Chapter 12: Lock and Luck
“Did you do my instructions?” Bungad na bati sa akin ni Vincent pagkapasok ko ng kwartong ginawa na niyang hide out.Magkasalubong ang dalawang kilay ko habang humahakbang papalapit sa kanya. Paano niya nalamang pumasok ako kung nakatalikod siya? Partida, nag-ala ninja na ako mula sa pagbukas at pagsara ng pinto hanggang sa paghakbang para ‘di malakas na tumunog ang heels ko sa pagtama nito sa sahig.
Pinagmamasdan ko siyang mabuti. Nakasandal ito sa kanyang pinakamamahal na swivel chair, nakaharap sa isang board na puno ng mga sticky notes. Hindi ko na hinintay pang sabihin niya na kunin ko ang monoblock sa gilid. Pinuwesto ko iyon sa mismong tapat niya’t naupo bago sumagot.
“Opo, nagawa ko po. Para saan ba ‘yon? Tsaka ito, para saan ito?” sabi ko habang pinapaikot sa kamay ang bagay na hawak ko.
“For experimenting,” walang ganang wika nito.
“Woah! Pinaghirapan kong kunin ito just for the sake of your experimentation? Hindi mo ba alam na nasampal muna ako bago ko ito nakuha. Sampalin kaya kita para malaman mo kung ga’no kasakit. Tsaka kahit saang anggulo ko tingnan, pagnanakaw ang tawag sa ginawa ko. Akala ko ba ginagawa natin ito para mapatunayang wala tayo kasalanan, pero ‘yong ginawa ko, mas lalo lang akong mapapahamak no’n.”
“You know, but you still did,” anito na nakatalikod pa rin. Inikot niya ang kanyang bangko at hinarap ako bago muling nagsalita. “Don’t worry. You didn’t steal anything from anyone. After all its Lance property and after our investigation we will lend it to the police.”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinis. Humalukipkip na lang ako’t napatingin sa ibang direksyon upang iwasan ang mapupungay niyang mga mata.
“Now that you calmed down, can I have it now?”
Pasimple ko siyang sinulyapan.
Magkadikit ang dalawang nakalahad na palad nito na tila ba nanlilimos. Napabuga muna ako ng hangin bago siya hinarap. Mala-anghel naman siyang ngumiti sa akin--- na ngayon ko lang nakita atsaka inangat-angat ang dalawang kilay.
Napayuko na lang ako habang pinipigilang mapangiti. Pfft. Mukhang bata. Palibhasa may kailangan kaya nagpapanggap na isang maamong tupa.
“Oh. Iyan na. Kaya kung pwede lang, itigil mo na ‘yan hindi bagay sa ‘yo,” ani ko habang inilapag ang cellphone ni Lance na nakuha ko kanina no’ng kinausap ko si Sheryl.
Kaagad naman niya iyong kinuha’t kinalikot.
“Paano mo nga pala nalaman na nasa loob ng flower vase malapit sa bintana ng room 4F nakalagay iyan?”
“I anticipate it. Like us, she’s being asked too about Lance case. I know that being interrogated kills her time to erase their message thread and to dispose the evidence. And also she’s with her friends who sympathise her the most, so she doesn’t have any choice but to bring the evidence with her.”
“So all along you suspected her for killing Lance, huh.” Tumango tango pa ako habang napapokus ang mata sa nakabukas niyang laptop na nakapatong sa mesang pumapagitan sa amin. Geez. Pati ako nahahawa na sa kaka-english niya.
Mga ilang segundo rin bago ko naproseso lahat ng sinabi niya sa akin.
“Wait. Anong sabi mo? You anticipate it? You just anticipate it? Paano kung hindi niya doon tinabi? Paano kung naitapon na niya ‘yan bago ko pa nakuha? E ‘di nasayang lang ang bakat ng kamay niya sa maganda kong mukha.”
Sa totoo lang, wala naman talagang sampalang naganap. Sinabi ko lang ‘yon para ipamukha sa kanya na katakot-takot na matatalim na tingin ang inabot ko kapalit ng paglabas sa kwartong ito.

BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
Mystery / ThrillerIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?