Chapter 24: Search

158 7 9
                                    

Chapter 24: Search


"Himala. Ang aga mo 'atang gumising ngayon," inaantok pang wika ni Angelo pagpasok ng kusina habang nag-uunat ng braso. Mapungay ang mata nitong sinipat ang digital clock na nakapatong sa refrigerator na nasa gawing kaliwa ko.

Sinundan ko rin iyon ng tingin kung saan may nakapaskil na 6:24 am. "Anong oras pa lang, ah."

"Good morning too." Panunuyang ani ko sabay simsim sa tasang hawak.

Nagkusot siya ng mata habang humihikab, halatang lutang pa ang diwa.

"Nagluto ka?" tanong niya matapos mapansing may nakahain nang pagkain sa mesa.

"Nagluto si tita Emily kanina bago umalis."

"Ah. Mabuti naman. Akala ko ikaw nagluto eh." Pailalim ko siyang tinitingnan. Mahina lang siyang tumawa. Tumayo na ako't sinukbit ang school bag na nakalapag sa katabi kong bangko. "Woah. Anong nakain mo't maaga kang papasok ngayon?"

"Toasted bread and hot cocoa. Can't you stop probing me and just start eat your food?" Iritadong kong untag. Kanina pa kasi siya tanong nang tanong.  Malawak naman siyang ngumiti na animoy nanalo sa lotto. Argh! Sabi ko na nga ba, sinasadya niyang inisin ako.

"Pinatulan talaga niya ang tanong ko," sabi niya sabay tawa. Nang mahimasmasan na siya't napansin ang matalim kong tingin ay saka lang siya huminto. "Bye Ate Mans. Have a great day!"

Inangat ko ang ring finger ko. Pero ang bwisit kong kapatid, mas lalo lang tumawa.

Kaagad ko rin iyong binaba nang may maalala--- si Carla. Mula nang makita ko siya kasama ang nagpakilala sa 'king school nurse namin sa clinic ay hindi na kami nagkausap pa. Sinubukan niyang lumapit sa 'kin pero umiiwas ako. Ewan ko ba. Natatakot lang siguro akong malaman ang totoo lalo na't malaki ang tsansang kasabwat ng MA si Carla or worst malaman na all this time, ang kasama at tinuturing kong best friend ay isa palang killer.

"Ano 'yan Ate Mans? Gusto mo ng singsing?"

Napasapo na lang ako ng noo. Hay, Angelo. Ang sakit mo talaga sa ulo. Nice. Nag-rhyme.

"Bahala ka na nga d'yan." napipikong pakli ko. Akmang lalabas na ng kusina nang nagsalita siya.

"Oo nga pala. Anniversary ng school n'yo ngayon, 'di ba?" masigla niyang tanong.

Umangat naman ang kilay ko. "Oh, ano ngayon?"

"Pupunta ako!" puno pa rin ng sigla ang tono ng boses niya.

"Ok-" I'm about to shrugged it off when I realised what he said. "Wait, what?!"

"Pupunta ako. Bakit? Bawal ba? As far as I remember, open ang M.A. ngayon for outsiders."

Mataman kong pinagmasdan ang kilos niya. Mula sa pagtusok sa tocino, pag-nguya, dahan-dahang paghigop ng mainit na kape na sariling timpla niya, hanggang sa pagbaling niya ng tingin sa akin. Tila nairita 'ata siya sa pagtitig ko kaya hindi niya mapigilang magtanong. "Bakit? Mas lalo bang naging guwapo ang kapatid mong guwapo?"

Napasimangot ako. "Ang lakas bigla ng hangin dito. Bakit kaya?" tanong ko bago siya pinandilatan. Natawa lang siya't nagpatuloy sa pagkain. Masamid ka sana.

Dahil alam ko namang hindi siya makikinig sa 'kin kahit pagbawalan ko siyang pumuntang school, knowing him, once na may ginusto siya mahirap nang baguhin ang desisyon niya kaya minabuti ko na lang magpaalam na aalis.

Paglabas kaagad akong sumakay ng SUV at nagpara sa lugar kung saan naghihintay ang isa sa pinakamahalagang tao hindi lang para sa 'kin kundi para sa amin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unnamed BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon