After midterms season, naging busy na ang lahat dahil sa iba't ibang quiz at activities na ibinabagsak bawat araw. Ang susunod na paghahandaan namin ay finals at ilang reporting.
"Punta kaming Chill Top mamaya, sama ka?" tanong ni Mario sa akin nung matapos ang aming klase. Lunes na Lunes, pero kung makapag-aya siya ay tila weekend.
Ikalawang linggo pa lang ng Oktubre ngayon, pero naghahanda na ako para sa finals ng ilang subjects. 'Yong iba kasi comprehensive, kung ano'ng natutuhan mo buong sem ang ite-test, kumbaga. 'Yong iba naman, ang ipapa-test sa amin, kung ano lang ang itinuro pagkatapos ng midterms hanggang huling araw ng klase.
"Hindi ako mahilig uminom," pagtanggi ko habang inaayos ang mga gamit para makaalis. "'Tsaka may panibagong binigay na task si prof. Almeda."
Tumaas ang dalawang kilay niya, halatang walang alam sa aking sinasabi. "Weh? Na naman?"
Hindi naman nakapagtataka na may bagong activity para sa math subject namin, gano'n naman talaga. Bukod do'n, may weekly readings pa kami sa halos lahat ng subjects. Hindi natatapos ang pagbabasa at pagsasagot, hindi tulad ng high school na pahinga ang weekend. Unless mabilis magbasa, siguro magagamit pa ang Sabado at Linggo para sa pagliwaliw.
Pero hindi ako mabilis magbasa, sakto lang. Kaya kahit weekend ay nagbabasa ako, ngunit hindi naman ibig sabihin no'n ay sa lahat ng oras, pag-aaral ang ginagawa ko. Nakanonood pa rin naman ako ng mga bagay na gusto ko. Sadiyang una nga lang ang pag-aaral ko, priyoridad, kumbaga.
"Hindi ka ba pinapayagang uminom ng parents mo?" Mario asked as we walked out of CP.
Ang CP, o College of Pharmacy building, ay ang lugar na minsan naming pinagdadausan ng klase. Tuwing nandito ako sa bahagi ng campus, ang sarap pagmasdan ng paligid. Paano ba naman, maganda ang mga building. Ang iba ay may kalumaan, pero hindi naman masamang tingnan kahit gano'n.
"Ayos lang sa kanila, hindi lang ako mahilig," sagot ko sa kaibigan.
Dumaan kaming Henry Sy building. Ito ang lugar ng mga medicine students, madalas akong makakita ng mga naka-maroon scrubs dito. Araw-araw yata. This might just be the newest building in the campus, and it's tailored for medicine studies. Minsan na akong umupo sa mga plastic chairs na nasa harap nito, mainit at maingay rito. Hindi na ako muling bumalik dito dahil sa init at ingay. Pero maganda ang harap ng building, kumuha nga ako ng litrato isang beses, e.
"Diwa, are you done with our PolSci presentation?" tumango ako dahil last week ko pa natapos 'yon. Naibigay nang lahat ang kanilang bahagi, kaya naman mabilis kong tinapos 'yon.
"May idadagdag ako, can you send me the PPT? I'll edit it, then send it back to you na lang."
"Sige, pagdating sa CAS."
Wala na akong mobile data na magagamit pag-uwi, kaya madalas ko sulitin ang libreng internet ng school namin. May isang beses pa nga na inabot ako ng alas-siyete sa loob ng school, e, dahil may tinatapos akong panoorin na film na kailangan ko gawan ng review.
"Kahit pag-uwi mo na lang, kaunti lang naman 'yong babaguhin ko, nothing big."
Pagdating sa CAS, binuksan ko na ang laptop ko at s-in-end kay Mario ang PPT. At, since vacant ako ngayon hanggang two ng hapon, nagpasiya akong kumain na rito. Nasa ikalawang palapag ako ng GAB, nakaupo sa isang table na nasa connecting bridge ng GAB at RH kasama si Mario at ibang mga estudyante.
"Oh, you won't buy today?" pagkuwestiyon ni Mario sa akin nang mapansin ang pagbubukas ko ng plastic container na binili ni Mama sa palengke at may lamang gulay. "Hindi, nagluto ako."
Lumiwanag ang mukha ni Mario. "Puwedeng patikim? I didn't know you can cook!" inilahad ko sa kaniya ang pagkain ko.
"Pero wala akong extra spoon at fork, laway conscious ka ba?" umiling siya at kinuha ang mga utensils ko mula sa akin. "No, unless you have a disease?"
BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
General FictionDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...