"We'll call you, thank you." Said the manager of Jollibee after my interview.
I had just finished answering questions for the position of customer service. It took around 45 minutes. Unang-unang interview ko 'to, sa Tuesday ay sa McDo naman. Tapos, nag-apply rin ako sa KFC. Inisip ko no'ng Friday kung apat ba pag-a-apply-an ko o tatlo lang muna, napagdesisyunan kong tatlo para hindi maubos ang oras ko sa mga interviews.
Ngayon ay ang unang weekend ng May, inabot ng isang linggo ang pag-a-apply ko dahil tatlo ang sinubok ko. Tapos, na-delay pa 'yong sa McDo dahil no'ng una ay wala silang open na position. Mabuti at may umalis, nabigyan ako ng pagkakataon mag-apply.
I went back to the dorm and cleaned myself. I also studied before sleeping, hindi maaaring wala akong alam para sa mga klase ko this week—hindi ako makasusunod sa discussion 'pag nagkataon.
The next day, I attended my first class hungry. Hindi ako nagising agad, buwisit na buwisit ako habang papuntang school. Mabuti na lang at mabilis lang ang sumunod na class ko after Econ, nakakain ako ng baon ko bago tumungong GAB para sa major subject.
"Walt Rostow was an economist that heavily supported the West's way of development to the point of trying to make the world understand that the only way up was the West's way." My old professor said while he roamed his eyes around.
Today, he was wearing a white shirt under a black old vest. His voice was still the same. Unlike the previous weeks, ngayong Lunes niya kami m-in-eet dahil busy raw siya sa Wednesday. Feeling ko paborito ko na siyang propesor, nagustuhan ko na kasi ang paraan niya ng pagtuturo at ang pagiging simple niya, e.
"The five steps to development according to Rostow were: traditional society, preconditions for take-off or the transition stage, actual take-off, the drive to maturity, and the age of high mass consumption. If a nation follows these steps, Rostow declares automatic development—as if the way towards growth is linear."
Today's topic was Walt Rostow and everything wrong with his doctrine related to development. While reading about this last night, it triggered a realization in me. Tungkol sa lipunan, ekonomiya, at politika ang punto nitong lesson na ito, ngunit naisip kong i-apply sa sarili kong buhay—hindi isang diretsong daan ang lalakaran ng mga tao para magawa ang mga minimithi. Na-realize ko ring hindi ko puwedeng i-expect na pare-parehong landas ang tatahakin ng bawat tao para umayos ang buhay, kahit na may kinasanayang daan upang umayos ang buhay. Iyon ay dahil hindi pare-parehong hakbang ang gagawin ng mga tao upang makamit ang mga pangarap nila.
Kahit na sanay ako sa paniniwalang kapag natapos sa pag-aaral at nakakuha ng maayos na trabaho, aayos na ang buhay—hindi ibig sabihin no'n iyon lang ang tanging paraan upang umangat ang buhay. Hindi rin ibig sabihin no'n ay tagumpay agad ang makukuha kapag sinunod ang tipikal na daan na 'yon.
"But every country is different, that's a universal truth." I wrote down the next words he muttered. "The political landscapes of each country vary; dictators, democratic leaders, and communist leaders exist. So many presidents have different aims once seated in power, different agendas. What more if the environmental, economic, social, judicial, and other aspects of a nation are tackled?"
Umangat ang ulo ko pagkatapos. "Consequently, using a plan for development in one place and succeeding doesn't guarantee progress in another place once the same plan is used." Paalala niya.
Ang isang daan para sa mas maayos na estado ng buhay ng lahat ay hindi talaga posible. That can only mean there wasn't ever going to be one detailed way to develop that everyone can follow.
Tulad na lang ng pag-mature ng isang tao. Hindi palaging sakit ang magiging dahilan para mas maging mabuti ang isang tao. Hindi rin palaging karangyaan ang magiging dahilan upang maging sakim ang isang tao. Ang paglaki ng isang tao ay hindi pare-pareho.
BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
General FictionDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...