Kapitulo 27

1.7K 60 16
                                        

Kailangan kong magpasalamat ng personal sa prof ko sa Econ. Dahil sa kaniya, umayos ang problema ni Papa sa trabaho at suweldo. Ngunit hindi siya magtuturo sa kahit anong summer class, sabi ng mga dati kong ka-block sa GC, kaya hindi ko siya makikita. Nag-email na lang ako sa kaniya tungkol do'n. Sana mabasa niya, upang malaman niyang malaking grasiya ang inilahad niyang tulong.

Nag-send din ako ng text sa abogado niyang pamangkin, nagpapasalamat ako ro'n at humiling na sana'y ipagpatuloy ang ganoong uri ng pagtulong. Talagang wala siyang hininging bayad kahit na willing magbigay si Papa at ang mga katrabaho niya.

Rarely were golden hearts partnered with golden brains.

Hindi ko man nakilala ng personal ang abogado na 'yon, para na ring nakausap at nakasalamuha ko siya dahil sa ligaya ni Papa.

Right now, I am waiting for my last subject to drop my grade on SAIS. Halos lahat ng subjects ko ay flat uno. Ang huling subject na hinihintay ko ay ang Math 21. I would undoubtedly have a higher chance of getting into UPD if my average remained like the last sem if it didn't get higher.

Ang average ko last sem ay 1.125, ngayon, wala pa ang huling subject, pero nasa 1.125 siya ulit. Sana mas mataas. Sana. Please.

Ngayon ay Hulyo na, ikalawang linggo. Tinotoo ni Iggy ang kaniyang salita dati na palagi siyang dadalaw sa akin. Excited na nga ako sa susunod niyang punta, e. Sasagutin ko na siya no'n dahil mukhang magiging maganda naman ang mga grado ko. Hindi kasi siya makapupunta sa akin ngayong araw at bukas dahil may ginagawa siya para sa ginagawa nilang cafe.

Patuloy ang pagtatrabaho ko sa McDo habang hinihintay ang enrolment ng midyear classes sa UPM. Last week, nakahanap na ako ng mga potentiyal na orgs na sasalihan ko sa UPD kapag nakapasa ako. 'Yong Red Cross na org, maganda ang mga objective at programa, makatutulong talaga ako sa iba kung iyon ang sasalihan ko. Tapos, may mga sororities na maganda ang programs din.

"Can I get your Cheeseburger Delux meal? But make the drink orange juice and upgrade the fries to large..." I listed down the orders of the customer before me on the register and declared the price.

Noong makuha ko ang unang suweldo ko sa McDo, binilhan ko na ang mga kapatid ko ng mga kailangan nila sa escuela saka binigay kay Mama ang ilang libong natira. Nag-iwan na lang ako ng dalawang libo sa akin. Gulat pa sina Mama at Papa sa ginawa ko, e. Saan ko raw nakuha ang datung na ginamit ko. Sinabi ko na lang... umulan ng pera sa Maynila... Alam kong hindi sila naniwala ro'n, at hindi ko rin pinaalam kahit ilang beses nila akong kinulit, e. Hindi na nila kailangang malaman na nagtatrabaho ako.

"Enjoy your meal, Ma'am," I said as I put the customer's orders on the tray. The woman smiled and took the tray before walking to her table.

Ubos na ang mga customers sa ngayon, kaya naman napatingin ako sa orasan. Kaunti na lang at matatapos na ang shift ko. Siguro, naka-post na ang grade ko pag-uwi ko, mamayang two. O baka bukas?

"Diwata," tawag ni Ray sa akin habang inaayos niya ang gawaan ng kape.

"Bakit?"

"May klase ka pa ba? Hindi ba summer mo na? Summer na no'ng pinsan kong college, e, magka-batch lang kayo no'n."

"Wala na akong pasok, summer ko na."

"Weh? E, ba't nagtatrabaho ka pa? Akala ko naka-dorm ka lang at taga-QC ka?"

"Magsa-summer class ako."

"Ahh... Ilang subjects nabagsak mo?"

Napalingon ako kay Ray saglit at napagtantong iniisip niya sigurong remedial class ang tinutukoy ko.

"Hindi, wala akong bagsak. Kukuha lang talaga ako ng klase ngayon para mabawasan load ko next sem," paliwanag ko bago tingnan muli ang pintuan.

"Ay, weh? Sorry, akala ko, may bagsak ka." Tumango lang ako at hindi na nagsalita pabalik. "Ano nga ulit course mo?"

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon