Chapter 3: Terror-stricken

785 66 22
                                    

Chapter 3: Terror-sticken

Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa daanan. Napabuntong hininga ako kasabay ng pag-alala sa mga katagang kanina pa gumugulo sa aking isip.

"Maghanda ka na dahil hindi ka nila titigilan hangga't 'di ka nila nakukuha."

Muli akong napabuntong hininga habang sunod-sunod ang pagbuo ng mga tanong sa aking isipan.

Saglit akong napahinto sa pag-iisip nang napansin ko ang daanang kasalukuyan kong binabagtas. Ito ang daanan kung saan ko nakita si Jasmine noon, isang linggo na ang nakararaan.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung panaginip lang ba ang lahat ng nangyari o totoo.

Kung panaginip lang ang lahat, bakit pagkagising ko ay basa ang buhok at uniporme ko?

Kung totoo naman, paano nangyaring napunta ako sa loob ng kwarto ko? Dahil ang huling pagkakaalam ko, nasa labas ako pa ako noon. Tsaka sinabi rin ng kapatid ko na hindi raw niya ako nakitang lumabas mula sa kwarto.

Teka nga, paano niya ako makitang lalabas kung hindi pa naman ako nakakapasok sa bahay namin?

Napailing-iling ako nang napagtanto ko na wala naman akong makukuhang sagot kung sarili ko lang din ang tatanungin ko.

Nakaramdam ako ng pag-vibrate ng phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ng blazer na parte ng uniporme namin habang patuloy pa rin sa paglalakad at binasa nang malakas ang mensahe.

"Ate Mans, sorry. Nakalimutan kong patayin ang ilaw sa salas kanina bago ako umalis. May iniwan na rin akong pagkain sa mesa, initin mo na lang kung gusto mo. Peace offering ko na yun sa'yo sa pangungulit ko kaya quits na tayo, ah?"

Napangiti naman ako nang di oras. Kahit kailan talaga si Angelo, 'di ko maintindihan. Minsan sweet, minsan ewan.

Ibabalik ko na sana ang phone ko nang nag-vibrate ito ulit. Sa pagkakataong ito, napahinto na ako sa paglalakad dahil alam kong malapit na ako sa tapat ng bahay namin.

"Matatagalan pa bago ako makauwi. Dito na lang ako matutulog kina Daniel."

Si Daniel ang best buddy ni Angelo. Magkaibigan na silang dalawa simula nang lumipat kami dito. Sa sobrang tagal nga ay feel at home na sila sa bahay ng isa't isa.

Nagreply ako ng "Okay" bago itinago ang cellphone sa bulsa at muling naglakad. Ilang saglit pa ay nasa tapat na ako ng bahay namin. Ang ngiti kong pagkatamis-tamis kanina ay agad na napalitan ng pagtataka nang nasulyapan ko ang madilim na bahay namin.

Muli kong kinuha ang phone ko upang mag-message kay Angelo.

"Makakalimutin. Na-off mo naman e. Patay kaya ang lahat ng ilaw sa bahay."

Binuksan ko ang pinto't ilaw at buong giliw na pumunta sa kusina kahit na hindi pa ako nakakapagbihis. Pambihira! Di ko akalaing nakakagutom pala mag-isip.

Matapos kumain ay dumiretso na ako papunta sa kwarto ko, ngunit bago pa man din iyon ay saglit ko munang tiningnan ang dalawang magkasunod na madilim na silid katabi ng sa akin— ang kwarto ni Papa't Angelo.

Hindi na naman makakauwi dito si Papa, palagi na lang. Kung umuwi man siya, paniguradong dis oras na nang gabi. Mas ramdam ko ang kalungkutan at kakulangan ngayong nag-iisa lang ako. Kung buhay lang si Mama, hindi siguro ganito kadilim at kalungkot sa bahay. Siguro may sasalubong sa'kin tuwing umuuwi ako at hindi rin ganito kasubsob sa trabaho si Papa.

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Hinawakan ko ang doorknob at akma na itong bubuksan nang sa ikatlong pagkakataon ay muling nag-vibrate ang cellphone ko. Tiningan ko ito at binasa ang mensahe mula sa numerong hindi nakarehistro sa phonebook ko.

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon