Kapitulo 11

1.7K 46 32
                                    

Days after admitting that I began to like Iggy, the second semester began. Dahil freshman ako, priority pa ako sa enlistment. Pero hindi naman 100 percent smooth ang enlistment and enrollment ko. Iyon ay dahil nag-take ako ng subject out of the curriculum since I intend to shift to UPD after this sem.

Kumuha ako ng Math 21 para mabawasan ang kailangan kong habulin na subjects kapag nakapasok ako sa UPD. Pinalit ko sa Math 21 'yong GE subject ng math which is Math 10. Sa Diliman ko na lang kukuhain 'yon.

"Hindi kita kasama sa Math 10, Diwa?! Ano ba 'yan!" reklamo ni Mario habang palabas kami ng campus. Katatapos lang namin kuhain ang final approval ng enrollment.

We're officially one semester away from sophomore year, ang bilis.

"Patingin ng sched mo, please!" he requested. Nilabas ko ang notebook ko at pinakita sa kaniya 'yon. "Shit! Wala tayong class together?!"

Tumingin din ako habang patungo kaming RobMan. "NSTP," I told him. "'Yon lang?! Isang beses lang kita makikita every week? No!"

"Maliit lang naman campus," I reminded him as we crossed the street. "Kahit na! Iba pa rin 'pag same sched! Diwa!"

Pagpasok namin sa RobMan, nakita kami agad ni Iggy. Sabi niya pupunta siya rito, kaya hindi na ako nagulat. Lumapit siya at nginitian ako.

"Good morning, Diwata." Tinaas-baba ko ang dalawang kilay ko at binalingan si Mari. "Saan tayo kakain?"

"Sa'n n'yo ba gusto?" ani Mario. We began to walk. "Pepper Lunch," si Iggy.

"Too expensive! Tapos, libre ko kayo pareho!" pigil ni Mario. "Uy, 'di ako nagpapalibre!" sabi ni Iggy.

Lumingon sa akin si Iggy. "Kumakain ka ba sa Pepper Lunch?" umiling ako. "Umiiwas ako sa mahal."

"Okay, tara, Pepper Lunch! For Diwa's birthday!" Mario took my hand and led me.

Si Mario na ang um-order para sa aming lahat, kami ni Iggy ay naghanap na ng mauupuan. Do'n kami sa pinakaloob ng restaurant pumunta. Mabuti at maaga-aga pa, hindi pa puno ang lugar.

Tulad ng unang pagkakataon na kumain kaming magkasama, tumabi sa akin si Iggy bago ibinaba ang bag sa lapag.

Araw-araw na kaming nag-uusap ni Iggy. Literal pala 'yong sinabi niyang ayaw niyang hindi ako nakakausap kahit isang beses sa isang araw... Hindi kaya magsasawa siya 'pag gano'n? Sa tingin ko, ako, hindi naman. Pero, sa bagay, siya rin naman ang unang nakipag-chat ng tuloy-tuloy, e. Siguro nga hindi siya magsasawa. Sana.

"Wala ka pang klase ngayon, 'di ba? Mari said your class starts tomorrow pa naman." I nodded to confirm Iggy's words. "Date mamaya?"

"Wala ka bang klase? Naka-uniform ka pa, oh," I held his shirt sleeve for a moment. "Tapos na class ko today."

Tumaas ang isang kilay ko. "Ang aga naman," may pagdududa sa boses ko at isipan. Para kasing nagsisinungaling 'to.

"WRP na lang, pero kasi mamayang gabi pa 'yon." Sabi ko na, e... "Mag-aaya ka ng date tapos may klase ka pala. Hindi puwede."

"Gabi pa nga, Diwa! Manonood lang ako ng UAAP, 'yon ang klase ko."

"Pa'no naging gano'n ang klase mo?"

"Required para sa WRP. 'Pag nanood ako, considered as attendance 'yon sa isang class."

"Ano ba 'yong WRP?"

"Wellness and Recreation Program, PE namin siya."

"Ahh... So, manonood ka ng isang laro ng UAAP, tapos parang equivalent na siya sa attendance?"

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon