Kapitulo 4

2.6K 51 18
                                    

"Hindi kita kailangan at gustong kilalanin," I said before eating the last piece of potatoe and rice I had on my plate. Tumayo na ako at naghanda para umuwi.

"Diwa, wait," tawag ni Mario sa akin habang umiinom ako ng tubig. "Tara na, hatid mo na ako."

"Ako na maghahatid sa 'yo," pagpresinta no'ng Iggy. Umiling ako at tinignan ang kaibigan ko. "Mario," pagtawag ko.

"May gagawin pa pala ako rito, Diwa... Kay Iggy ka na lang magpahatid, lilibre ka niya ng pamasahe." I frowned.

"Ang pangit mo magpalusot, bahala ka." Umalis na ako para sumakay ng dyip pauwi. Alala ko pa naman kung saan at ano ang sasakiyan, e.

Kaya pala ako kinulit ni Mario pumunta rito—dahil ipapakilala niya, o magpapakilala, ang lalaking 'yon. Nakita ko na ang ganoong galawan sa dati kong mga kaklase. Totoo mang interesado o laro lang para sa Iggy na 'yon ang pagpapapansin niya, wala akong pakialam. Lumayo lang siya sa akin. Wala akong panahon para sa mga ganiyan.

"Diwata!" napapalatak ako dahil sa boses na narinig ko. Hinabol ako no'ng Iggy.

Nasa sakayan na ako at nag-aabang tulad ng ibang pasahero. Gusto ko ng maligo at gawin ang math activity ko para maka-review pa ako sa ethics. Maaga ang sched ko bukas dahil may seven AM class ako sa ethics. Kailangang handa ako para do'n dahil maaari na naman akong matawag sa recitation. Sana lumayo na 'tong Iggy na 'to agad kapag ni-reject ko siya.

"Diwata, hi," ani Iggy nang makatabi na siya sa akin. "Wala akong oras." Balik ko.

"Para sa'n? Para sa commute?" umirap ako at tumingin sa mga dumaraan na dyip at FX. "Diwata, huy."

Pumara na ako ng dyip na walang nakaupo sa harap. Agad akong nakipag-unahan at sumakay. Laking gulat ko nang tumabi na naman sa akin 'yong Iggy.

Sobrang bored ba nito sa buhay para samahan ako hanggang makauwi kahit hindi ko naman siya kilala?

"Ano'ng ginagawa mo? Bumaba ka nga!" saway ko. "Ayaw ko nga," sagot nito.

"Hindi ka naman pupuntang Faura, e! Alis na!"

"FYI, pupunta talaga ako, 'no. Kaya, 'wag mo 'ko pababain. Lagot ka kay manong, oh," nginuso niya ang likuran ko kung saan nakaupo ang driver ng dyip.

Nilingon ko ang driver at nakitang iritado ang tingin sa aming dalawa. Napahinto ako sa pagpapalayas sa lalaking nasa tabi ko at kumuha na lang ng pera para makapagbayad ng pamasahe. Gagastos pa rin pala ako ngayon, 'tang ina.

"Manong, oh, dalawa po, Faura," nag-abot ng pera si Iggy sa driver. Binalingan ko si Iggy. "Sagot kita," aniya.

"Thanks," pinikit ko na ang mga mata ko at tahimik na pinakinggan ang ingay ng paligid.

May batang ngumangawa sa likod ko. May boses ng isang babaeng pasahero na malakas dahil nakikipag-usap yata sa telepono. Tapos, 'yong patugtog pa ng dyip na 'to, akala mo nasa concert kami. Dagdag pa na mainit. Hay, hay!

"Sa 'yo ang pag-ibig na 'di maibabalik, kailan man ay 'di ko kayang sabihin..." pagkanta pa ng driver.

I sighed and opened my eyes. The vehicle I was in was stuck in a traffic jam right now. Gusto ko ng umuwi, ang tagal magpa-go ng traffic lights dito.

Tinignan ko 'yong Iggy ng hindi pinapahalata. Nakatitig lang siya sa mga kotse sa labas at hawak ang bag ng mahigpit. Ang maputi niyang balat ay naaarawan, mangingitim siya.

"Nasa'n ka na ba, mahal ko," pagbirit ng driver bago niya igalaw ang kambiyo para paandarin ang dyip.

"Ayos, manong, ah, singer ba kayo nung past life n'yo?" ani Iggy. 

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon