Chapter 10: Sleuth

366 17 3
                                        

AzileM's Note: Sa mga naglagay ng kwentong ito sa kanilang Reading List, sa mga nagpro-promote, sa mga magli-leave sa 'kin ng message, higit sa lahat sa mga walang sawang naghintay ng pag update nito, maraming salamat po.

***

Chapter 10: Sleuth

Literal na nakasubsob ang mukha ko sa mesa habang inaantay na palabasin kami ng police na nag-i-interrogate sa ‘min kanina pa. Saglit kong sinulyapan ang wrist watch ko, 6:20 na pala nang gabi. Hindi na nakakapagtaka kung makakain ko nang buo itong paribahang kahoy na mesa sa gutom ko. Laking pagsisisi ko kung bakit hindi ako kumain no’ng vacant kanina.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan na depensahan ng isang lalaki ang kanyang sarili sa police na matanong. Ano nga palang pangalan niya? Hay! Gutom na siguro talaga ako kaya’t nakalimutan ko ng itanong sa kaniya kung sino siya. Nakakahiya. Nakausap ko na siya’t kanina pa kasama at ngayo’y katabi sa bangko, pero hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

Manners, Apple. Manners.

Saglit na napahinto ang pag-i-imagine kong chocolate cake itong mahabang mesa sa harap ko nang bumukas ang pinto. Babalik na sana ako sa pag  iisip na pagkain ang lahat ng bagay na nandito kung hindi lang ako napatigil ng isang pamilyar na pigura ng isang babaeng mag iisang linggo ko nang hindi nakikita.

Mahinhin at mabagal itong lumakad papalapit sa amin. Sunod sa saliw nang tunog ng kanyang tatlong pulgadang takong. Tila may bumabang isang anghel na nagpatigil ng oras at pagsasalita ng dalawang taong kanina pa nag uusap. Aaminin ko, medyo nakaka-intimidate siya. Napakaganda niya sa suot niyang dilaw blouse at itim na paldang pencil cut na aabot hanggang sa ibabaw ng kanyang tuhod. Ang maamong mukha nito ay nilagyan nang konting make up. Bumagay sa nakaladlad niyang buhok na nakaikot ang dulo na wari ba’y isang ribbon. Literal na mukhang anghel.

Nakaramdam ako ng pagtindig ng mga balahibo ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Marahil ay sanhi nang mag iisang oras naming pananatili sa kwartong ito na naka-full ang dalawang aircon.

“It’s been awhile, right, Apple?” aniya kasabay ng isang ngiti.

Nginitian ko rin siya pabalik sabay sabing, “Indeed. It’s been awhile, Ate Joy.”

Nagtatakang tingin naman ang itinapon ng lalaking police sa akin bago bumaling kay Ate Joy. “Thank you for coming, Inspector Joyce.” Bahagya itong napangiti na para bang nabawasan ang problemang kinakaharap. “Looks like you know one of our primary suspects in this case.”

“Sabing hindi ko siya pinatay. Bakit ba ang kulit niyo?” inis na sabad ko.

“Tell me the details,” sabi ni Ate Joy kay kuyang police sabay halukipkip.

“The victim is Lance Rodriguez who found dead after he fell from the stairway. His head landed on a rock that causes him fatal.” Huminto ito at ibinaba ang maliit na notebook na kanyang binasa at matamang tinignan si ate Joy.

“At first, I thought it could be an accident,” muli siyang huminto sa pagsasalita.

Sinilip niya muna ako at ang kasama ko na wala na yatang balak pang tumayo sa swivel chair na kanyang kinauupuan. Napakadaya. Kung nauna lang sana akong kumuha sa nag iisang bangkong iyon ay hindi na ako magtitiyaga maupo sa monoblock.

“But not until Miss Sheryl Garcia, the girlfriend of the victim claimed that she saw these two kids pushed Mister Lance off the stairway.” Dagdag nito at umiling iling pa na para bang isang magulang o guro na dismayado sa ginawa namin.

Nakarinig naman ako ng isang mahinang palatak sa aking tabi. Kitang kita sa mukha nito ang kawalan ng interes sa sinabi ng pulis.
“Kung tapos na kayong mag usap, pwede na ba kaming makauwi?” nababagot na pahayag niya.

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon