Chapter 15: Pendant
Hindi ko alam na kusa na palang umagos ang mga patak ng luha sa’king mga mata na kanina ko pa pinipigilan. Pilit naman akong inaalo ni Carla na nasa tabi ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Malinaw na malinaw na binully nila ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari sa’kin ‘yon. Ganito pala ang pakiramdam. Masakit. Parang sinasaksak ng ilang beses ang puso ko. Nakakapanghina.Muling nanariwa sa’kin ang nangyari kanina. Bakit ako ang sinisisi nila sa mga nangyari? Hindi ko naman ginusto ‘to. Wala namang may gusto na mamatay sila. Kaya nga ako umaarte ng ganito para walang madamay pero bakit ganun? Bakit tila mas lumalala lang ang sitwasyon? Kasalanan ko ba talaga? Dapat ba ihinto ko na lang ito? Pero nangako ako sa kanila. Tama, pangakong walang iwanan, pero anong nangyari? Ang pangakong pinanghahawakan ko ay unti-unting nawawala kasabay ng pagkamatay ng ilan sa kanila.
Tumingala ako upang pigilan ang luhang nagbabadya na namang umagos. Ayaw ko ng umiyak. Ang mga bully na katulad nila ay ‘di deserve iyakan. Ayoko ng magsayang ng luha at tubig sa katawan. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ramdam ko ang init ng palad ni Carla na nakatapong sa balikat ko. Nasa gano’ng puwesto lang kami. Magkatabing nakaupo pero wala ni isa ang may lakas ng loob magsalita.
Hinayaan naming makisayaw sa bugso ng hangin ang aming parehong nakalugay na buhok. Ang kaniya’y kulay itim na hanggang balikat samantalang tanso na abot beywang naman sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang katahimikan sa paligid. Ang tunog ng pagpagaspas ng mga puno at ang huni ng mga ibon ay nagbigay sa’kin ng kaginhawaan. Idagdag pa ang sariwang hangin na humahampas sa mukha ko at ang katamtamang init ng araw ngayon. Tila ba nakalimutan ko pansamantala ang pangbu-bully na nangyari sa’kin kanina sa room 4A.
Narinig kong bumuga ng hangin ang aking katabi na para bang dismayado rin sa nangyari kanina at sa ‘di namin pagkikibuan. “Kamusta ka na? Ilang araw kang ‘di pamasok, ah.”
Bumaling ako sa kaniya at mataman siyang tinitigan bago nagsalita, “’Di ba dapat kapag mag-bestfriend walang lihiman? Di ba dapat transparent tayo sa isa’t-isa?”
Kaagad na nagsalubong ang kilay niya, halatang nagulat sa biglaan kong pagtanong. “Oo naman. Bakit?”
“Pero bakit ka naglilihim sa’kin?” nagkikimkim kong tanong.
Napaangat ang isa niyang kilay at agad na pumameywang. “Duh! Ikaw kaya ‘tong naglilihim. Remember may utang ka pang kwento sa’kin?”
‘Di ko alam kung sinasadya niya bang ilihis ang topic namin pero sinakyan ko na rin. Siguro nga hindi ito ang tamang oras para kausapin siya tungkol doon.
“Sinabi ko na. Walang kami kaya walang dapat ikwento,” giit ko pero halatang hindi ako niya ako pinaniniwalaan dahil nakapaskil pa rin ang maloko nitong ngiti sa kaniyang labi.
“Wala daw pero namumula. Ayieee.” Tinusok niya ang tagiliran ko kaya’t agad akong napaigtad na parang bulateng inasinan. Aish! Karma is real. Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, gano’n din ang gagawin sa’yo. Sorry na, Angelo. ‘Di ko naman alam na ganito pala ang pakiramdam mo t’wing kinukulit kita tungkol kay Jasmine.
“Okay sige, aamin na ako,” sabi ko na nakataas ang dalawang kamay. Huminto naman siya’t matamang nakinig. “Wala akong gusto sa kanya. At kahit kailan wala akong balak magkagusto sa kanya.”
Tinaas niya ang kaniyang hintuturo at ginalaw iyon pakanan at kaliwa. “Uh-uh. ‘Wag kang magsalita ng tapos.” Mas lalo namang lumawak ang ngiti ng bruha na animoy nanalo ng lotto. “Nagsisinungaling ka,” aniya na ikinasapo ko sa’king noo. “Kilala kita, Apple. At alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo o hindi.”
BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
Mystery / ThrillerIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?