang pinapakita ang braso niyang puno ng sugat. "Alam ko. Dahil isa ako sa kanila," seryoso rin niyang saad. Huminto siya sa paglakad nang nasa tapat na kami ng isang kwarto.

Inilahad ko ang aking kamay upang magpakilala. "Ako si Apple. Ikaw, ang pangalan mo?"

"Kate," aniya atsaka ako kinamayan. "Wala ka pa rin bang naalala?"

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon