Ang tanging pangarap ko lang para sa sarili at sa pamilya ko ay ang hindi kami mag-alala kung may makakain bukas o may maipapangbayad sa mga bayarin na darating. Hindi ko inisip ang ibang tao, tulad namin, na hirap sa buhay. Hindi ko inisip na kailangan din nila ng tulong. Hindi ko sila binigyang atensiyon. Pero sa isang buong taon na nasa DevStud ako, nabago ang pananaw ko.
It was as if the beginning of knowing more and being better was always beyond my comfort. Always beyond what I was used to knowing. Always beyond my ingrained beliefs. Always beyond my mind.
Beginnings beyond comfort were something I wouldn't have thought to be empowering until college.
"Diwata," Iggy called my attention while he was taking a photo of the view in front of us.
Ngayon ay nasa UPD kami, nagpasa ako ng mga papeles na kailangan para sa paglipat ko rito. Ngunit bago iyon, nakarinig na naman ako ng kung ano-ano mula kay tiya Alessandra. Kesyo mas malala raw ang pagra-rally sa UPD kaysa sa UPM at mas lalo raw akong magiging malapit sa mga taong parte NPA o komunista. Hindi ko siya magawang itama sa kaniyang mga maling akala—siya pa rin kasi ang magbibigay ng allowance sa akin, at malaki na ang utang na loob sa kaniya ni Mama.
Pareho lang ang dami ng rally rito at sa UPM; pareho lang kasing mulat ang mga estudyante rito at sa UPM, e. 'Tsaka, isang taon ako sa UPM, pero wala namang lumapit sa aking parte ng NPA o komunista. Ni hindi nga 'yon pino-promote ng school namin, e. Pino-promote ng school na kailangang mag-isip kami para sa sarili namin. Masiyadong takot si Tiya, masiyadong naimpluwensiyahan ng maling impormasiyon.
Isa sa mahalagang natutuhan ko mula sa UPM ay ang hindi pagiging magkapareho ng aktibismo at komunismo. Napakalaki ng pagkakaiba no'n, mula sa pananaw hanggang sa paggalaw.
Nakuha ko man ang pangarap na escuela at programa ko, narito pa rin si Tiya. Kailangan ko pa ring i-tolerate ang kaniyang masasakit na salita. Hindi tapos ang kalbaryo ko dahil lang nakalipat na ako sa UPD.
"Excited na ako marinig magiging kuwento mo kapag nagsimula na pasok mo," ani Iggy.
Tiningnan ko ang mga pagkain na dala namin. Nasa isang upuan kami kaharap ang Sunken Garden. Nasa likod namin ang Melchor Hall. Bumili kami ng mga tusok-tusok sa nadaanan namin papunta rito dahil kumain naman kami ng lunch, medyo gutom lang ulit.
"Next time, sa A2 na tayo kumain, hanap tayo ng mura." Dagdag ni Iggy. "Ano 'yong A2?"
"A2! As in, Area 2! 'Yong lugar kung saan maraming kainan sa UPD, well, isa sa mga lugar na maraminig kainan. Mura sa A2, sabi ng kaibigan kong taga-UPD."
"Okay, next time."
"You excited?"
"Medyo, okay lang."
"Nervous?"
"Hindi naman."
"You'll do great. Will you still work even if you're studying here already?"
"Baka, titingnan ko kung kakayanin. Para hindi na rin laging problemado sina Mama at Papa, susubukan ko."
"'Wag mo pilitin kung hindi mo kaya. Alam kong masipag ka mag-aral at kinaya mo sa UPM, pero ito 'yong pangarap mong program, I know you want to strive more. Sometimes, letting go means choosing what's better."
I nodded and gripped his words while looking up front. May mga taong naglalaro sa gitna ng meadow na nasa harap namin, nagpapasahan sila ng bola. Sa likod naman namin, iba't ibang tao ang dumaraan. Some were running, some were biking. It was a quiet day right now.
"Galingan mo rin sa FEU, ha," ipinatong ko ang kamay ko sa kaniyang kanang kamay habang sinasabi 'yon. "Naman," he replied.
Sumubo siya muli ng kwekkwek. "'Tsaka, Iggy, kapag hindi mo kaya, huwag kang dumalaw. Alam kong gusto mo akong makita, gusto rin naman kitang makita—pero ayaw kong iyon ang magiging dahilan ng problema mo."

BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
Ficção GeralDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...