Chapter 23: Door
Lutang ang diwa ko habang lumalakad. Imposible. Si Carla, pumunta sa library para kausapin si Josephine? Malabo. Malabo talaga. Kilala ko si Carla. Ni ayaw nga ‘nun tumapak sa library kung hindi ko pa pipilitin. Ang katwiran niya, masyado raw tahimik. ‘Di raw siya makapag-focus sa sobrang tahimik na lugar. Kulang na lang isumpa na niya ang library. At isa pa, istrikto ang baklang trainor nila kaya imposibleng payagan niya si Carla na umalis sa practice nila bigla.
Sa kakaisip hindi ko napansin na may nabunggo ako. Kung hindi ko pa narinig ang malakas na tunog ng pagkalabog ng kahon na bitbit nila ay ‘di pa ko mapuputol sa pag-iisip.
“Sorry!” Mabilis kong paghingi ng paumanhin habang tumutulong sa pagpulot ng mga nalaglag na gamit. Nilagay ko sa loob ng kahon ang mga napulot ko bago humarap sa kanina at muling huminggi ng paumanhin.
Aalis na sana ako kundi lang ako pinigilan ng isang babae.
“Kayo po ba ‘yung taga-bookclub na nag-e-evaluate sa mga students na pumupuntang lib?”
Alagang ngumiti ako. “Yeah?”
“Sabi ko sa ‘yo Laine, eh.” Baling niya sa kasama niya sabay palo sa balikat nito. “Ayaw mong maniwala sa ‘kin. Kinuwento nga ni Kris sa ‘kin na may nagtanong sa kanya kanina.” Aniyang nakanguso. Sa akin naman siya bumaling pagkatapos. “Ikaw ba ‘yun, Ate?”
Tumango lang ako at ina-analyze ang mga pangyayari. Wala naman ibang nagka-conduct ng evaluation na taga-bookclub kuno kung hindi ako. Nakausap ko pa nga ang president ng club nila kanina at sinabihan akong liar. Kung gano’n, ibig sabihin isa sa mga tinanong ko ang sinasabi ng babaeng ito.
Pilit kong inisip kung sinong Kris ang tinutukoy niya.
“Di ka kasi kapani-paniwala, Sandy.” Akmang hahambalusin ulit siya nung Sandy nang pumagitna ako.
“Are you two pertaining Kristopher Tañala?” Sabay silang tumango habang labas ang ngipin na nakangiti. Urgh! Too much energy. “You are Sandra Guzman,” turo ko sa babaeng naka-full bangs. “And you are Elaine Reyes, am I right?” baling ko naman sa babaeng naka-sirintas ang buhok.
“No, you’re left!” Magkapanabay nilang wika sabay sabing, “Money for us.” At nag-apir habang tumatawa.
Napailing na lang ako. Weirdos.
“Sabihin mo na, Laine.” Panunudyo ni Sandra.
“Ano’ng sasabihin ko?” Naguguluhang tanong naman ni Elaine.
Inirapan siya ni Sandra bago nagsalita. “Duh! Syempre kung bakit ka pumuntang library, ano pa ba?”
Si Elaine naman ang umirap sa kaniya. “Gaga you, you know? Ban ako sa lib. No’ng last month pa nawawala lib card ko.”
“Ay, oo nga pala. Gaga you too.” Pabirong saad ni Sandra sa kaibigan.
“Gaga you, three.” Bawi ni Elaine at sabay na naman silang tumawa at nag-apir sa harap ko.
Great. So instant viewer nila ako, gano’n? Gaga you, four. Natatawang dagdag ko sa ‘king isip. Ghad, napamura tuloy ako ng di oras sa kalokohan ng mga batang ‘to.
Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa pero mukhang hindi nila iyon napansin dahil muli na naman silang nagtalo.
“Gaga you. Ba’t ‘di ka na lang mag-avail ng bagong lib card. Pahirap lang sa buhay, teh! Wis tuloy akong makopyahan.”
“Gaga you to the nth power! Gusto mo lang mag-avail ako para may makopyahan ka.”
Rinig ko pang pagtatalo nila. Napailing iling na lumayo ako. Pero nakakailang hakbang palang ako nang…
![](https://img.wattpad.com/cover/37151741-288-k578663.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unnamed Book
Mistério / SuspenseIsang kakaibang libro ang kaniyang napulot na nagpagulo sa kaniyang tahimik na mundo. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kuriyosidad?