Kapitulo 18

1.6K 32 12
                                    

Sa tuwing naiisip ko ang boses na bumubulong sa aking tumulong, nilalatagan ko ang utak ko ng mga rason upang hindi 'yon sundin. But even when I did, more reasons to help pop up in my life, in school. Para bang nakikipagtulungan ang mga guro ko at mundo upang ipamukha sa akin bakit kailangan kong gamitin ang kaalaman ko sa kabutihan, hindi lang para sa pansariling rason.

Sa Econ, sa asignaturang gustong-gusto ko, napakarami kong natutuklasan tungkol sa mga polisya na hindi pala maayos naipapatupad ng gobyerno dahil sa mga sakim. Sa DS naman, lalong tinibag ng mga natututuhan ko ro'n ang katotohanang mali ang daan ng development na matagal nang tinatahak ng bansa. Pa'no ba naman, parte pala ang bansa natin sa kinukuhaan ng resources ng leading developed countries para gumawa ng mga produktong siyang ibebenta sa underdeveloped at developing countries. Pinapaikot lang tayo ng nakaaangat. 

Para tayong mga produktong nasa isang conveyor belt.

"Baby, ano gusto mo?" naalimpungatan ako sa pag-iisip nang tanungin ako ni Iggy ulit.

Nasa loob kami ng isang kainan sa RobMan, at turn na pala naming um-order.

"Meal C," mabilis kong sagot. Nilabas ko ang pera ko at sinali sa ibabayad ni Iggy. Then, we sat down and waited for our food.

"How was your week?" Iggy asked as he put his bag on the floor. I did the same. "Uneventful, puro aral lang, tapos mga quizzes, gano'n. Ikaw?"

"Ang saya! Alam mo, dumami 'yong likes ng FB page ng panaderiya namin, tapos may isang artista na bumili! Gulat na gulat si Mama, e, kasi sa 'min mismo kinuha, hindi pina-deliver. Ayon, pinagkaguluhan."

I nodded. "Wow, pati artista, customer n'yo na. E 'di, lalong dadami 'yong bibili sa inyo niyan." He smiled. "Proud ako sa 'yo," that was supposed to be a thought, but I spit it out.

Iggy froze and showed an amused, then constipated, then happy look. Who knew he could switch emotions within three seconds? Well, it wasn't the first time, anyway.

"Ako rin, sobrang proud ako sa 'yo. Excited ako para sa paglipat mo sa UPD." Nawala ang ngiti ko sa mukha.

I couldn't believe he'd ever say that. Pero bakit nga ba hindi ako makapaniwala? E, siya nga ang nagturo sa akin maging sigurado sa pagsabi na papasa ako sa UPD. Siya rin ang nagsabing magiging okay lang kami kapag lumipat ako ro'n at narito siya.

"Excited ako para makanta ko na 'yong kanta ni Zild." Nakangisi niyang saad. "Anong kanta?"

"Kyusi," at nagsimula siyang kumanta bigla, ako ay natawa lang at napailing. He stopped when our food arrived.

"Joke lang. I mean, excited pa rin ako para makanta ko 'yon sa 'yo, pero more than that, excited ako sa paglipat mo kasi ibig sabihin," he paused and glanced at me, "mapapalapit ka na sa pangarap mo."

His words have a hold on me once I hear them. Lahat ng naririnig kong mga salita sa iba, may epekto sa akin, hindi lang kasing lalim ng kaniya.

Iba siya sa lahat.

"'Tsaka... naniniwala ka pa rin ba sa Tiya mo?" there he goes again. "Sa totoo lang, sa tingin ko, hindi gano'n kadali mawawala sa 'kin 'yon, Iggy. Kaya, 'wag mo na palaging tanungin. Malalim ang... sugat no'n sa 'kin, hindi siya basta-basta maghihilom." Tumango si Iggy. "Okay."

He said he'd try and try until I believed him. He said he'd stay even if, in the end, I won't.

Does that mean... he loves me?

Hindi naman basta-basta binibitawan ang mga salitang gano'n, 'di ba? O talagang gustong-gusto niya lang akong paniwalain na maganda ako dahil naniniwala siya ro'n?

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon