Kapitulo 24

1.3K 32 2
                                    

"There's also the Pre-Law Society!" Mari said as she showed me the FB page of that org.

Siya ang unang taong pinagtanungan ko kung ano-ano ang orgs ng UPM. Hindi ko kasi kabisado. Kung mayro'n kasi rito sa UPM, most likely, mayro'n din sa UPD. Pero gagawa pa rin naman ako ng sarili kong research kapag nagkaroon ng oras. Gusto ko lang malaman ngayon pa lang ano ang mga org na maaari kong salihan. May alam din kasi si Mari sa mga org sa UPD, may kakilala kasi siya ro'n.

"Kung sino man nag-push sa 'yo mag-org, thank heavens sa kaniya!" binasa ko ang mga goals ng Pre-Law Soc habang sinasabi 'yon ni Mari. "Promise, ang saya na may org, Diwa!"

"Ano nga ulit 'yong org mo ngayon?" binanggit niya ang pangalan ng org niya at in-explain sa akin kung ano ang pokus no'n. "Gusto mo sumali? Mayro'n din sa UPD ng org ko."

"Pag-iisipan ko, sige, salamat." Umalis na ako at pumuntang trabaho.

Kinita ko siya saglit sa campus para kausapin tungkol do'n. Wala naman kasi akong ibang pagtatanungan. At, hindi kasi kami makapagde-date sa last Friday of the month dahil kinuwento ko sa kaniya ang estado ko. Naunawaan niya naman.

Pumasok na akong McDo at nakipagpalit sa katrabaho. Iggy wasn't coming today, may group assignment siyang kailangan tapusin kasama ang grupo niya. Kaya, nasa FEU pa rin siya kahit gabi na.

"Good morning, Sir. What can I get you?" I said when a person stood before the counter. "Can I get your BFF fries, 10-piece nuggets, and five Coke Floats?"

In-add ko lahat ng orders ng customer at nagbigay pa ng suggestion about the orders before saying the price. Nagbayad ang customer at umupo muna upang maghintay. Sunod-sunod na customers ang kinuhaan ko ng orders bago nagawa ang limang Coke Floats na order ng pinakaunang customer. Lahat ng kasama ko ay busy, kaya hindi ko mahingan ng tulong para sa orders ko.

"Miss, nasa'n na 'yong order ko? Nagmamadali ako, it's been 10 minutes." Sabi ng isang customer nang lumapit siya sa counter. "Sir, ginagawa na po." Mahinahon kong sagot.

"Ginagawa, e, kanina pa 'yon. Isang burger at inumin lang naman 'yon!" tumaas ang boses ng customer, dahilan para lumingon sa amin ang ilang tao. "Dadalhin ko na po sa inyo, Sir, pasensiya na po." I answered before turning to do orders.

Today wasn't any different than the past days, pero ilang beses akong na-late sa paggawa ng orders. Ilang customers ang nagreklamo sa akin, kung ano-ano ang sinabi. May pumuna pa ng itsura ko, stressed na stressed ako hanggang sa matapos ang shift ko. My workmates comforted me and said to just do better. Humingi ako ng pasensiya sa lahat dahil sa mga nangyari.

I suddenly wished I could see Iggy when I went out of McDo. But I knew he was already sleeping by this time.

Kaya, mag-isa akong naglakad papuntang dorm. Madilim na at iilan na lang ang mga taong makikita mo. May ilang tambay sa gilid-gilid. Hindi ko sila binabalingan, diretso lang ang lakad at tingin ko.

Nang makapasok sa dorm, napabuntong hininga ako. Bumababa na ang mga talukap ko. Mabilisang ligo ang ginawa ko bago humilata. Tiningnan ko ang alarm ko sa telepono upang masigurong magigising ako mamaya at pumikit na.

***

Pakiramdam ko, lalagnatin ako.

Masakit ang likod at ulo ko paggising ko. Nang tingnan ko ang lalagyan ko ng mga gamot, ubos na ang paracetamol ko. Bibili sana ako bago pumasok, pero hindi na kinaya ng oras ko. Kumain na lang ako ng kanin bago umalis ng dorm para sana maibsan ang sakit ng katawan. Ngunit hindi nabawasan—parang lumala pa nga, e.

"Goffman reiterates the idea that we have no sense of who we truly are because of the masks we show in different settings." My COMM prof said while writing something on the board.

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon