Kapitulo 19

1.4K 44 16
                                    

Tinapon ko ang plastik ng Peanut Kisses at pumasok na sa banyo para maligo. Iggy bought me Peanut Kisses, when we ate in the carinderiya, even though I protested. Sabi niya na lang sa 'kin, "yakapin mo na lang ako, okay na."

Katatapos ko lang mag-review para sa isang Math quiz na magaganap bukas ng umaga. Medyo kinakabahan ako dahil tungkol sa sets ang quiz, at minsa'y nalilito ako sa mga symbols. Subalit, ang mahalaga naman ay nag-aral ako ngayon. Mapapasa ko na 'yon.

Natulog na ako matapos ayusin ang mga gamit.

When I woke up, I stared at the ceiling for a few minutes before turning to look at the window. Madilim na bughaw pa ang langit, pero naririnig ko na ang galaw ng mga tao sa labas ng kuwarto ko. Malamang, naghahanda na rin ang iba kong ka-dorm para sa klase. Tumayo na ako at inayos ang kama.

While folding my thin blanket, I saw my reflection in the mirror. Wala akong pimples ngayon, himala. May ilang pimple scars sa pisngi, ngunit pawala na ang mga 'yon. Ang eyebags ko ay naroon pa rin. Subalit, pakiramdam ko, parang umayos na ang itsura ko kompara sa nakaraang taon.

I smiled and made it wider. Then, I closed my mouth for a simpler one.

Kinuha ko ang telepono ko at tinapat sa salamin, saka ko kinuhaan ng litrato ang ngiti ko. Ilang beses kong pinindot ang shutter bago tingnan ang mga kuha. I thought of sending one to Iggy, but felt... shy for a moment. I had never done that. I had never sent a photo of me to anyone. It had always felt bold to me, when I heard people doing that. Pero naisip ko na si Iggy naman ang se-send-an ko. Si Iggy na gusto ako. Si Iggy na baka mahal ako. 

So, I sent the first photo I took and bathed. While in the cubicle, I was thinking of what reaction or meme Iggy would send. I was smiling like a weirdo in the shower while thinking of him.

Puta, parang ewan!

Nang makabalik ako sa kuwarto, pinatuyo ko na ang buhok ko at sinuot ang nag-iisang sapatos. Tapos, tinanggal ko na mula sa saksakan ang charger ng telepono ko. Itinago ko 'yon sa kahon ng la mesa ko. Sinuot ko na ang bag ko at itinago ang telepono sa bulsa ng pantalon.

"Good morning, Ate," bati ko sa bantay nang makita siyang naglilinis ng sala. "Pasok ka na?" tumango ako. "Hindi na po ako magpapagabi mamaya," patiuna ko bago siya kinawayan paalis.

Paglabas ng gate, bumungad sa akin si Iggy na may hawak na taho.

"Hindi ka sumasagot," sumbat niya habang iniaabot ang inumin. "Naligo ako, e. Ba't ka narito? Ang aga-aga pa."

We begun to walk. "Kasi nga hindi ka sumasagot, gusto ko sana mag-call muna bago pumasok. Ayan, pumunta tuloy ako." His tone was accusing. "Sorry?" hindi ko siguradong saad.

"Bakit naman kasi nagse-seng ka ng picture ng walang pasabi?" ngumiti ako at hindi siya tinignan. "Ayaw mo ba?" biro ko.

Huminto siya bigla sa paglalakad, kaya ako rin at tumigil. Hinablot niya ako at hinila sa gilid para mapalapit ako. Tapos, seryoso niya akong tinitigan ng ilang segundo.

"Diwata, pigil na pigil akong halikan ka. Sa tingin mo ba, ayaw ko?" he said in a breathy voice.

Tila isang batang kakatapos lang maglaro, natulala ako sa kaniya at prinoseso ang sinabi niya. 

Isang litrato, isang halik? 

Gano'n ba? Mabuti na lang pala at isa lang ang s-in-end ko.

Iggy's eyes go down to my lips and he closed his eyes, hard. He pulls me to just... walk again.

"Halika na nga," sabi ni Iggy habang papalapit kami sa campus.

Higit na mas maganda ang reaksiyon na nakuha ko kaysa sa mga pinantasiya ko! Hindi ko maiwasang mapangiti. At, hindi naging sapat ang pagngiti ko, kinailangan kong ilabas ang tuwa ko sa sistema o buong araw ako ganitong nakangisi. Kailangan kumawala ng nararamdaman ko, kailangan maipasa ko kay Iggy.

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon