"Isang Cheeseburger Deluxe, medium fries, large Sprite for the drink, and Quarter Pounder, same drink and fries," I added everything the customer said and told her the amount
She gave me a bill. "I receive 1000," I declared before taking money from the register and giving the change back.
It was Sunday today, 5:32 PM. I had minutes left before the end of my shift. Subalit, dumarami na ang tao sa loob. Ang schedule ko tuwing Linggo ay patanghali hanggang gabi, 10 to six. Tapos, sa weekdays naman, gabi hanggang madaling araw—six to two. Friday at Saturday ang off ko. Kaya, nakapunta ako kahapon sa salo-salo ng pamilya ko dahil Sabado.
Pinakiusap ko na ito sa manager ng dorm ko. Thankfully, pumayag naman siyang umuwi ako ng madaling araw. Pero mahigpit na mahigpit ang bilin niyang huwag kong hahayaang mawala ang susi ko dahil baka kung sino ang makapasok sa dorm 'pag nagkataon.
Habang inaayos ko ang register na naubusan ng bariya, dumating si Iggy sa McDo. Tumungo ako at ngumiti. I couldn't contain my joy. Kagabi ay tinanong niya sa akin sa chat namin kung saang branch ng McDo ako nagtatrabaho. Nang sabihin ko'y nagsabi siyang pupunta siya. No'ng una ay umayaw ako, tapos biglang sumang-ayon siya dahil baka raw ma-distract ako.
Pero... gusto ko naman talagang pumunta siya.
"Miss," I heard his voice. Binilisan ko ang paglalagay ng bariya sa register at tinignan na si Iggy. "Good evening, Sir, what can I get you?"
Malaking ngiti ang dumapo sa mukha ni Iggy matapos ko siyang i-greet. "Good evening, Diwata. Isang one-piece chicken meal, with fries, tapos, ikaw? Ano'ng gusto mo?"
Naramdaman ko mula sa gilid ko ang paglingon ng mga katrabaho ko dahil sa sinabi ni Iggy. "Wala, Sir. Regular fries and drink, Sir? 'Tsaka, ano po'ng drink n'yo?" itinuon ko na lang ang titig ko sa register.
"Regular pareho, yes. Coke. 'Yong iyo, Diwata, ano?" ulit ni Iggy. Pinanlakihan ko siya ng mga mata para tumigil. Pilyo siyang ngumiti bago tumango. "Total of 175 pesos po." Sabi ko.
He gave me 200 pesos, and I gave 25 pesos back. Pinausog ko siya para makuha ang order ng sumunod na customer. Walang hiya-hiya si Iggy. Tanging pagtitig ang ginawa niya sa akin habang naghihintay ng order niya. Imbis na gayahin ang ibang tao na nagse-cellphone habang nakatayo, inubos niya ang oras niya sa akin.
Hindi ako magsisinungaling, gusto 'yon. Gusto kong nasa akin ang atensiyon niya. Sa akin lang. Akin lang. At, hindi naman ako nabo-bother. Kaya, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa trabaho.
Pagpatak ng six sa clock, may pumalit na sa akin sa register. Then, I switched clothes. Paalis na ako nang asarin ako ng ilang katrabaho.
"Ray, ano'ng gusto mo sa menu?" si Oliver. "Ako, wala. Ikaw, Oliver?" Ray said back.
Umiling ako at pinigilan ang ngiti. "Bye, Diwa! Ingat!" ani Oliver habang patuloy si Ray sa pangungulit. "Oliver, 'no sa 'yo? Huy!"
Naglakad ako patungo kay Iggy matapos iwan ang counter. Ubos niya na ang pagkain niya, ang bilis niya ngayon, ah. He was waiting for me.
"Kain ka dinner?" umiling ako kay Iggy. "May pagkain ako sa bahay."
"Ahh, lakad tayo?" tumango ako at lumabas na kami.
Tapos, nakapasok na kaming RobMan nang hilahin niya ako. Napatigil tuloy ako sa paglalakad.
"Actually, uwi ka na pala. Para makapagpahinga ka." Mabilis niyang sabi. "Feeling ko pagod na pagod ka ngayon, tulog ka na after mo kumain."
Napaisip ako. Pagod na nga ako. Gusto ko na nga sana humiga. Pero ayaw kong masayang ang pagdayo ni Iggy rito. Gusto kong samahan muna siya sa sandaling 'to. Kasi, bukas, school na naman ang haharapin namin—kailangan namin 'to pareho, bago sumabak ulit sa giyera.
BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
General FictionDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...