Kapitulo 5

3K 63 43
                                        

Sinabi ko kay Iggy na ang tanging araw at oras na available lang ako ay sa Biyernes, three hanggang six ng gabi. Hindi ko alam kung gaano kahaba 'yong interview at kung ano ang scope ng topic niya sa interview, kaya hinabaan ko na ang oras. In-adjust ko na ang schedule ko para matapos na agad 'yong interview na 'yon.

Si Mario ay tuwang-tuwa sa pagpayag ko. Akala mo siya ang tutulungan ko, e. Matinding panenermon ang inabot niya sa akin dahil sa sinabi niya sa kababata niya. Hindi ko naman talaga sinabing cute 'yong Iggy. Sinabi ko pa-cute.

"So, saan kayo magkikita?" Mario asked after our last subject for the day. It was 2:30 now and Friday. "Hindi ko alam."

"Malamang hinihintay ka niya sa labas ulit," lumabas kami ng RH at nadaanan ang Oble. Maganda ang tama ng araw ngayon do'n, kaya naisipan kong kuhaan ng litrato. P-in-ost ko 'yon sa Instagram story ko. Matagal na yata simula no'ng huli akong nag-post.

"Gusto mo kuhaan kita sa Oble?" mapanudyong sabi ni Mario sa akin habang tinatago ko ang telepono ko. "Gago," natawa siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Alam niya at alam ko na mayroong kasabihan tungkol do'n. Magiging irregular student na nga ako next year, lalo pa akong made-delay dahil nagpa-picture ako sa Oble.

"Ikaw picture-an ko ro'n," nakangiting umiling si Mario habang palabas kami ng gate.

"I was right," aniya nang makita namin si Iggy na nasa labas nga ng campus. Naroon siya sa manghuhula.

Mayro'n kasing manghuhula rito sa Faura, ilang buwan ko na siyang nakikita. Akala ko siya ang tipong lumilipat ng iba't ibang lugar. Pero mukhang dito talaga siya nakatambay para sa trabaho niya. Minsan may nakita na rin akong estudyanteng nagpahula sa kaniya. Hindi ko pa nasusubukan, pero gusto ko sana. Kapag wala akong kasama...

"Talaga, manong?!" eksaheradong sabi ni Iggy nang makalapit kami sa kaniya. Tumango ang matandang manghuhula at nginitian si Iggy.

Hindi namin nasimulan ni Mario ang usapan no'ng Iggy at manghuhula, kaya hindi ko alam bakit ganito katindi ang reaksiyon ni Iggy. Na-curio—hindi. Imbis na isipin ang hula na natanggap ni Iggy, inisip ko na lang ang susunod na episode ng AOT na panonoorin ko mamayang gabi. Base sa manga, mawawala na si-

"Uy, good afternoon, Diwata!" may galak sa boses ni Iggy nang lapitan na kami. Gumilid ako dahil daanan ang kinatatayuan naming tatlo.

"Saan ang interview?" tanong ko. Bago siya magsalita, mariin niyang tinitigan ang mukha ko. Napatingin naman ko sa labi niya, it looked like it was blushing. Pero natural na kulay yata 'yon.

"May pilikmata ka sa pisngi mo, puwede kong tanggalin?" ani Iggy.

Umiling ako at kinapa na lang ang tinutukoy niya, pero wala akong nakukuha. "Ako na kasi," ulit niya.

"Marumi 'yang kamay mo," katuwiran ko. May kinuha siya sa bag, alcohol. He sprayed his hands and looked at me.

Nilingon ko si Mario para sabihing siya na lang ang magtanggal, ngunit pinigilan ako ni Iggy. Mabilis na mabilis niya lang na kinuha ang maliit na buhok sa pisngi ko.

"'Di naman kita kakalmutin," natatawa niyang sabi habang tinatago na ang alcohol sa bag muli. "Wala akong sinabi." I said as my eyes moved around.

"Halikan, baka, pero kalmot, hindi naman," my lips opened a bit at his boldness. Talagang sinabi niya 'yon kung kailan may makaririnig sa kaniya, e, 'no?

"Siya ba, Ignacio?" biglang sabat no'ng manghuhula. Nakatingin sa akin ang manghuhula bago siya balingan ni Iggy.

"Manong naman! Iggy nga, e!" kinamot ni Iggy ang likod ng tainga niya. "Pero siya nga, manong. Ano? Ganda ng kapalaran ko, 'di ba?"

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon