Kapitulo 13

1.6K 57 13
                                    

Pinauwi ako nina Mama at Papa no'ng Linggo, kaarawan kasi ni Lola, ang nanay ni Mama, kaya may salo-salo sa bahay ulit ni tiya Perla. Uuwi rin naman ako mamayang gabi, kaya ang dala ko lang ay isang shoulder bag na regalo ni tiyo Manuel no'ng pasko. Iilan lang din ang laman nito, wallet, panyo, cellphone, at payong.

"Hi, Ate!" si Beatris nang magkita kami sa sala ng bahay ni tiya Perla. "Kumusta kayo ni Racquel? Baka puro tablet kayo sa bahay, ah, nagtutupi pa rin ba kayo ng damit?"

"Oo! Salit-salitan kami, 'tsaka 'di kami lagi nagta-tablet, ah!" paliwanag niya.

Nang sulyapan ko naman si Mama na nasa likod niya, gumawa siya ng mukha na para bang inaasar si Beatris sa sinabing hindi lagi nagta-tablet.

Napangisi ako. "Okay," sabi ko sa kapatid.

Malamang tablet pa rin nang tablet ang dalawa kong kapatid. Wala, e, hindi sila sanay na may gano'n no'ng bata pa sila. Pero alam ko namang ginagabayan pa rin sila ni Mama sa paggawa ng gawaing bahay. 'Tsaka, pagsasabihan naman sila ni Papa kung sakaling sumobra sila sa panonood o paglalaro sa tablet.

"Sakto, malapit na kumain. Hinihintay na lang ang tiya Alessandra mo," ani Papa nang dumating siya sa sala. Nagbanyo yata siya. "Kumusta, Ate?" kuwestiyon ni Papa.

"Okay lang, Pa. Puro aral ulit, ikaw?" ngumiti si Papa. "May usap-usapan sa kompanya ko, pipili raw ng ilang trabahanteng gagawing regular."

Lumitaw ang ngiti sa mukha ko. "Oh! Ayos 'yan, Pa! Kailan daw pipili?"

"Hindi pa sigurado, e. Usap-usapan pa lang naman, pero sana makuha ako. Para buwan-buwan, hindi na bababa sa sampung libo ang maiuuwi ko." Tumango ako at inakbayan ang ama. "Mapipili ka, Pa. Sigurado ako."

Hanggang dito, naging firm believer na ako na kapag pangarap, dapat confident na sinasabi. All because of Iggy.

After a while, tiya Alessandra came. Flaunting her branded bag, she strut towards us for us to greet her. Lahat kami ng mga kapatid ko nama'y nagmano. Dumating din sa sala ang ibang kapamilya namin nang marinig ang boses ni tiya Alessandra na nakikipag-usap kay Mama. Ang mga pinsan ko'y nagmano. Nilapitan ako ni tiya Karen at niyapos ng saglit.

"Hindi ko napansing dumating ka na, Ate. Ano? May bago ka na bang mga kaibigan? 'Tsaka, congrats! Sinabi ng Mama mo na dean's lister ka!" ani tiya Karen.

"Salamat, Tiya. Gano'n pa rin po ang bilang ng kaibigan ko," hindi ko masabing kaibigan si Iggy, e. Parang mas akmang sabihin na manliligaw siya. Pero hindi naman niya sinabi, kaya ewan ko kung ano ba kami.

Tiya Karen made a face and sighed. "Siguradong-sigurado ka na talaga sa pag-alis mo, 'no?" I nodded, knowing well that she meant my transfer of campuses.

"Basta, palagi mong tandaan na dapat masaya ka sa aaralin mo, ano man kahantungan ng desisyon mo." She adviced. "Wala ka pang boyfriend? Walang nagpaparamdam? Sabi ng Mama mo," she lifted her brow and smirked, "may nagpadala raw ng cake no'ng birthday mo."

Ah. Si Quentin. Hindi na siya muli nagparamdam matapos ko siyang tanggihan sa paglabas. Siguro tumigil na ng tuluyan. Alam niya naman na hindi ko siya gusto, e. Pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay.

"Kaibigan ko po, 'di ko po boyfriend 'yon," pagklaro ko. "Hindi siya, e, sino?"

"Wala po," nanliit ang mga mata ni Tiya. "Wala kang natitipuhan sa escuela? Talaga? Sabi nila, maraming pogi na matalino sa UP."

Marami ba... Baka sadiyang hindi ko lang tipo. Hindi maaaring sabihin naman na tipo ko ang isang Tamaraw. Baka makarating kay tiya Alessandra at isipin ni Tiya, lumalandi ako habang nag-aaral. Mahirap na. Matalim ang salita niya, lalo siyang may ibubutas sa 'kin.

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon