Wakas

2K 59 23
                                    

TG link: https://t.me/+91LsKZEiB3AzYTll (this is in my bio)

***

May kuwento ang lahat ng tao, may boses ang bawat isip. Madalas lang na hindi nila pinaaalam dahil human nature ang pagkakaroon ng preservations. Pero dahil mahilig akong makinig at kumausap, nalalaman ko ang mga kuwento ng iba, ang mga boses ng kahit hindi ko naman personal na kakilala.

"Alam mo, 'yang ugali mong biglang pakikipagdaldalan sa iba, nagugulat ako bakit walang pang nainis sa 'yo. I mean, ang tao is naturally defensive or papatayin ang conversation kapag hindi kakilala ang kausap." Sabi isang beses ng kaibigan ko no'ng senior high school ako.

"Alam mo, walang maiinis sa 'kin kasi sa charms ko pa lang, voluntary na silang nakikipag-usap sa akin," sagot ko.

"Anong voluntary? Ulol, e, ikaw nga palaging nagbubukas ng usapan." Balik ng kaibigan ko.

Tumawa na lang ako at nagpatuloy kami sa ginagawa naming project. Nasa bahay ko kami dahil tinatapos namin ang group project namin kailangan i-present next week. Nagkukuwento kasi ako kanina sa panibagong tao na nakilala ko no'ng nasa jeep ako, 'yong driver. Madalas ko na  sinasakiyan ang jeep niya papasok, e, kaya naisipan kong kilalanin na rin kanina.

Ang saya kaya makipag-usap at makipagkilala, mas marami kang natututuhan kapag nakikinig at nakikipag-converse ka.

Simula bata, ganito na talaga ako. Hindi ko alam kung kanino ko namana ang pagiging madaldal hanggang sa puntong kahit hindi ko kakilala ay inaalam ko ang kuwento. Si Ditse ko naman ay hindi ganito, lalo na si Mama. Ewan. Parang ako lang ang kakaiba sa bahay namin dahil nga ganito ako.

Pinagsabihan na ako dating mag-ingat sa mga kinakausap, pero wala pa namang tiyansang siraulo ang nakausap ko. Kahit nga mga lasing sa kanto, nakakuwentuhan ko na minsan, e. Parang masiyado lang negatibo ang mga nakapaligid sa akin para sabihan akong mag-ingat o na darating ang araw na may maiirita sa ganitong ugali ko.

O baka masiyado lang akong optimista.

At, dahil sa kadaldalan ko, nahiligan ko rin ang isang college program na kailangan ng maraming pagsasalita at pakikinig—ComArts. Iyon ang in-apply ko sa lahat ng kolehiyo na sinubukan ko. Ang pinakagusto kong escuelahan no'ng una ay UST, pero matapos ang puspusang pagre-research sa ibang escuelahan, mas nag-lean towards FEU ako. Malapit pareho 'yon sa akin, pero mas matimbang sa akin ang FEU no'ng lumabas na ang mga resulta.

"Sigurado ka na?" si Ditse nang tawagan ko siya upang ipaalam na nakapasa akong FEU at ibang schools. "Ayaw mong UST? Baka pinili mo lang FEU dahil do'n ako galing, ah."

"Hindi, ah! By choice 'to, Ditse," said I while putting my phone on my desk. Gabi na ngayon at patulog na sana ako nang sabihin ni Ditse na libre na siya para makipag-call.

"Sigurado ka na sa course mo?" tanong ni Ditse.

"Sure na sure. Alam mo namang desidido ako kapag gumagawa nang mga malalaking desisyon, Ditse."

"I know, just making sure. Apat na taon kang mag-aaral niyan. Kailangan higit pa sa desidido."

"Desidido na ako, Ditse. 'Wag ka na mag-alala. Gustong-gusto ko 'tong ComArts, handa akong pag-aralan siya ng apat na taon."

"Maiba tayo, sabi ni Mama, may girlfriend ka na raw? Sino? Bakit hindi mo pinaaalam?"

"Huh? Sino? Wala, baka kaklase ko lang nakita ni Mama, wala akong girlfriend, Ditse."

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon