Ayaw kong bigyan ng espesiyal na atensiyon si Iggy dahil kapag napagod siya, lilisan din naman siya. Hindi magtatagal ang kaniyang pagpaparamdam. Ngunit hindi ko pa rin madala ang sarili kong baliwalain lahat ng effort niya para lang mapasang-ayon ako sa isang date. Hindi kasi ako pinakaling gano'n kawalang paki.
"Good morning, Diwata," bati niya paglabas ko ng dorm.
Simula no'ng bumili ako sa grocery kasama siya, madalas niya na akong hinahatid-sundo sa dorm at school. Malapit lang naman 'yong school ko, kaya ilang minuto lang ang tinatagal ng paglalakad namin. Nakikipag-usap siya sa akin. Minsan nagtatanong, madalas dumadaldal lang.
Ngayon ay Friday na, ikatlong linggo ng Nobiyembre, patungo akong UP Manila theater dahil may talk ako na a-attend-an para sa NSTP. Ang topic ay inflation at economic landscape ng kasalukuyang panahon. Medyo na-excite ako dahil tungkol sa ekonomiya ang maririnig ko. Makikinig na naman sa siguro'y ekonomista o publikong opisyal na magpapahayag ng mga datos o ano man tungkol sa bansa.
"Anong oras ang tapos ng klase mo ngayon?" tanong ni Iggy habang tumatawid kami. "Last class ko is two."
"Meriyenda tayo bago ka umuwi?" I shrugged. "Tingnan ko, wala ka bang klase?"
"Mayro'n, pero mamaya pang three. Alam mo, 'yong schedule natin, nagtutugma." Binalingan ko siya saglit. "Kasi kaya kitang ihatid paminsan-minsan 'tsaka sunduin, e, it's fate telling us na bagay tayo—kasi our schedules sync! Minsan nga lang 'di kita makasama kasi may school works ako o group work."
"Nagtugma lang ang schedule, meant to be na agad? Coincidence lang 'yon." Natutuhan ko na siyang sagutin sa mga ganiyan niya dahil ilang taboy na ang ginawa ko, e, ayaw magpatalo nito sa consistency. E 'di, babarahin ko na lang.
"Walang coincidence sa mundo, Diwata. Wala! Hindi coincidence na pinagtagpo tayo." Tumaas ang isa kong kilay.
"So? Meant to be ang rason kung ba't tayo pinagtagpo?" agad na tumango si Iggy. "Malay mo, magiging magkaaway pala tayo." Dagdag ko.
Natawa si Iggy sa aking huling binigkas. "Kung hindi nga 'to coincidence," I looked at him and me, "e 'di, lahat posibleng mangyari."
"Okay, fair point, pero malakas pa rin ang kutob ko na sa isang bagay lang tayo mauuwi." He lifted his hand and showed me his pointed pointer finger.
Hindi ko na tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin.
Umurong ako sa banda niya ng kaunti dahil mayro'ng tumatakbong nagtitinda. Hinuhuli na naman siguro ng mga pulis 'yong mga nagbebenta sa bangketa. Halos lahat na ay umalis sa kani-kanilang puwesto, e. Siguro nga may pulis na nagroronda.
"Ganito rin sa Quiapo minsan, talagang may nagtatakbuhan." Biglang sabi ni Iggy habang pinagmamasdan ang ibang mga tindero at tindera.
"Do'n ang school mo," I pointed out. "Oo, paglabas mo, usok na tatama sa mukha at ilong mo."
"Dito rin," sabi ko. "Kaya, sanay na ako sa ganito," pagtukoy niya sa kapaligiran namin ngayon.
Hinarap ako ni Iggy nang makarating kami sa OUR, aka Office of the University Registrar.
"Dito na pala tayo, sana pala sa P. Gil 'yong klase mo para..." ngumuso siya habang bumubulong. Iniwas ko ang mukha ko dahil napapangiti na naman ako. He was beginning to frown, e.
"Diwata," tinignan ko na si Iggy. "Puwede ko bang hingin Sabado mo?"
Umiling ako. "Kahit... saglit lang? Lunch time lang, all expenses, sagot ko!"
"Mag-aaral ako no'n, malapit na finals, one month na lang. Marami pa akong kailangan basahin ulit."
Pinalobo niya ang mga pisngi niya at umatras. "Sige... See you later."
BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
RomanceDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...
