Kapitulo 8

2K 46 55
                                    

Tumayo ako at ilang beses na pinikit-buka ang mga mata. Ilang oras na akong nagre-review para sa unang final exam ko this semester. Gusto kong matulog muna, pero may ilang school activities pa ako na kailangan gawin. Nagbigay kasi ng dalawang essay-activity ang PolSci prof namin, tapos tinatapos ko rin ang isang homework na bigay naman ng Math prof ko last week. Mahirap 'yong lesson, e, hindi ko agad matapos-tapos.

It had been a week since Iggy and I ate together. He hadn't come to me again, but he did message me consistently. Busy na raw siya since finals season na rin ng school niya. Finals ng lahat ng schools, kaya naunawaan ko ang pagiging busy niya.

But it did feel weird no'ng tumungtong ang Monday at wala siya sa labas ng dorm... Nasanay na ang utak ko sa gano'ng set-up namin. Halos palagi siyang naro'n, e...

Pumikit ako, umupo muli, at nag-head down sa la mesa.

Bakit 'yon weird?

I sighed and opened my eyes to see my hairy thighs.

Paulit-ulit kong pinaalala sa isipan kong mawawala rin si Iggy kapag napagod siya o natapos. Paulit-ulit ko ring inisip na baka nantitrip lang siya. Pero hindi lang siya nakapunta sa akin ng isang linggo, na-weird-an na ako.

Dumagdag pa 'to sa mga iniisip ko.

Tumayo ako at lumabas para maghanap ng meriyendang kakainin.

Linggo ngayon, at marami akong nakikitang taong pumapasok sa RobMan. May ilang med students na naglakad sa kabilang direksiyon na nakasasalubong ko. Mukhang kagagaling lang nilang duty. O baka, doktor na ang mga 'yon.

"Isa pong bananacue," sabi ko sa tindero ng carinderiya na nahanap ko. Tumango siya at kumuha ng isa at inilagay sa plastik.

Inabot ko ang bente at hinintay ang limang pisong sukli. Kumain ako habang pabalik ng dorm.

Patawid na sana ako nang may umakbay sa akin mula sa likod. Hindi na ako nag-attempt na manuntok dahil sigurado akong si Quentin lang naman 'yon.

Dumalang ang pagme-message ni Quentin sa akin, kaya nawala sa isip ko ang hinalang nagpaparamdam siya muli.

"Ano'ng ginagawa mo na nam-"

Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Iggy. Nakasuot siya ng isang puting shirt at maong na shorts.

"Wow, kilala mo na ako agad, inakbayan lang kita?" manghang wika niya habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko.

"Akala ko..."

"Hmm?"

"Wala, ano'ng ginagawa mo rito?"

Naglakad na ako muli at sumunod siya.

"Dayo, dalaw, ano pa ba?"

"Akala ko nag-aaral ka para sa finals mo?"

"Natapos na ako kahapon, kaya sa 'yo ang buong tanghali at gabi ko, Diwata. 'Tsaka, oo nga pala, good afternoon, Diwata. Muntik pa akong pumaliya ro'n, ah."

"Paliya saan?"

"Sa pagsabi ng good morning, good afternoon, at good evening. Siyempre, kailangan ko 'yon sabihin palagi kapag kausap kita."

Tinapon ko sa nakita kong basurahan ang plastik ng turon ko. At, naamoy ko ang baho ng kanal na malapit do'n. Napatakip ako ng ilong dahil sa hindi kaaya-ayang singaw. Nang mamataan ko ang patay na daga, umiwas na ako agad ng tingin.

Habang patuloy lang sa pagsasalita si Iggy. "Para palagi mong alam na laging bumubuti 'yong araw ko 'pag nakikita o nakakausap kita."

Ang pagnguya ko ng pritong saging ay bumagal.

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon